Chapter 32

600 12 0
                                    


"Ano? Ano'ng sabi mo?" untag ni Jing-jing kay Bell. Parang namali kasi siya ng dinig sa binata. Kasalukuyan silang lulan ng sasakyan nito at pauwi na sila mula sa movie date nila. Mahigit isang linggo na matapos ang pasko. Nagpalit na rin ng kalendaryo at kasalukuyan nang nasa pang-apat na araw ng bagong taon. Hindi na muli nila pinag-usapan ang tungkol sa pinagtalunan nila noong Christmas Eve. Nang muli silang magkita ay parang walang nangyari na bumalik sa dati ang pakikitungo ni Bell sa kanya. Malambing, maasikaso at very vocal sa pagsasabing mahal siya nito. Nakuntento na siya roon. Unti-unti napalis na ang pangambang umusbong sa dibdib niya sanhi ng nakait aniyang ekspresyon sa mukha ni Bell nang gabing iyon.

Kaya naman parang bombang biglang ihinagis sa kanya ang sinabi nito ngayon.

"Bibiyahe ako papuntang States sa Wednesday. May mga seminars akong dadaluhan doon. I'll be there for two months. I'm sorry, noong isang araw ko pa dapat sinabi ito sa iyo."

Saglit itong sumulyap sa kanya bago ibinalik agad sa harapan ng daan ang tingin. At natitiyak niyang dahil iyon sa ayaw nitong makita ang pagkadismaya at hinanakit na alam niyang nakabakas sa mukha niya nang mga sandaling iyon.

"Wednesday?! Tuesday na ngayon ah! Ibig sabihin bukas aalis ka na?!! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" sunod-sunod na usisa niyang hindi mapaniwalaang aalis na ito bukas na mismo pero ngayon pa lang nito ipinaalam sa kanya iyon.

Parang gusto niyang maghisterya. Pero masisisi ba siya nito gayong labis siyang ginulat ng sinabi nito?!

"Hindi naman ako sa outer space pupunta, Jing. May Skype naman, may telepono. Kahit araw-araw tatawag ako sa iyo. Dalawang buwan lang iyon. Ilang tulog lang nakabalik na agad ako."

"Kahit na! Dapat sinabi mo agad sa akin! Bell, naman eh!" nagmamaktol na aniya.

Umarko ang mga kilay nito at naaaliw na tumaas ang sulok ng labi nito. Pero nang tignan niya ito, nahuli niya pa rin ang lungkot na hindi maikubli ng asul na mga mata nito.

"Ayokong mai-stress ka lang sa pag-iisip tungkol sa pag-alis ko kaya sinadya kong huwag sbaihin agad sa iyo ang tungkol rito. Babalik naman agad ako," kaswal ang tonong anito. Umaaktong kunwari ay balewala lang rito ang nakaambang dalawang buwan na pagkakalayo nila.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon