CHAPTER 18

959 18 0
                                    


                            Akmang hahakbang na palayo si Bell pero pinigilan ni Jing-jing ang binata. Hinabol niya ang binata at pinigilan sa kaliwang braso nito. Pero bigla naman siyang hinapit ng kanang braso ng binata. Saka ito yumuko at walang babalang sinakop ng mga labi ang mga labi niya. Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat. Dapat pumalag siya, hindi ba? Pero mamaya na siguro, ang sarap kasing namnamin ng mga labi nitong sinisimsim ang mga labi niya na para bang iyon na ang pinakamatamis na kending natikman nito.

Maya-maya ay naghiwalay ang mga labi nila. Nagsalubong ang mga tingin nila. Kapwa sila naghihintayan kung sino ang mauunang mag-react. Mas nauna naman siyang nakahuma kaya malakas na itinulak niya ito palayo. Kahit buong katawan niya ay gustong-gusto pang patuloy na magpakulong sa mga bisig nito. Kahit mismong mga palad niya na dumampi sa mga dibdib nito ay nais pang tagalan ang pagkakadikit sa dibdib nito upang mas madama niya nang husto ang matigas na dibdib nito. Pakiwari niya ay babaeng-babae siya sa loob ng mga bisig nito at habang nakadikit sa dibdib nito. Parang walang kahit na ano o kahit na sino na maaaring makapanakit sa kanya habang nakayapos sa kanya ang binata.

"B-bakit mo ako hinalikan?!" paangil na untag niya sa binata. Pero sa totoo lang, wala siyang pakialam kung bakit, ang mas gusto niyang itanong ay bakit ito tumigil agad sa paghalik sa kanya. Pwede pa naman niyang pigilan ang paghinga ng mga two minutes pa.

"Why did you kiss me back?!" balik-tanong ni Bell sa parehong tono.

"Ikaw ang naunang nanghalik kaya ako muna ang sagutin mo!"

Nagkibit-balikat lang si Bell matapos nitong matamang pagmasdan siya.

"Wala lang, na-curious lang akong malaman kung hahalikan mo rin ako kapag hinalikan kita. Kailangan nating magmukhang kapani-paniwala sa harap nina Marie at Darrell."

"Na-curious ka lang? Na-curious lang pala ha? Ako rin curious! Curious akong malaman kung makakailag ka rito!" singhal niya sabay igkas ng kanang kamao niya.

Puntirya niyang tamaan ang nguso ni Bell. Pero maagap siyang nailagan ng binata. Sinalo pa ng kamay nito ang kamao niya sabay hatak sa kanya kaya't napalapit na naman siya sa katawan nito. Parang milyon-milyong mga langgam ang gumapang sa buong katawan niya sa muling pagkakadikit nila.

"Ulitin mo pang suntukin ako at hahalikan ulit kita!" banta sa kanya ng binata. Pinandilatan pa siya nito ng mga mata. Pero hindi maikakailang hindi galit kundi pagnanasa ang mas nangingibabaw na ekspresyon sa asul na asul nitong mga mata.

Ulitin nga kaya niya ang pagsuntok sa binata? Pero hindi! Tama na ang minsang pagkakamali at kahinaan niya. Isinalya niya ang binata palayo sa kanya saka niya itinuro ang pinto.

"Layas!"

"See you later, Jing darling! And maybe I'll kiss you again since you seem to like it too," malawak ang ngising ani Bell. Kumindat pa sa kanya ang binata.

Kulang na lang sumipol-sipol ito habang naglalakad palayo sa sobrang pagka-bilib nito sa sarili. Bigla tuloy napalitan ng inis ang panlalambot ng kalooban niya. Kanina lang natutukso siyang halikan ulit ang binata. Pero ngayon natutukso na siyang sapakin ito.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon