Chapter 12: Overthink
Lucas' POV.
Napagusapan namin ni Arriane na bumisita siya ngayon dito sa bahay dahil gusto siyang makita ni Jean. Ngayon, natupad na ang hiling sa akin ni Jean na makita niya si Arriane.
Sa sobrang magkasundo nila, halos 'di na kami nagkausap ni Arriane at silang dalawa na ang nagusap. Ang cute nilang tignan dahil para silang magkapatid na matagal na hindi nagkita.
Isa pang dahilan na pinapunta ko rin si Arriane dito, dahil may mahalaga akong sasabihin sa kaniya ngunit 'di ko alam kung papaniwalaan niya ako. Bahala na, basta sasabihin ko nalang sa kaniya kung ano 'yon.
Ang ingay nilang magusap ni Jean, puro mathematics ang pinaguusapan nila dahil nagpapaturo sa kaniya si Jean. Maning mani kay Arriane ang lahat kapag dating sa ganito, hasang hasa na. Manghang mangha siya kay Arriane.
"Ate, alam mo bang lagi kang kinikwento sa akin ni Kuya?" Biglang banggit ni Jean.
Napatingin naman sa akin si Arriane dahil sa sinabi ni Jean, tsaka niya binalik ang tingin niya kay Jean at sumagot.
"Kinikwento niya ako sayo? Ah, tungkol ba sa math? Haha." Biro ni Arriane.
"Hindi, Ate-"
"Oo, kinikwento ko ay tungkol sa galing mo sa academics." Pagputol ko kay Jean, ngumiti ako at nilakihan ko ng mata ng palihim si Jean.
Medyo nakakahiya kung ibubunyag niya ang mga kinikwento ko.
"Sus, Lucas. Mas magaling ka sakin! Walang makakatalo sayo." Arriane.
Tumawa na lamang ako sa mga sinabi niya. Nagpatuloy naman sila sa pagtututor niya kay Jean.
Maya maya lang ay tinawag ni Tita Tina si Jean dahil may pupuntahan sila.
Ngayon ay mayroon na akong pagkakataon upang sabihin kay Arriane kung ano ang nakita ko, pero nawawala naman ang lakas kong sabihin dahil baka magaway sila at masaktan siya. Baka rin di siya maniwala.
Pero kailangan ko lakasan ang loob kong sabihin sa kaniya yung totoong nakita ko.
"Ah, Arriane? May gusto sana akong sabihin sayo." Panimula ko sa usapan naming dalawa.
"Oh? Ano 'yon?" Nakangiting tanong nito sa akin.
"Wala akong ibang intensyon dito sa sasabihin ko, concern lang ako sayo."
Tumango lang ito at nagtaka.
"Kahapon kasi nakita ko sa convinient store si Lei," kwento ko.
"Oh, nagkita pala kayo! Hindi niya nabanggit sa akin." Sagot nito.
"Ako lang naman ang nakakita sa kaniya pero yung nakita kong nangyari ang nakakagulat," Sambit ko. "Nakita kong nandoon din si Athena sa loob nung convinient store na 'yon at nakita kong kasama niya si Lei. Bigla niya ngang niyakap si Lei mula sa likod." Paliwanag ko.
Alam kong masasaktan siya sa kwento ko, pero mas masasaktan siya kung hahayaan ko lang na wala siyang alam sa ginagawa ni Lei.
"Sigurado ka? Sigurado ka bang si Lei 'yon? Si Athena?" Malungkot na tonong tanong ni Arriane sa akin.
Seryoso akong tumango sa kaniya.
Tumawa ito bigla, "H'wag mo nga akong iprank d'yan, Lei. Halatang 'di totoo." Natatawa pang sambit nito.
"Hindi ako nagbibir-"
"Ate Arriane tuloy na po natin pagtutor niyo sa akin!" Biglang pumasok si Jean at niyaya si Arriane, kaya naputol ang sinasabi ko.
Paano ko na ba 'yon ipapaliwanag ulit kay Arriane? Hays, sabi na nga ba at hindi siya maniniwala. Alam niyang mahal na mahal siya ni Lei, pero minsan nabubulag na rin siya sa pagkakaalam niyang iyon.
Hinayaan ko nalang muna na hindi niya paniwalaan ang sinabi ko, baka sakaling marealize niya rin naman na baka totoo ang sinabi ko sa kaniya. Ayoko lang na masaktan siya nung mokong na 'yon kahit matagal tagal na rin sila.
Kanina pa naguusap si Arriane at Jean at mukhang masaya sila, napapangiti nalang ako sa tuwing napapatingin ako sa kanila napakasaya lang kasi nilang tignan. Kahit halos maging wala na ko sa paningin nila, okay lang. Ang cute talaga nilang titigan dahil para silang magkapatid na totoo.
Sinarili ko nalang ang bagay na nakita ko, siguro sapat na 'yong nasabi ko 'yon kay Arriane. Though I'm still worried for her feelings.
Buong hapon ang lumipas hanggang sa kailangan na umuwi ni Arriane, inalok ko siya na ihahatid ko siya pero tumanggi siya dahil magkikita naman daw sila ni Lei. Kaya hindi na ako umangal pa.
Hindi naman maiiwasan na magkamali ang tao, pero hinihiling ko na h'wag magkamali si Lei kay Arriane. Masasaktan si Arriane, at kapag nagkataon 'yon dahil 'yon kay Lei. Kilalang kilala ko si Lei, ang dami na niyang pinaluhang babae. Kaya hindi ako makasigurado ngayon na talaga hindi niya sasaktan si Arriane.
Kung nagbago na talaga si Lei, sana sa mabuting paraan na talaga. Naalala ko lang mga ginawa niyang pananakit sa mga babae dati gamit lamang ang mga salita niya, naiinis na ako.
Sobra sobrang sakit ang nakikita ko sa mga babae na 'yon, na halos tulungan ko na sila sa pagtayo sa t'wing nakikita kong lumuluhod sila sa harap ni Lei na walang pakielam. Ngunit hindi ko magawa, dahil alam kong hindi matutuwa si Lei. Kaya simula ng umalis ako sa pagsasama sama namin, sinabi ko na sa sarili ko na gagawin ko nalang tahimik ang buhay ko at susubukan na ipaliwanag sa ibang babae na malaki ang halaga nila, hindi nila kailangan magmakaawa sa lalake. Because girls deserve to be treated right.
Ganon kalaki ang halaga ng mga babae, lalo na ang kapatid ko at si Mama. Sobrang laki ng halaga nila, ayokong may mangyari sa kanila na hindi maganda. Ayokong minamaliit sila. Ako mismo ang nasasaktan ng sobra sa t'wing nakikita ko silang nahihirapan.
Kaya siguro ganoon nalang din ako magalala kay Arriane, kasi alam kong malaki ang halaga niya. Dapat lang na ituring siya ng tama at hindi saktan. May tiwala naman ako sa kaniya, pero sa ibang tao, wala. Kaya nagaalinlangan ako kay Lei.
"Kuya, kailan babalik si Ate Arriane dito?" Biglang tanong sa akin ni Jean.
"Hindi ko pa alam e," Sagot ko rito. "Pero sigurado akong babalik pa siya dito." Dagdag ko pa at ngumiti ng bahagya.
Napangiti naman ng malawak ang kapatid ko, "Sana mabilis lang lumipas ang araw. Gusto ko na ulit makakwentuhan si Ate Arriane!" Excited at may halong lungkot na sambit nito.
Napangiti na lamang ako, ganon na agad sila kaclose na dalawa. Ang cute lang, magkasundong magkasundo sila. Lalo na kapag mathematics, sobrang daling matuto ni Jean kay Arriane.
Naalala ko bigla, sana h'wag na lamang isipin ni Arriane 'yong sinabi ko kanina. Baka masaktan siya kapag may iba pa siyang naisip katulad ko.
Sana'y h'wag ka niya saktan katulad ng nagawa niya noon...
^°^°^°^°^
Any suggestions? Add and follow my social media accounts!
FB: Keith (just search KJiminie23)
IG & TWT: kssiopao27
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen FictionLei Marco. Siya ang lalaking kinahuhumalingan ng mga babae sa Hanguk University, hinahabol, tinitilian dahil sa taglay na kagwapuhan. Tinatawag siyang bad boy, pero magiging good boy pa kaya siya? Ang bad boy na tigasin, lalambot pa rin ba? Magigi...