PART VI

4.2K 198 3
                                    

naka lipas ang ilang linggo ay panay parin ang pag papansin ni jewel kay adrian, although hindi naman sya pinapansin ni adrian, sana ako din ay kayang ibaba ang pride para sa isang lalaki.




Never kong binaba ang pride ko para sa isang lalaki na walang pakialam saakin, pero kung para sa taong sure na ako at nakikita ko ang future ko kasama sya ay kayang kaya kong ibigay lahat sa kanya.




Cause i take relationship seriously, why would you settle sa taong di sure sa iyo? anong kagaguhan iyon?




"Hey" bati sakin ni dustin. hindi na nya ako tinigilan. tumingin ako sa kanya. "Uh i want to tell you something" tumingin ako sa kanya.





"Ano yon?" tanong ko at ngumiti, ngunit napa atras siya na para bang nakakatakot ang aking mukha. inilagay niya ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at umalis sya sa harapan ko at nag lakad palayo. "Anong problema nun, kala mo nakakita ng multo" inis na sabi ko.






agad namang tumawa si miguel at oli, "Nakakatakot daw kasi yung mukha mo" agad akong tiningnan ng masama si oli. nag apir pa sila ng pinsan nya.





"Kung nakakatakot ang mukha ko, bakit naging crush mo ako nung grade 7 tayo?" inis na sabi ko at saka kinuha ang phone ko, wala kaming klase ngayon, may meeting daw mga teachers, actually parang lagi naman kaming walang class eh.





"Wala ka pala eh, burn tristan Oliver nyo sunog na" agad syang binatukan ni oli para manahimik ngunit tawa lamang ang tinugon ni miguel.






"anong oras palamang ang mainit na ulo ni pres" natatawang sabi ni Chester at inilagay ang mga pang decor na ginawa niya para sa darating na acquaintance party.







"Hi Chester" bati ni miguel, agad naman syang tiningnan ni Chester na parang nandidiri sya kay miguel.





"Pre, babae rin ang hanap ko" agad na umalis si Chester namin at narinig ko ang tawa ni oli at hinampas hampas si miguel.






"Bro di ka panliligaw busted kana agad!" tumawa siya ng tumawa hanggang maluha na siya. ang babaw talaga ng kaligayahan ni tristan oliver, hindi ko pa sya nakikitang magalit ngunit panigurado akong nakakakilabot kapag nakita mo syang magalit.





siya ang pinaka matanda sa kanilang apat at sya ang taga pag mana ng kanilang lolo, lahat sila ay panganay sa kanilang pamilya ngunit si Tristan Oliver ang unang apo, kaya sakanya mapupunta ang mga lupain nila sa iba't ibang bansa.




"Good afternoon bro!" bati ni miguel at tristan kay adrian na kakapasok pa lamang, magulo ang kanyang buhok at naka suot siya ng gray na hoodie.






tumungo sya upang bumati sa pinsan nya at nag tungo sya sa upuan niya at agad namang naging masigla ang kaninang parang patay na batang si jewel. maaga syang pumasok simula ng nakasabay namin syang kumain.







"Hi babe, why you didn't reply to me yesterday?" napatayo ako sa narinig ko. ano raw? babe? kailan pa naging sila? bakit?




bakit ang sakit?





may parte saakin na masaya para sa kanila at may parte saakin na nasasaktan, bakit ganito? ayoko ng ganito. "Cr lang ako" paalam ko kila Oliver at nag mamadaling lumabas dahil anytime ay tutulo ang luha ko, bakit ba ako umiiyak? ang tanga ko.






umupo ako sa may bench kung saan makikita mo ang view ng main building. alas tres palang ay wala ng araw. kaya makikita mo ang kagandahan ng building.





tumingala ako para hindi tumulo ang luha ko. kung nag habol din ba ako katulad ni jewel ay mapapansin niya ako?, kung gumaya ba ako kay jewel ay ako sana ang kasintahan niya ngayon?







"FVCK!" inis akong tumayos at tumalon sa kumpol ng Bermuda gras, nang pagbagsak ko ay may natamaan ako.




"Ouch!"




"Hala gage!" napatayo agad ako dahil sa nag salita, putcha! bakit ba ako tumalon ng hindi tiningnan kung may tao na naka higa. "Hala sorry po, pasensya na po talaga" nakayukong sabi ko, sobrang nahihiya ako.





"What are you doing here?" napatingin ako, dustin? tiningnan ko ang kabuoan nya. namumula ang braso niya. napatingin ako sa kanya, at naalala ko kung bakit nga ba ako asa labas ng classroom.





agad akong naluha, nataranta ata siya ay inupo ako sa damuhan. "Babe!?" mapaklang sabi ko at tumawa.









"Walang kasimpangit ang call sign nila" natawa ko sa sarili ko, dahil kung si adrian ang tumawag sakin na babe ay baka hinimatay na ako sa kilig, argh! butterflies.







"Ang bitter mo" wika niya saakin at nahiga, kaya nahiga na rin ako ngunit lumayo ako ng kaunti sa kanya. pinikit niya ang mata niya. pinagmasdan ko lamang siya, ang gwapo niya at mas lalong naging gwapo kapag tinitigan mo ito sa malapit, ang matangos nyang ilong, ang mapupula niyang labi at ang makapal niyang kilay.








"Don't stare...mas lalo akong nahuhulog" hindi ko masyadong naintindihan dahil mabilis ang pag kakasabi niya. kaya umayos ako ng higa. pinikit ko rin ang mga mata ko.







ngunit feeling ko ay may naka titig sakin kaya minulat ko ang mata ko ngunit naka pinikit rin si dustin kaya pumikit din ako. maya maya ay inilagay niya ang earphones sa kaliwang tenga ko.







The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath, And emeralds from mountains thrust toward the sky~~










Hindi ako masyadong pamilyar sa song ngunit alam ko ay narinig ko na ito. dinama ko lamang ang kanta habang naka pikit ang mata ko, unti unti akong naluha. bakit ang sakit pala?






kala ko kaya ko.





"And I'll be your cryin' shoulder, I'll be love's suicide" minulat ko ang mata ko upang pagmasdan sana siya nag kumakanta ngunit naka titig lamang siya saakin. humarap sya sa gawi ko at pinunasan ang luha ko at hinawakan ang muka ko.






bumaba ang kamay niya sa braso ko at hinapit ko palapit sa kanya. niyakap niya ako ng mahigpit. "And I'll be better when I'm older, I'll be the greatest fan of your life" pinikit ko ang mata ko.






ngayon ay nag papasalamat ako dahil naging kaibigan ko ang isang Dustin Amari Rosales.

---

I'll Be by : Edwin McCain
:)

UNCRUSH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon