"Can I join you guys?"
na tahimik ako at hindi alam ang sasabihin, bakit dito pa sya samin uupo? wala ba syang friend?, bumalik ang tingin ko sa kanya, naka tingin sila sa sahig. ilang sandali pa ay walang sumagot samin kaya taas noo syang humarap samin at ngiti.
"I guess, i can't" mapakla syang tumawa at nanginginig na tumalikod samin. napansin ko din na nakatingin na ang ibang estudyante samin kaya naman ay tiningnan ko sila oli.
nag patuloy sa pag kain si oli, si dustin naman ay nag patay malisya at si miguel na halatang nag aalala kay jewel, ngunit si adrian naman ay naka titig lamang kay jewel habang nag lalakad ito.
nakaka ilang hakbang palang sya "Jewel!" agap na tawag ko ngunit hinawakan ni oli ang kamay ko. tumingin ako sa kanya at umiling. "Dito kana muna umupo samin" tumigil sya at humarap samin. naka ngiti sya at nag lakad pa punta samin.
"Really? thanks!" agad syang umupo sa tabi ni adrian which is katapat ng inuupan ko, inalis ni oli ang kanyang kamay sa kanang kamay ko ng makitang naka tingin doon si jewel at agad nag iwas ng tingin.
tahimik kaming kumain, nakaka ilang subo palamang ako ng pag kain ko ay nagulat ako dahil nag vibrate ang phone ko. kinuha ko ito at nakitang tumatawag ang 'unknown number'
kaagad naman naagaw ang atensyon ni oli at tiningnan ang phone ko. "Sino yan?" tanong niya. umiling ako at hindi sinagot ang tawag.
"Uy ano yon!?" agad namang tanong ni miguel sa pinsan niya dahil katabi niya ito at narinig niya.
"Wala yon, may tumatawag lang kay Ira Haha" pang aasar niya. at nag patuloy sa pag kain.
"Sino?"
"Who?"
sabay sabay kaming napatingin dahil sa sabay na pagtanong ni adrian at dustine,tumawa ng malakas si miguel at oli at nag apir pa sila.
"Uh, hindi ko kilala, unknown number eh" paliwanag ko at nag patuloy kumain.
"pwede ko bang itry yung food mo, john?" napatigil kaming lahat dahil sa sinabi ni jewel. tumingin siya kay oli at nag iwas agad ng tingin.
nag hintay kami sa sagot ni adrian, at ng wala itong sinabi ay nag patuloy na kaming kumain, kukuha na sana si jewel sa pag kain ni adrian ng ilayo nya ito.
tiningnan nya ako diresto sa mata "I don't share" agad akong natigilan at umiwas sa kanyang tingin. puta ibang klase talaga ang mga rosales. lalo kana john adrian.
mahinang tumawa sina miguel at tristan, agad kong hinampas ang braso nito para suwayin, nag patuloy na akong kumain, at nag madaling ubusin ito.
Nang matapos ko na ito ay tumingin ako kina jewel, tapos na rin silang kumain, nag vibrate muli ang phone ko. kinuha ko ito at tiningnan. napataas ang kilay ko ng makita ko ang text message.
tumingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
From: Mr. Sadboix
[Anong gusto mong dessert?]
natawa ako sa message nya, halos mag katabi lamang kami, nag text pa sya kung anong dessert ang gusto ko?. Agad akong nag reply sa text nya.
To: Mr. Sadboix
[ikaw.]
agad syang natawa sa reply ko kaya naman napatingin kami sa kanya. naguluhan ako bigla dahil wala namang nakakatawa sa reply ko ah. agad naman nag vibrate ang phone ko.
From: Mr. Sadboix
[Easyhan mo lang sabrina ira, when ba? now na? baka mahalata nila HAHAHA]
agad akong nagulat dahil sa reply niya, napatayo ako kaya naman ay sakin na sila naka tingin ngayon. tumingin ako kay dustin. "Typo yon!" tumawa sya at nag kibit balikat at nag screen shot.
"What yah talkin about?" tanong naman ni oli.
"Little Ms. President is freaking wild" tumatawang sabi ni dustin, at winagayway ang phone niya. gusto kong maiyak dahil sa kahihiyan.
"Nice dude, lemme see" napapikit nalamang ako ng mariin, lupa lamunin mo ako ngayon na. inilayo ni dustin ang phone nya ng tinangkang abutin ito ni miguel.
"Question Mark dapat yon, promise typo" naiiyak na sabi ko. agaw namin lahat ng atensyon ng students na nasa cafeteria dahil kay dustin.
"Hala madaya, penge ng number mo sabrina. gusto mo pala ng textmate dapat binigay mo nalang number mo sakin" parang batang inawagan ng candy na sabi ni oli dahil nag mamaktol siya. "Akin na dustin, penge ako ng number ni sab" sabi nito, ngunit tinaasan lamang sya ng middle finger ni dustin at umupo na muli sa kanyang upuan.
To: Mr. Sadboix
[Typo yon, di maniwala mabaog]
agad kong tinago ang phone ko at kinuha ang bag ko, "Una na ako sa classroom, bye!" tumakbo ako palabas ng cafeteria at nag tungo sa classroom.
-----
:)
BINABASA MO ANG
UNCRUSH
Short Storyhindi makapaniwala na ang isang mababaw na paghanga ang magbabago sa buhay ni sabrina, hindi niya alam na sobrang nahuhulog napala siya sa taong may mahal na iba. Cover not mine. Credit to the rightful owner Crush #1 Sabrina Ira dela Torre Uncrush...