CHAPTER 8

987 21 0
                                    


                                             "Jing-jing?! That's Jing-jing!" kunot-noong bulalas at lingon ni Bell sa bagong driver niyang si Ramos na para bang mabibigyan siya nito ng negatibong sagot.

Kahit isandaang porsyento naman na siyang nakakasigurong si Jinnee Jizah 'Jing-jing' Mahusay nga mismo ang babaeng kasalukuyang kumakanta sa maliit na stage ng bar na kinaroroonan nila, umaasa pa rin siyang pasusubalian ni Ramos ang nakikita niya.

"Oo, sir! Si Miss Jing-jing nga iyan!" bulalas ni Ramos na pumalakpak pa.

Salubong ang kilay na ibinalik ni Bell ang tingin sa stage. His eyes were focused intently on the face of the strangely dressed female singing and playing the keyboards on stage. Natitiyak niyang walang mababasang kahit anong emosyon sa mukha niya. Subalit iyong mga matagal na siyang kakilala, madaling mababatid na sa sandaling maging blangko na ang anyo niya ay senyales na iyon ng abot-langit niyang pagngingitngit. Kanina ay simpleng iritasyon lang ang nadarama niya. Pero ngayon nagpupuyos na ang kalooban niya.

Kung bakit, hindi niya maipaliwanag. Siguro dahil hindi niya inaasahang makita ang babae ngayong gabi. At mas lalong hindi niya inaasahang makita ang babae na ganito ang hitsura. Kakarampot lang ang suot habang natututukan ng nakakasilaw na mga ilaw. Isang bahagi ng isip niya ang nais tumanggi na si Jing-jing nga ang nakikita ng mga mata niya.

Pero kilala niya ang babae. Kilalang-kilala. Kahit pa siguro sumali ang dalaga sa mga nauusong cosplay at mag-iba ng husto ang hitsura nito, makikilala pa rin niya ito. Matagal na niyang alam na nagbabanda si JIng-jing. Pero ni minsan sa loob ng nakalipas na apat na taon ay hindi pa niya ito napanood na mag-perform sa mga bars na tinutugtugan nito. Kaya wala siyang ideya na ganito pala ang hitsura ng dalaga kapag nagpi-perform. Alam kaya nina Ace ito? Bakit pinayagan ng mga iyon ang kapatid na magsuot ng ganoong damit?

He wasn't a prude but he really doesn't like the way most of the men inside that bar were staring hard at Jing-jing's legs and cleavage.

In fact, just yesterday, she was the cause of another argument between him, his sister Marie and his grandmother. Ang babae rin ang siyang dahilan kung bakit umiiyak na tumawag na naman sa kanya si Marie noong isang araw. Pinagseselosan kasi ni Marie si Jing-jing. Sumbong ni Marie sa kanya, inaakit raw ni Jing-jing si Darrell.

Tulad ng ibang lalaking kostumer ng comedy bar na iyon, hindi ang magandang boses ng singer ang higit na nakakuha ng atensyon niya. Sa halip ay sa pulang pixie-cut na buhok, makapal na Goth make-up at suot na black skintight mini skirt, black tube, red leather jacket at red leather calf boots ng babaeng keyboardist siya nakatingin.

Kung hindi lang niya alam kung ano eksakto ang hitsura ng dalaga kapag hindi ito nakasuot ng ganoon, mahihirapan siyang makilala ito sa gitna ng mga kabanda nitong babae. Hindi lang kasi si Jing-jing ang pixie-cut ang hairstyle sa tatlong babaeng miyembro ng bandang iyon. Maging ang dalawang kasamang babae nito ay naka-pixie-cut din. Iyong isa blond na may pink highlights ang buhok samantalang iyong isa naman ay itim na may violet highlights. Samantalang iyong dalawang lalaki naman, ang drummer at lead guitarist ay parehong mahahaba ang mga buhok tulad niya.

Jing-jing is still quite attractive even if her usually shiny and dark as coal waist-length hair is now a pixie-cut vibrant red. Hindi niya alam kung kailan nito pinagupitan at pinakulayan ang buhok nito dahil nang huli niya itong makita noong isang linggo nang masiraan ito malapit sa vilage nila, hanggang balikat pa at itim na itim ang buhok nito. She's still attractive even if her dark chocolate eyes was hidden behind black contact lens and her Angelina Jolie pouty red lips was covered with mud-colored lipstick. Mahirap pa ring ignorahin ang makurbang katawan nitong bumagay sa tangkad nito. She cannot quite hide her well-formed breasts, slim waist, shapely hips and a perty derriere in this Goth outfit she picked.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon