labing dalawa

9 3 0
                                    

Naka higa sya sa kama at mahimbing ng natutulog.may bimpo sya sa ulo dahil totoo ngang may sakit ang demonyong toh

Matapos ng nangyari kanina ay di na sya nag salita.naka higa lang sya sa kama at naka talukbong,pinipilit ko nga 'syang tanggalin ang kumot na naka balot sa kanya dahil may lagnat sya pero ang demonyo sinabi lang na "mas lalong di ako gagaling kung ikaw ang makikita ko" depungal talaga ang isang iyan

Lumabas muna ako sa silid at nag tungo sa kusina, madali ko lang nahanap ang kusina nila dahil mula sa taas ay kitang kita na ito

Nag luto ako ng sopas dahil lahat ng kailangan ko ay naka lagay sa malaking lalagyang nag yeyelo, di ko alam kung anong tawag dito basta ang alam ko ay 'di ito refrigerator tulad ng nasa modernisasyong panahon

Di narin ako mag tataka kung magaling syang mag ingles dahil napag aralan namin sa AP na half ng salitang ginagamit ng mga español ay ingles. No doubt matalino din ang isang iyon

"Ang sarap!" Naka ngiti kong bulalas ng malasahan ko ang napaka sarap kong sopas.HRM ata toh

"Hey! Gumising ka na at kakain ka" sabi ko sa demonyong naka higa sa harapan ko

"Hmmm" ungol nya bago tumalikod sa akin

"Hoy! Mr buencamino" tawag ko sa kanya habang tinutusok tusok ang tagiliran nya

"Tsk stop it celis!" Sabi nya bago umupo at tinignan ako ng masama

"Hoy ginoo wag mo akong tinitignan ng ganyan at baka matusok ko yang grey mong mata" sabi ko habang naka turo sa kanya ang kutsarang hawak hawak ko na nanggaling sa sopas na nasa bowl

"Tsk" reply nya bago kinuha ang pagkain na inaabot ko sa kanya

Umupo ako sa gilid ng kama at pinag masdan syang kumain

"Stop staring when someone is eating" irita nyang tugon ng di parin tumitingin sa akin

"Huh?" Taka kong tanong. Baka kasi nag tataka na sya kung bakit nakakaintindi ako ng salitang ingles

"Tsk huwag kang tumitig kapag may kumakain dahil nakaka ilang" sabi nya bago muling sumubo ng sopas ko

"Salamat sa aral na tinuro mo ginoong lucas" sabi ko habang naka ngiti ng peke

"Bilisan mong kumain dahil iinom ka pa ng gamot para maka uwi na ako sa aming tahanan"dag dag ko

Tumango nalang sya at pinag patuloy ang pag kain. as far as i concerned nasasarapan lang sya sa sopas ko hihihi
"Maharut ka na talaga" sabi ng mahadera kong konsesya habang kumakain ng fishball "bakit ba kain ka ng kain? Wala ka bang kabusugan?" Tanong ko, umirap lang sya bago ako talikuran

Tsk gusto ko na talagang umuwi dahil sumasakit na ang ulo ko kakabantay sa damuhong toh. Ang nakakainis pa ay di ako naka tulog ng maayos kagabi dahil kailangan ko syang painumin ng gamot

"Kamusta ang aking anak iha?" Tanong sa akin ng alkalde ng makasalubong ko sya ng palabas na ako

"Maayos naman po sya" sabi ko ng naka ngiti

"Salamat iha, sige humayo ka na at baka naiinip na ang iyong ama"pag papalayas nya sa akin...CHOUR

"Sige po" sabi ko bago tuluyang lumabas ng mansyon ng mga buencamino

Sumilip ako sa ikalawang palapag ng maramdaman kong may naka tingin sa akin

Nakita ko si lucas na naka dungaw sa kanyang silid. Tumingala ako sa kanya at pekeng ngumiti

Tinaas ko ang dalawa kong kamay at nag middle finger sa kanya bago tumalikod at nag lakad papalayo

different century Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon