"CELINE si m-mom wala na" sabi ni kuya habang umiiyak
Gulat ko syang tinignan na parang pasan na namin ang lahat ng sakin
"Ano bang pinag sasabi mo dyan malakas kaya si mom" umiiyak ngunit tumatawa kong sabi
Tumatakbo kaming dalawa hanggang sa marating namin ang hospital
Pinag bawalan kaming pumasok dahil may ginagawa silang operasyon
Hagulgul lang ang ginawa ko habang hinihintay ang mga doktor
Si dad? Patay na si dad,pa-patay na si dad!!
Naaksidente silang dalawa habang papunta sa kumpanya namin.... i feel broke like a clear glass,i feel alone and tears all over my face
Nauna syang nawala dahil may tumamang bakal sa tyan at dibdib nya.puta! Bakit ang unfair ng mundo ugh!
Sinugod din namin sya sa hospital ngunit dead on arrival na sya
Tumayo kami ng lumabas na ang mga doktor at nurses
"D-dok kamust-ta si m-mom?"nanginginig kong tanong
Nag tinginan ang mga doktor bago umiling
"Wala na si maam Sevilla. Ginawa namin ang lahat pero hanggang doon nalang talaga ang kaya ng katawan nya. Halos maubos narin ang dugi nya at natamaan ang intestines nya na syang ikinamatay nya" malungkot na sagod ng isa sa mga doktor
"GINAWA NYO ANG LAHAT?!! TANGINA KUNG GINAWA NYO ANG LAHAT EDI SANA BUHAY PA SI MOM!!!" Sigaw ko dahil sa frustration at galit at the same time ang matinding lungkot
"Lisa!! Anak! Gumising ka! Binabangungot ka" rinig kong pag aalala ni mom habang niyuyugyog ako
Panaginip? Isang putang panaginip
Bumangon ako ng maramdaman kong basang basa ako dahil sa pawis at sa luhang pumapatak parin hanggang ngayon
"Inay" tawag ko sa babaeng nasa harapan ko. Hinila ko sya at mahigpit na niyakap, doon nadin ako umiyak sa balikat nya.hinagod nya ang likod ko para patahanin ako
"Kung ano man yang panaginip mo wag mo itong intindihin dahil itoy walang katotohanan" sabi nya habang patuloy akong pinapatahan
Tumango ako bago humiwalay sa mga bisig ni inay
Kahit dalawang araw palang ako sa panahong toh ramdam na ramdam ko ang pag mamahal nila sa akin na syang dahilan para mahalin ko din sila pabalik
Niyaya nya akong bumaba dahil tinatawag daw ako ni ama.muli akong tumango at sinabing susunod nalang dahil kailangan ko pang mag ayos para kahit papaano ay maging prisentable ako sa harap nila
Di parin maalis sa aking isipan ang mga panaginip ko,umiling nalang ako at itinuon ang atensyon sa pag bibihis. Na hagip ng mata ko ang susing dahilan kung bakit ako nandito,kinuha ko ito at isinabit sa leeg ko dahil may tali ng naka kabit dito
Pababa na sana ako ng makasalubong ko si ara, tumingin sya sa akin ng makahulugan bago may sinabi
"Nandito ang alkalde kasama ang anak netong si LUCAS BUENCAMINO"
At dito na nga mag tatama ang landas namin ng babaerong español na iyon
BINABASA MO ANG
different century
Teen FictionSa panahong mag kaiba, oras at panahon ay mag sasanib pwersa. mag tatagpo ang dalawa, masaya nung nag kasama, ngunit lulungkot ng matapos ang misyong pinag tulungan nilang dalawa. masasabik ang puso, ng muling mag tagpo ang landas nila.