"Miss Dela Torre ok ka lang?" napatingin ako sa taong nag salita sa likuan ko, wala ng tao sa school ngayon dahil anong oras na rin. "Anong oras na, bakit hindi ka pa umuwi"
"Ayos lang po ako kuya guard, pauwi na rin po" ani ko at kinuha ang mga gamit ko at inayos iyon. "Bye bye po!" pag papaalam ko sa kanya at tuluyang lumabas ng library.
Pumara ako ng taxi pag labas ko ng mismong paaralan, good thing is i have a cash right now. kadalasan kasi ay sabay kaming umuwi ni adrian dahil dala niya ang sasakyan niya.
"Kuya Manong, anong oras na po?" i ask, lowbat kasi ang phone ko at sobrang dilim na sa labas sigurado akong mga 6pm na pero ayos na rin kung mag tanong.
"9pm na Hija" agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni kuya manong, tiningnan ko rin sa orasan niya dahil hindi parin ako naniniwala.
Holy shit. 9:30pm na napapikit ako ng mariin bakit hindi ko na isip na umuwi muna sa bahay at doon ipinagpatuloy ang pag iyak ko. naka tulog tuloy ako!
Kinilabutan ako nang pumasok sa isip ko ang sinabi ni oli na kelangan naming umuwi ni adrian kaninang 3pm. Ngunit umuwi ako ng 9pm? iniisip ko palang na sinisigawan niya ako dahil sa galit ay parang mahihimatay ako.
"Ma'am nandito na po tayo" aniya at nilingon ako. binigay ko ang bayad ko at dali daling bumaba sa taxi, bumaba ako sa harap mismo ng bahay na tinutuluyan ko ngayon. Bukas lahat ng ilaw na animo'y may pag diriwang.
dahan dahan kong binuksan ang gate, buti na lamang ay walang tao sa labas siguro ay nasa kwarto na silang lahat. Pinakiramdaman ko muna kung may tao ba sa living room bago ko buksan ang main door.
"Putangina mo, matagal na akong napipikon sayo, akala mo ba hindi ko napapasin yung pag tingin mo kay ira ha! akala mo ba ay hindi ko na papansin na palagi kang nakamasid sa amin" nagulat ako at hindi matukoy kung sino sa kanila ang nagsasalita dahil sabay sabay sila.
nag aaway ba sila?
"Wow! coming from you na walang ginawa kung di saktan at iwan sya!" may narinig akong nabasag na gamit, hindi ko matiis ang sarili ko dahil baka nabasag ang halaman ko na nakalagay sa center table sa living room.
Malakas na sinipa ko ang pinto, bumukas ito at sabay sabay silang napatingin sa akin. Iginala ko ang paningin ko sa kanila. si dustin na may pasa sa kaliwang pisngi at hawak ang kwelyo ni adrian na may pasa sa kanang mata habang hawak naman ni miguel na dumudugo ang kilay ang dalawang kamay ni adrian sa likod at si tristan naman ay naka upo sa gilid at nag kakape.
Napatingin ako sa basag na lamesa at nanlaki ang mata ko ng makita ang dalawa kong halaman na nakakalat ang lupa sa sahig. Patakbo akong pumunta roon at inayos.
'Mommy's here, don't worry I'll save you' wika ko sa isip ko at inayos sila, dahil sa hindi ko pag ingat ay nasugatan ako dahil sa basag na glass galing sa lamesa.
Tumayo ako habang hawak ang dalawa kong halaman at dumudugo ang aking daliri. Tiningnan ko sila ng masama. The silence is so loud.
"Fix yourselves, para kayong mga bata!" inis na qika ko sa kanila at naglakad patungo sa kusina.
"Sabrina we need to talk —"
"Sabrina we need to talk —"
"Sabrina we need to talk —"
napatingin ako sa tatlong sabay sabay na nag salita, Mukang hindi galit si Oli, pero duda parin ako na hindi sya galit.
"Ako din, sabrina usap tayo" biro ni miguel at pinunasan ang dugo sa kanya kilay. Isa isa ko silang tiningnan eye to eye ngunit may isang taong guilty at hindi maka tingin ng diretso sa mata ko.
"Speak" malamig na wika ko habang hinuhugasan ang kamay ko, ayaw nitong tumigil sa pag durugo.
"Na kausap ko na si tito at tita, kinukuha ka na nila samin" ani ni oli, biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. panandalian kong nakalimutan ang problema ko sa bahay.
"Ok" saad ko na kunyari ay wala sa akin, dahil alam ko naman na hindi dapat tinatakasan ang problema pero nag baka sakali ako. At iyon ang mali ko. "Mag iimpake na ako, ngayon ako aalis"
umakyat ako sa kwarto ko at doon nag simulang bumagsak ang luha ko. Simula ng dumating ako rito ay naging masaya ako at nakalimutan ang lahat ng problema ko ngayon ay kailangan ko ng harapin ang problema ko.
habang inaayos ko ang mga gamit ko ay pumasok sa aking kwarto si oli, may band aid na ang muka niya. umupo siya sa aking kama at tahimik akong pinagmasdan.
"Kailan mo pa nalaman na babalik siya?" tanong ko sa kanya, hoping na hindi siya mag sinungaling sa pag kakataong ito at hindi ma disappoint sa sagot nya.
"Nung nakaraang araw lang" napatawa ako sa sagot nya.
"Sinungaling, Laast day natin sa laguna ay alam ko na nababalik siya pero hindi ko ito sineryoso dahil alam kong masaya kami ni adrian" tumulo ang luha ko habang sinasabi ko sa kanya ang nalalaman ko
"Sinabi ni john?" tanong nya, tiningnan ko sya at pinunasan ang luha ko at ngumiti.
"Si jewel, narinig ko sila ni adrian na magkausap nung lasing siya, madami ka daw sikreto at isa na doon ang hindi mo pag sabi kay john na babalik si shine para bawiin ang mga bagay na para sa kanya" halatang nagulat siya sa mga sinasabi ko "kung iniisip mo kung pano ko narinig? nakatago ako sa built in cabinet dahil takot ako na makita ni jewel at atakihin niya ako" Nang matapos akong mag impake ay inayos ko na ito at pinagsama sama ang dapat kong dalhin palabas ng bahay nila.
"Handa kana bang harapin si tito?"
BINABASA MO ANG
UNCRUSH
Short Storyhindi makapaniwala na ang isang mababaw na paghanga ang magbabago sa buhay ni sabrina, hindi niya alam na sobrang nahuhulog napala siya sa taong may mahal na iba. Cover not mine. Credit to the rightful owner Crush #1 Sabrina Ira dela Torre Uncrush...