"The Moon is beautiful"
"So are you" tumingin ako ng matagal sa kanya, naka tingin siya sa buwan. hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, natutuwa ako at kinikilig ako ngunit iba ang ginawa ng katawan ko, umiiyak ako. umiiyak ako sa harapan niya.
Napansin siguro niya ang pag luha ko kaya agad syang upo at tumingin saakin. nilinis niya ang kamay niya ay pinunasan ang luha ko "Why are you crying?"
malakas akong tumawa, nag salubong ang kilay niya na para bang hindi ako naiintindihan "I don't know either" inalis ko ang kamay niya sa muka ko para ako ang mag punas sa sarili kong luha. hinaplos niya ang ulo ko na mas lalong nag paiyak saakin.
"Stop crying, please"
"I can't, i don't know why." pilit kong pinatahan ang sarili ko "i have a weak heart, so simple things makes me cry." sabay kaming tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko.
"Pasok na tayo sa loob, malamig na" nauna syang tumayo at nag bigay ng kamay para tulungan akong tumayo, nauna akong mag lakad sa kanya"Uh sabrina" tumigil ako sa pag lalakad at nilingon sya.
"Bakit?" nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. natigilan kaming dalawa na para bang bumagal ang ikot ng mundo. sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Take care" kumalas sya sa pag kakayakap sakin at tumakbo pabalik sa beach house. naiwan akong nakatanga sa kawalan. nanlambot ang tuhod ko. naka tanaw lamang at sa kanya habang siya ay tumatakbo palayo saakin, wala sa sariling napaupo ako sa buhanginan.
Anong trip ito John Adrian?
KINABUKASAN HINDI ko alam kung pano ako naka pasok sa loob ng bahay. nagising nalang ako dahil sa ingay nila. Nung una ay kala ko panaginip ang lahat ngunit suot ko ang hoodie nya. Alam kong hindi iyon panaginip dahil ramdam ko ang yakap nya.
"Sabrina! kakain na tayo ng umagahan, hindi ka naka sama samin kanina dahil tulog na tulog ka, naligo kami sa dagat" inalog alog ako ni Chester. Hinila niya ako pababa kung saan nandon lahat ng mga kaklase ko. ang ibang babae ay naka bikini pa at basang basa ang buhok.
Sila Oli naman ay naka topless, naka hanay sila sa mahabang lamesa na madaming pag kain. umupo ako sa tapat ni miguel, nasa kanan niya si dustin at nasa kaliwa si adrian at katabi ni adrian si jewel.
"Goodmoring sabrina" bati saakin ni miguel at dustin. sumulyap si adrian saakin ngunit nag iwas agad ng tingin.
"Goodmoring" napansin ko ang pag titig ni oli at dustin sa suot ko. kaya nag simula na din ako kumain
"Nice hoodie, sabrina" agad akong nasamid dahil sa sinabi ni miguel. tumawa ng malakas si oli at may binulong kay Chester kaya na patawa din si Chester.
"Salamat lods" barumbado kong sagot kahit nahihiya ako. hindi ako naka pag palit dahil masyado akong pre occupied dahil sa mga nangyari.
Nag patuloy ako sa pakain. "Maari na muli kayong maliho sa dagat or sa hotspring pag katapos nyong kumain." ilang oras pa ang naka lipas at lahat kami ay tapos ng kumain.
"Sabrina! mag palit kana ng bikini!" sigaw ng isa kong ka klase at nag hiyawan naman ang mga kasama nyang lalaki.
"Sabik na Sabik makitang naka bikini si sab, kung kutusan ko bunbunan nyo papalag ba kayo!?" agad kaming nagtawanan dahil sa sigaw ni oli.
"Jok lang boss, di ka mabiro" binato ni oli ng plastic cup ang kaklase kong lalaki habang tumatawa.
"Sab let's go?" tumungo ako at sumonod sa kanila. habang nag lalakad kami ay inalis ko ang hoodie ko. at isinabit iyon sa braso ko.
Nakarating kami sa kwarto at kanya kanya silang kumuha ng panligo nila sa dagat. binuksan ko ang bag ko at kumuha ng isang pares ng swimsuit. kulay puti ito at may kauting design na black sa gilid. kumaha din ako ng cover up na kulay itim at kinuha ang sun block at ang sunglasses ko.
Sabay sabay kaming natapos mag palit at abala ako sa pag lalagay ng sunblock habang papunta sa kinaroroonan ng mga kaklase namin. sila Chester ay patakbong pumunta kaya ako na lamang ang naiwan.
Nag hihiyawan pa sila, at sinalubong ang mga alon. nakarating ako sa cottage namin. "bat may cover up pres?" inirapan ko sila.
"May surfboard ba dito Chester!?" sigaw ko. itinuro niya ang ilang surfboard na patong patong. nag liwanag ang mata ko at patakbong kinuha ang long board.
"Marunong ka mag surf pres!?" tanong ni Ian. ngumiti ako at tumungo tungo. "Woah! paturo naman"
"Wag na, hindi naman ako masyadong marunong baka mahulog ka" tumawa sila at inaasar si Ian.
"Ok lang mahulog basta ang sayo ang bagsak ko pres!" agad namang binatukan ni oli si Ian
"Ako ang mag tuturo sainyo, mga tukmol!" agad akong natawa at patakbong sinalubong ang mga alon habang hawak ang surf boad.
sumampa ako dito at nag tungo sa medyo malalim na part ng dagat kung saan maganda at malaki ang alon. nanonood sila sakin kaya medyo kinakabahan ako baka mawala ako sa balanse.
Dumapa ako sa surfboard at nag intay ng magandang alon. bumilang ako ng tatlo at sinabayan ang malaking alon at unti unti akong tumayo at tinantya ang balanse ko. nakarinig ako ng palakpak mula sa dalampasigan. at doon na nonood silang lahat.
"Tapakan mo ako lodi sabrina!"
"Pag ako sinipa mo, natutuwa pa ako, Kween!"
"That's my baby right there bro!" agad akong nawala sa balanse dahil sa sinigaw ni adrian. shutangina!.
----
gusto ko den ng baby(╥﹏╥)
BINABASA MO ANG
UNCRUSH
Short Storyhindi makapaniwala na ang isang mababaw na paghanga ang magbabago sa buhay ni sabrina, hindi niya alam na sobrang nahuhulog napala siya sa taong may mahal na iba. Cover not mine. Credit to the rightful owner Crush #1 Sabrina Ira dela Torre Uncrush...