PART VIII

4.1K 123 3
                                    

"Bakit ka lumayas sainyo sabrina!" inis na wika ni oli saakin. hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan dahil na hihiya akong mag sabi sa kanila. "Paniguradong nag aalala na saiyo si tita, halika na, ihahatid kita sainyo!" nakakatakot si oli. hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. gusto kong maiyak





"Uh, hey tristan baka may reason kung bakit sya lumayas sa kanila" kahit si miguel ay natatakot kay oli sa oras na ito, simula ng makarating kami sa bahay nila ay galit na si oli ng makita niya ang maleta ko.






itong bahay na ito ay silang apat lamang ang naka tira, tuwing pumapasok sila ng paraalan ay pumunta ang mga katulong nila para linisin ang buong bahay at aalis na rin pag ka tapos.






"Uuwi nalamang ako" tumayo ako at dahan dahang kinuha ang maleta ko, ngunit pinigilan ako ni dustin at umiling, kaya naupo ulit ako, nakatayo sila sa harapan ko na para bang may ginawa akong mali.




"Anong gusto mong gawin ko sabrina!, tumawag ka at umiyak sa tingin mo ba ay hahayaan kitang makaalis ng bahay na ito ng hindi nalalaman ang problema kung bakit lumayas ka sa bahay nyo!?"






"Bro..." napatingin ako kay adrian, nag iwas sya ng tingin, simula kanina ay hindi niya ako tiningnan, kahit naman ako ay nahihiya, hinawakan niya ang balikat ni oli at huminga ng malalim. "Enough" aniya at nag lakad pa layo saamin.








"Halika sab, hatid na kita sa guest room para maka pag pahinga kana" ngumiti ako kay dustin at mahinhing tumungo sa kanya.






"I'm so sorry" mahinang sabi ko kay oli at sinundan si dustin.
nag lakad kami hanggang makarating kami sa third floor kung nasaan ang malinis nilang guest room. "Thank you dustin." ngumiti sya sakin.






"Welcome sabrina" iniwan na niya ako para daw makapag pahinga. sinabi rin niya saakin na sa second floor ang kwarto niya at may dalawang guest room, sa third floor ang kwarto ni oli at adrian. at sa first floor nan si miguel dahil mahilig itong mag luto.








kaya si adrian ang kasama ni Oliver kanina para sunduin ako, hindi ko alam kung sino sa kanila ang tinawagan ko ngunit alam kong si Oliver iyon dahil hindi siya magagalit ng sobra kung hindi siya ang tinawagan ko.







inayos ko ang mga gamit ko at inilagay sa wooden cabinet nila, siguro ay mag stay lamang ako rito ng ilang araw at babalik narin sa dati kong buhay. nang maayos ko na ang mga gamit ko ay dahan dahan akong lumabas upang mag tungo sa rooftop.







dahan dahan ang yapak ko dahil baka magising ko ang mga taong tulog na dahil anong oras na rin naman at paniguradong nag pa pahinga na sila dahil may pasok pa kami bukas.






binuksan ko ang pinto ng rooftop, sumalubong sakin ang malamig na hangin, kasabay rin noon ang pag taas ng aking balahibo. patakbo akong pumunta sa gitna para makitang mabuti ang view. napaka ganda ng view rito sa taas. kitang kita mo ang kagandahan ng maiilaw na bahay mula dito.






"Argh!!!" sigaw ko, para mawala naman ang sakit na nararamdaman ko. hindi ko alam na mahirap pala ang ganito. "Why me?" napaupo ako.







"Bakit ako Lord?" tumingala ako, kahit sa itaas ay maganda rin, "Bakit pamilya ko!?" hindi ko mapigilan ang emosyon. sobrang sakit hindi ko kaya kung mag tatagal pa ito. tumayo ako at dahan dahang sumampa sa railings. unti unti ko itinaas ang dala kong kamay hanggang sa magpantay ito saaking balikat.





"Hey!" agad may yumakap saakin at ilang sandali pa ay wala na ako sa taas ng railings dahil may humila mula sa likod ko. "what do you think you are doing!?" galit na wika niya saakin at mahigpit na hawak sa pulsuhan ko.








"Uh, I'm just –" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng niyakap niya ako. hindi ko alam kung anong gagawin ko, dahil ito ang unang pagkakataon na niyakap niya ako ng mahigpit na para bang gusto niya akong ipagdamot sa mundo.






"Calm down and talk, lady" inupo niya ako sa sa bench habang hawak parin niya ang pulsuhan ko. at hindi binibitawan.








"Uh ok na ako, hindi naman ako tatalon, paki bitawan na ako" Ani ko sa kanya ngunit umiling siya saakin.






"No!"






"Please... adrian"

---
:)

UNCRUSH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon