tumayo sya ng maramdaman nyang kumalma na ako, hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahang itinayo.
"Uwi na tayo, hatid na kita" tumungo ako dahil sa dami ng iniisip ko. nag lakad lamang kami dahil malapit lamang ako Village namin sa school.dala rin niya ang bag ko, tahimik lamang kaming nag lalakad at hawak parin niya ang kamay ko. hanggang sa makapasok kami sa Village, nalaman ko rin na pareho kami ng Village ngunit malayo ang bahay nila sa bahay namin.
"Dito nalamang, salamat sa paghatid" walang buhay na sabi ko at kinuha nag bag ko sa kanya ng makarating kami sa gate ng aming bahay.
inangat niya ang kamay niya at marahang ginulo ang buhok ko at niyakap ako "Wag kana iiyak" wika niya at bumitaw sa pagkakayakap saakin. "Sige una na ako" kumaway ako sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay.
ngunit di pa lamang ako nakakapasok sa front door ay naririnig ko na ang malalakas na sigawan. at mag narinig din akong nabasag na gamit.
"Tangina naman, Leonardo" galit na galit na sabi ni mom. ngunit sampal lamang ang tinugon ni dad sa kanya"Anong sasabihin ko kay ira kapag nalaman niyang ganyang ang ginagawa mo" humagulgol si mom.
"Bitawan mo ako Irene, matagal na akong nagtitimpi sayo, pinakikisamahan lamang kita dahil kay ira, pero ngayon? nagawa mong ipapatay ang mag ina ko? tangina!" natigilan ako dahil sa sinabi ni dad, sinong mag ina ang tinutukoy niya?
may ibang pamilya si dad?
"Hindi na mauulit Leonardo, patawarin mo ako maawa ka samin ng anak mo, ilang beses kitang tinanggap at pinatawad para lang mabuo ang pamilya natin"
anong nangyayari? bakit ganito?
"Hindi ko kasalanan na masyado kang tanga para mahalin ako, kahit alam mong hinding hindi kita mamahalin kahit pa magkaanak tayo, tandaan mo yan irene" wala sa sariling hinakbang ko ang paa ko patungo sa front door, upang makita sila.
may hawak na malaking maleta si dad at naka luhod si mom sa harap niya, basag ang mga vase na naka display sa living room at sobrang gulo ng bahay.
"Sabrina!"
"Ira!"
sabay silang nataranta at tumayo si mom at pinunasan ang luha niya. tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa. i can't imagine na ganito ang nararanasan ni mom sa loob ng Labing pitong taon nilang mag asawa.
tiningnan ko si dad, hindi na siya yung tatay na kilala ko. nag bago na siya, kilala ko ang daddy ko kahit kailan ay hindi niya magagawang saktan si mom.
"Bakit ang aga mong umuwi ngayon anak?" dad asked, kung makapagsalita siya ay parang walang nangyari sa kanila ni mom.
"Nothing, akala ko kasi ay makakapagpahinga ako rito ngunit mali ako, would you mind explain what's happening" malamig na sabi ko. mapaklang tumawa ni mom ng lumapit sakin si dad at hinawakan ang muka ko.
umiwas ako dahil natatakot ako na baka saktan rin niya ako katulad ng ginawa niya kay mom. "Mag eexplain ako anak, kapag maayos na ang lahat, babalikan kita" kinuha niya ang maleta niya at tuluyang umalis.
And just like that tuluyan na nya akong iniwan, tuluyan na nya kaming iniwan para sa sarili niya.
napaupo ako sa sahig at tahimik na umiyak, hindi ko alam kung bakit nangyayari ito saakin. bakit ako? bakit sa pamilya ko pa nangyari ito. kingina.
"Linisin nyo lahat ng kalat rito sa bahay, ngayon din!" sigaw ni mom at patakbong pumunta sa kanilang kwarto. narinig ko pang may kausap siya sa telepono ngunit hindi ko na maintindihan iyon.
nag silabasan ang mga ka tulong sa bahay at nag simula ng maglinis. ngunit nandito parin ako naka upo sa sahig at umiiyak.
"Sabrina, tumayo kana riyan, baka masugatan ka" tiningnan ko siya, tinulungan niya akong tumayo ngunit patuloy parin ako sa pag iyak ko.
"M-madalas ba silang nagaayaw?" tanong ko, huminga siya ng malalim at tumungo. kaya pala minsan ay may pasa ni mom? minsan ay may sugat siya sa labi dahil iyon kay dad?
mapakla akong natawa, all this time ay ginagago nila ako? pinapalabas nila na mahal na mahal nila ang isa't isa para saakin? bakit ako?
nag tungo ako sa kwarto ko, kailangan ko ng kausap ngayon, dahil hindi ko kaya ang nararamdaman ko ngayon, masyadong mabigat.
kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang unang naka save na contacts sa phone ko. hindi ko na binasa ang pangalan niya basta pinindot ko na lamang ito.
ilang ring pa ay sinagot na niya ito.
"Hello?" pinilit kong kinalma ang boses ko.
[who?]
"Uh sabrina, can i come?" tuluyan ng tumulo ang luha ko at humagulgol.
[Sure, I'll text the address]
binaba niya ang tawag, kinuha ko ang maliit kong maleta at inilagay ang ilang gamit ko. kinuha ko din ang wallet ko at kinuha ang allowances ko hanggang next month, at kumuha pa ako ng pera ko sa ipon ko. hindi ko alam kung gaano ako katagal mawawala ngunit sisiguraduhin ko na pag balik ko rito sa bahay na ito ay hindi na muli ako iiyak.
from : 09*********
[Sa Village niyo, clubhouse 3, maghihinatay ako]
tinext niya ang address kaya naman ay binuksan ko na ang bintana at hinulog roon ang maleta ko at itinali ang kumot sa kama ko at dahan dahang binaba sa bintana.
Nang masiguro ko na matibay talaga ito ay dahan dahan akong bumaba. ten pm na at wala ng mga bantay sa gate. sinuot ko ang baseball cap ko at inilagay ang hood ng hoodie na suot ko sa ulo ko.
nakarating ako sa clubhouse ngunit walang tao roon, umupo ako sa swing at naghintay, ngunit mag iisang oras na ako rito ay wala parin ang lalaking tinext ko. baka traffic?
haha sige sabrina umasa ka, umasa ka lamang. tinawagan ko ang number na iyon ngunit naka off na ang phone nito. natawa ako sa sarili ko, bakit ba ako naniwala. kinuha ko ang maleta ko at tumayo sa swing upang umuwi na. Nang biglang may nakita akong lalaking naka tayo sa gilid ng puno.
matangkad siya. at nakasuot din siya ng hoodie. nilapitan ko siya at pinagmasdan. hinawakan ko ang braso nito at nagulat ako ng sumigaw siya.
"Putcha! ayoko pa mamatay!, tangina mo adrian!" natigilan ako ng mabosesan ko ito. si oli! agad ko syang niyakap dahil sa takot. nahula ako ngunit niyakap niya ako pabalik. "Bro sino yan?" agad akong napabitaw. tumingin ako sa likod ko. si oli yung nasa likod ko.
napalayo ako, kung si oli ay nasa likod ko sino ang niyakap ko!? tumingin ako sa lalaking niyakap ko, umilaw ang phone niya at nakita ko ang walang emosyon na mukha ni adrian.
---
:)
BINABASA MO ANG
UNCRUSH
Short Storyhindi makapaniwala na ang isang mababaw na paghanga ang magbabago sa buhay ni sabrina, hindi niya alam na sobrang nahuhulog napala siya sa taong may mahal na iba. Cover not mine. Credit to the rightful owner Crush #1 Sabrina Ira dela Torre Uncrush...