"Grabe pala talaga ang naramdaman ni lola lisa" sabi ko habang hawakhawak din ang dibdib,paki nyo ba kung gusto kong sabayana ang trip ni ara
"Teka bakit nga di natuloy ang plano ni lola lisa sa pag patay don sa babaerong español?" Tanong ko
"Hmmm sumugod kasi ang mga Amerikano sa mga panahong iyon at balak sakupin ang buong lugar. At dahil nga sa nangyari ay walang natirang español at pilipino ang nabuhay,chugi lahat."sabi nya.talagang kinarir nya ang mga salitang tinuro ko tulad ng chugi,pak ganern,edi wow,sml,skl at marami bang kabulastugan
"Kung namatay naman pala lahat eh bakit pa ako nandito? Bakit ako bumalik sa panahon kung kelan nabubuhay pa sila? Bakit kailangan ko paring gumanti sa babaerong iyon?"
"Isaisa lang binibini di ko kayang sagutin lahat ng tanong mo ng sunod sunod" reklamo nya.tumango nalang ako at ngumuso
"Dahil nga sa kaartehan ni lola lisa ay gusto nya na sya mismo ang papatay, hindi ang mga Amerikano"
"Ang choosy naman pala nya! Buti sana kung sya talaga yung papatay pero hindi eh AKO,ako yung papatay ara!"reklamo ko
"Patay na nga sila eh, nasa heaven na sila ara! kung gusto pa nga nila dun sila mag patayan eh!" Dagdag ko.tumawa nalang sya sa sinabi ko bago muling sumubo ng prutas
"Hinang hina na si lola lisa sa mga oras na iyon dahil tatlong bala na ang tumama sa katawan nya. Bago sya pumikit ay may huli syang sinabi na syang dahilan kung bakit ka nandito"sabi nya habang naka tingin sa akin ng seryoso
"Ano nanaman ba yan? Bakit di nalang sa dila tumama yang mga bala para di na sya nakapag salita ng kung ano ano" reklamo ko
""Mag hihiganti ako lucas, mag hihiganti ako at ang aking kamay mismo ang papatay sayo""nag tayuan ang lahat ng balahibo ko maging ang buhok na nasa private part ko ay nagsi tayuan dahil sa sinabi ni ara. Wait! Si ara nga ba?
Mas lalo pa akong kinabahan ng mag bago ang boses nya maging ang kulay ng mata nya ay naging puti na parang sinasapian ng kung sino
"Ara?!" Taranta akong tumayo at lumapit sa kanya. Hahawakan ko sana sya ng bigla syang nahimatay
"Anak mag pahinga ka muna sa iyong silid at iwan muna si ara upang makapag pahinga sya ng mas maayos"sabi ni inay habang niyayaya akong lumabas ng silid ni ara. Tumango nalang ako at nag pahila kay inay
"Inay"mahinahon kong tawag sa babaeng tinatawag ni lola lisang inay
"Hmm?"tanong nya ng naka ngiti
"Sino po ako?" Nahihiya kong tanong.bakas sa mukha ni ina ang grabeng pag tataka
"Anong klaseng tanong yan? Ikaw si maria celisa alfero nag iisa naming anak" sagot nya bago ako yakapin
"Ilang buwan na mula nung huli kitang mayakap anak" sabi nya habang naka yakap sa akin,yumakap ako pabalik dahil matagal nadin nung huli kong mayakap si mom,bigla ko tuloy syang na miss.
Ako si maria celisa alfero sa panahong ito mahinhin ngunit kayang pumatay ng tao dahil sa sakit at wasak kong puso.
BINABASA MO ANG
different century
Teen FictionSa panahong mag kaiba, oras at panahon ay mag sasanib pwersa. mag tatagpo ang dalawa, masaya nung nag kasama, ngunit lulungkot ng matapos ang misyong pinag tulungan nilang dalawa. masasabik ang puso, ng muling mag tagpo ang landas nila.