ika apat

12 2 0
                                    

Paikot ikot ako sa loob ng silid na tinutulugan ko. Di ako mapalagay dahil sa mga nangyayari sa akin.

Akala ko panaginip lang ang lahat,pero hindi pala.nasa panahon ako ng mga sinaunang tao at wala sa modernisasyong kinalakihan ko! Nag nae nae nalang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin.

"Binibini kumalma ka lang" sabi ni ARA. sya yung dalagang pilipina na taga bantay ko pala.pati ba naman dito may bodyguard ako -_-

"Ara di mo ako naiintindihan kaya shut up,okay? Tsk" naiirita kong tugon.sumimangot nalang sya sa akin bago umupo sa kama  at taimtim na pinapanuod akong umikot ikot dito sa silid.

Napatingin ako kay Ara ng marinig ko syang bumuntong hininga

"Binibini. Nais kitang makausap sandali" sabi nya na halatang kinakabahan.itinuro nya ang silyang kaharap lang ng kama.sumimangot nalang ako at umupo sa silyang iyon.

"Ano ba 'yon?" Naka simangot kong tanong.

Nag pakawala ulit sya ng mahabang buntong hininga bago sumagot "alam ko lahat...alam ko kung anong pag katao mo,kung saan ka nanggaling at kung bakit ka napunta sa panahong toh" sabi nya na sya namang ikinagulantang ng buo kong pag katao.

hindi ko alam kung masisiyahan ba ako sa mga narinig dahil sa wakas ay masasagot na ang mga katanungan ko o maiinis dahil ngayon nya lang sinabi! Nakakapagod kayang umikot ikot sa silid na ito habang hindi mo alam ang gagawin.

"TALAGA Ara!?"tanong ko habang niyuyugyug ang balikat nya.sumimangot lang sya sa akin bago tumango at sapilitang tinanggal ang kamay kong yumuyugyug sa kanya

"Teka! Nasaang panahon ba ako? Sa panahon ng hapon, o ng mga Ape? Nasaan ang mga homo sapiens,homo erectus at iba pa?" Nag bibiro kong tanong 'wag kang tatanga tanga sa panahon toh' singit naman ng konsensya ko habang kumakain ng shomai, san nya naman nakuha yan?
Umirap nalang ako at di na sya pinansin.

"Nasa panahon ka ng español binibini" sabi nya habang naka ngiti na animoy may naiisip na kalandian.

"Alam mo ba binibini----" di nya natuloy ang sasabihin nya ng sumingit ako "di ko pa alam" sabi ko habang naka nguso.

Tumingin sya sa akin ng masama bago pinag patuloy ang pag sasalita "may iniibig akong español nitong mga naka raang araw" sabi nya habang naka ngiti na parang kinikilig.

"Ano namang kinalaman ko sa kaharutan mo?" Tanong ko. Nag flip hair sya sa akin bago muling nag salita

"Pakinggan mo muna ako binibini dahil makaka tulong ang impormasyong ito sa iyong nakakalokang misyon"sabi nya.humalukipkip nalang ako para makinig sa mga kwento nya.

Napangiti nalang ako bago itinuon ang atensyon sa babaeng kaharap ko.

different century Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon