ikatlo

13 2 0
                                    

CELINE pov

"Binibini"

Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang babaeng humahangos papalapit sa akin. Naka suot sya ng mahabang damit na halos di na sya maka takbo ng maayos dahil sa haba nito.teka,wait,saglit!!! Bakit nga sya naka suot ng ganyan?

"B-binibini hinahanap na po kayo ni don Felipe"hingal na sabi nya. Naka hawak pa sya sa kanyang tuhod habang nag sasalita.

Tumingin lang ako sa mata nya ng may pag tataka.sino si don Felipe?

"Binibini" tawag nyang muli sa akin habang winawagayway ang kamay sa harap ng mukha ko.

"Nasaan ako?" tanong ko ng malibot ang paningin sa paligid. Hindi ito ang silid ko!

Tumingin sya sa akin ng may pag tataka bago sumagot "nasa bakuran kayo ng inyong nasasakupan binibini.ako ay malalagot kapag hindi pa tayo bumalik sa loob binibini. kailangan na nating mag madali dahil tyak na magagalit nanaman sa inyo ang iyong ama!" Taranta nyang sabi habang hinihila ang laylayan ng aking...TEKA! Ano tong suot ko?!! Nag mukha tuloy akong mahinhin dahil  sa suot kong saya.

Kinalma ko muna ang sarili bago nag pahila sa kanya. Iniisip ko nalang na baka nasa panaginip lang ako at magigising din mamaya.

"ANAK! kanina pa kita hinahanap!" Galit na sabi ni #donfelipe, slash ama ko daw kuno.ano bang sasabihin ko?

Nasa sinauna akong panahon kaya dapat dalagang pilipina tayo. Ano bang klaseng panaginip toh? Di ba pwedeng nasa modernesasyon nalang ako at may kahalikang matcho at gwapo?

"Ama namasyal lang po ako sa ating bakuran" pag papanggap ko.

Tumango nalang sya sa akin bago itinuro ang mahabang lamesa kung saan naka upo ang isang ginang na sa tansya ko ay nasa 40+ na

Habang kumakain ay bigla kong nasagi ang aking baso na syang ikinabasag nito.gulat akong napatingin sa mga bubog na naka kalat sa sahig

"Ayos ka lang ba anak?!" Tarantang sabi ng ginang habang palapit sa akin.
Ina ko siguro?

"Ayos lang ako i-ina"sagot ko.lumuhod ako sa sahig at isaisang pinulot ang mga bubo-----D-DUG-DUGO?

"Aray!" Naiiyak kong sabi habang hawak hawak ang daliri kong nag dudugo

"Diyos ko! Dapat ay hindi mo na pinulot ang mga nagkalat na iyan anak!" Tarantang sabi ni inay ng makita nyang nag dudugo ang aking isang daliri

DUGO?

"Tumayo na kayo at gamutin 'yang sugat nya " sabi ni itay habang inaabot ang isang gamot(organic)

Tumango si ina bago niyaya akong tumayo. Inayos naman ni itay ang mga bubog pati narin ang mga patak ng dugo na nag kalat sa sahig.

DUGO? bakit nasaktan ako kung isa lang itong malaking panaginip?!!

different century Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon