"I agree" paulit ulit kong naririnig iyan kanina pa, naka uwi na ako ay hindi parin naalis sa isip ko ang sinabi niya. Agree sya na bagay kami ni dustin?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, "Who the fvck are you John adrian" inis na sabi ko. kanina ko pa kinakausap ang sarili ko dahil sa 'I agree' na iyan.
nagulat ako dahil may kumatok sa pinto ng aking kwarto "Honey! Dinner is ready" tawag sakin ni mom kaya naman ay agad akong kumilos at binuksan ang pinto. ngumiti siya saakin at naunang maglakad.
sumunod naman ako sa kanya hanggang makarating kami sa dinning area kung saan nag hihintay si dad, mukang masama ang timpla nya, ngunit nang nakita niya ako ay kaagad siyang ngumiti.
"Kamusta ka sa school hija?" tanong niya, ngumiti ako at umupo malapit sa kanya at si mom naman ay umupo sa tapat ko.
"Ayos naman dad, mababait ang mga tao sakin" ngumiti ako, mababait naman sila maliban sa mga juniors ko na mga banakal.
"Mabuti naman kung ganon" inabutan nilagyan ni ate elen ng kanin ang plato namin isa isa, si ate elen ay katulong namin, bata palang ako kay nandyan na siya.
tahimik lang kami habang kumakain dahil ayaw ni mom ng maingay habang nasa hapag kainan. Masyadong strict si mom.
Nang matapos silang kumain ay nag paalam na din ako"Im done, thank you po sa foods" tumayo ako at umalis sa hapag kainan para pumunta na sa aking kwarto at mag half bath.
habang naka babad ako sa bath tub ay iniisip ko parin, pano kung kami talaga ni dustine? like argh! hindi ko ma imagine na magiging mag boyfriend at girlfriend kami ng lalaking iyon.
na imagine ko na mag sabi sya ng mahal nya ako, ang cringe!.
tinapos ko ang ginagawa ko dito sa banyo at nag bihis na ako para makatulog.nanood muna ako ng titanic bago matulog dahil iyon na ang naka sanayan ko bago matulog ay manonood muna ng movie. hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog. basta nagising nalang ako dahil sa ingay ng alarm ko.
Agad akong naligo at nag suot ng uniform, nag lagay din ako ng kaunting make up at lip gloss para fresh, at bumaba na para mag breakfasts.
"Goodmoring Honey" bati niya at hinalikan ako sa pisngi. "Aga mo ngayon ah" ngumiti lang at at umupo sa upuan ko.
"Nasaan si dad" tanong ko, umiwas sya ng tingin saakin at kumakain ng pancake. hindi na ako nagtanong pa dahil feeling ko ayaw niyang pag usapan ang bagay na iyon.
Nang natapos akong kumain ay tumayo na ako at nag paalam kay mom, dahil ayokong malate sa school.
nakarating ako sa school ay kakatapos lang nila mag attendance, may nag away kasi doon sa kalsada dahil na bangga daw niya ang sasakyan.
wala na si Miss angel dahil tapos na ang homeroom namin. umupo agad ako sa upuan ko. "bat ka late?" bungad ni oli.
"May nag away kasi dun sa may kalsada papunta sa school" paliwanag ko ngunit pinagtaasan niya ako ng kilay na para bang hindi kumbinsido.
"Goodmoring" bati ni dustin, ngumiti lamang ako sa kanya. "Btw, sayo ba ito?" tanong niya at inabot saakin ang panyo na may bahid ng dugo. Hinablot ko iyon at tiningnan si Adrian na nakatingin sa gawi namin, ngunit nag iwas agad ng tingin ng makitang naka tingin ako.
"San mo na kuha ito?" tanong ko at inilagay iyon sa bag ko.
"Uh, sa bench kahapon" paliwanag nya ngunit panong nangyaring nasa bench ang panyo ko, ang alam ko ay kinuha iyon ni adrian bago sya pumunta sa cafeteria at hindi na bumalik saakin.
"Salamat"
ilang oras pa ang nakalipas ay naka ilang subject din kami hanggang sa mag lunch na at mag labasan ang mga estudyante.
"Goodbye Class" wika ng aming guro sa math at umalis na, nag ayos na din ako ng gamit dahil lunch nya, siguro ang kasabay ko mag lunch ngayon ay sila oli, dahil wala pa naman akong masyadong kaibigan.
habang inaayos ko ang gamit ko ay may umakbay saakin, tumingin ako sa kamay niya, "Tara sabay kana samin mag lunch" naka ngiting wika ni dustine at ng napansin nyang naka tingin ako sa kamay niya ay agad nya itong inalis.
sumama ako sa kanila sa cafeteria, humanap sila ng pwesto namin para ilagay ang mga gamit. " Anong order mo sab?" tanong ni oli.
"Uh, Chicken Spag nalang, tapos diet coke yung drinks" kinuha ko ang wallet ko pero tinapik ni oli ang kamay ko at umiling "Thanks!" minsan lang mag libre si pareng oli dapat pala dinamihan ko na.
ako lamang ang naiwan sa lamesa namin dahil silang tatlo ay umorder ng kani-kanilang pagkain. "Tumabi kayo, handsome first mga tanga!" rinig kong sigaw ni oli. kaya naman nagtawanan ang mga tao sa cafeteria.
maya maya pa ay dumating na sila dala ang mga pag kain namin, inayos ko agad ang lamesa at inilagay ang mga bags sa namin sa gilid para mailagay ng maayos ang mga pagkain.
Nang maayos na namin ay nagdasal muna kami bago kumain. madaming kwento si oli kaya hindi kami makapag simulang kumain dahil tawa kami ng tawa.
katulad ng kwento nya na kung ang bata ay nadapa at ang electric fan mo ay blue bakit ang bobo mo. hindi ko alam kung anong natira nya pero sabog sya. napansin ko din si adrian na mahinang tumatawa dahil sa katarantaduhan ng pinsan nya.
nagsimula na kaming kumain, ngunit napatingin si oli ng masama sa likod ko kaya napatigil ako sa pag kain at tumingin sa likod ko.
at doon nakita ko sya na may hawak na tray na may lamang pag kain, "Can i join you guys?" nahihiyang tanong ni jewel.
BINABASA MO ANG
UNCRUSH
Short Storyhindi makapaniwala na ang isang mababaw na paghanga ang magbabago sa buhay ni sabrina, hindi niya alam na sobrang nahuhulog napala siya sa taong may mahal na iba. Cover not mine. Credit to the rightful owner Crush #1 Sabrina Ira dela Torre Uncrush...