Chapter 34

615 14 0
                                    


                                          Mula sa labas ng silid ni Jing-jing ay dinig na dinig ni Tom ang malalim na lungkot sa likod ng awiting kinakanta ng bunsong kapatid niya habang itinitipa nito ang himig ng kanta sa keyboard nito. Kahit siguro pusong bato ay matitibag kapag narinig ang lungkot at sakit sa tinig ng dalaga. Kung kaharap lang niya si Bell ng mga oras na iyon, mukha ng lalaki ang titibagin niya. Alam niyang dahil sa lalaki kaya parang mistulang buhay na patay ang kapatid niya ngayon.

Kapag kinukumusta naman niya si Jing-jing tungkol kay Bell na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik mula sa States, simpleng kibit ng balikat lang ang isinasagot ni Jing-jing sa kanya. Sa kabila ng pananakit ni Bell sa damdamin ng kapatid niya, ayaw pa ring siraan ni Jing-jing sa kanya ang lalaki.

"Then she reached out for my hand,

And her simple touch was more than I could stand,

And I had to turn away, 'cause I knew,

all the hurt that she was feeling I was felling too..."

Kay Ace at kay Darrell pa niya nalaman na dalawang linggo pag-alis ni Bell ng bansa ay nakipaghiwalay ito thru phone call kay Jing-jing.

At ang pananakit at pagtalikod ni Bell sa kapatid niya ang dahilan kung bakit para na ring zombie sa paborito nitong TV show si Jing-jing ngayon. Patuloy itong kumikilos pero walang kabuhay-buhay. Walang sigla. Walang interes ang mga mata. Tipid na nagsasalita gayong nuknukan ito ng daldal. Maging ang mga kabanda nito ay nag-aalala na dito dahil ilang gigs na ng mga ito ang hindi sinipot ng dalaga.

Animo katawang walang kaluluwa na ang kapatid niya. Ibang-iba sa masayahin, masigla, makulit at pilyang katauhan nito. Kaya't maging mga bagong kakilala nito ay napapansin iyon.

"'Cause when it falls apart, there's no easy way to break somebody's heart..."

Isang mahabang katahimikan ang namayani pagsambit ni Jing-jing sa huling salita. Mag-aalala na sana si Tom at papasok sa silid ng kapatid nang sinundan ng malakas at malulutong na pagmumura at pagsumpa ni Jing-jing sa buong lahi at salinlahi ni Bell ang namayaning katahimikan. Kasunod niyon ay pagbato nito ng kung anong matigas na bagay sa dingding. Malakas at halatang puno ng galit ang pagbato nito. Kasabay niyon ang malulutong na pagmumura nito.

"Hindi ka kawalan sa buhay ko, Alexasar Gagong Bell!! Wala kang kwentang tao! Duwag! Manloloko! Taksil! Siraulo! Gago!" pagtutungayaw ni Jing-jing na sa sobrang lakas ay hangos na napalabas mula sa silid nito si Lucibelle.

Nanlalaki ang mga matang napamaang ito sa kanya. 

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon