"Bell?" anas niya.
Ginagap ng binata ang kaliwang kamay niya.
"This was my mom's ring. I want you to have it and---"
Mabilis niyang binawi ang kamay at marahas na tumayo. Parang biglang sumikip ang damit niya. Pinangangapusan siya ng hininga. Natatarantang iginala niya ang tingin sa paligid. Was any of this real?! Or was she just dreaming?!
Tumindig rin si Bell at humakbang palapit sa kanya. Pero itinaas niya ang isang kamay para pigilan ito sa tangka nitong pag-abot muli sa kamay niya.
"No! Bell! Teka lang! Ano bang sinasabi mo?!" malakas na aniya sa lalaki. "Hindi magandang biro ito, Bell!"
"Mahal kita! Mahal kita! Mahal kita! I've been in love with you for so long I can't even remember when I first started to feel like this! Ano bang dapat kong gawin para maniwala kang mahal kita, Jing-jing? Sabihin mo kung ano'ng gusto mong gawin ko!" mariing saad ni Bell.
"Paano kita paniniwalaan, Bell? Ang dali-dali lang magsabi ng 'Mahal kita' lalo na kung ang pakay mo lang ay paibigin ako para tuluyan akong mailayo kay Darrell! Paano mo nasasabing matagal mo na akong mahal kung kahit kailan hindi mo naman sinubukang ipakita sa akin iyon?"
"I tried to show you, Jing-jing, but you were just too blind to see it! Ikaw ang nagbulag-bulagan sa nararamdaman ko kaya ilang Pasko na ang dumaan, nasa Chapter One pa rin ang relasyon natin hanggang ngayon!"
"Ako pa ang bulag?! Kailan mo ba ipinakitang may gusto ka sa akin? Tuwing inaasar mo ako? Tuwing nagkokompetensya tayo? Tuwing mas pinaniniwalaan mo si Marie kapag nagsusumbong siya ng mga kasalanan ko kuno sa kanya?" paasik na aniya rito.
"Tuwing para akong asong turuan na isang tawag mo lang, isang text mo lang pupunta agad sa kung nasaan ka man para gawin ang gusto mong gawin ko para sa iyo. Tuwing sinusubukan kong ipakita sa iyo na hindi na ako ang pilyong batang laging nanunukso sa iyo noong mga bata pa tayo.
"At nang sumugal ako at sabihin sa iyong kailangan nating magpanggap na magnobyo para maniwala si Marie na hindi ka interesado kay Darrell. I love my sister, Jing-jing. Pero kung talagang kaaway ang tingin ko sa iyo, sa tingin mo gagawin ko ang kalokohang palabas na ito? I did it because I wanted to be with you!"
Natigilan si Jing-jing. Totoo ang sinabi ni Bell. Kahit madalas parang aso't pusa sila ng binata, isang tawag lang niya rito, isang text lang niya rito kapag kailangan iya ito, kahit nasaan pa ito, hindi pupwedeng hindi ito pupunta sa kinaroroonan niya para tulungan siya. Sure, he'd complain and tease her about it but he would always do what she asked him to do. Kaya nga minsan ang binata ang mas gusto niyang hingan ng tulong kaysa isa sa mga kuya niya. Dahil gagawin muna ni Bell ang hinihiling niya bago ito umangal o mang-asar. Hindi tulad ng mga kuya niya na sesermunan muna siya at iinterogahin bago siya puntahan.
BINABASA MO ANG
SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELL
RomansaPosible bang ma-in love sa isang dating kaaway? Posible! Lalo na kung malapit na ang Pasko!