ang wakas

9 3 2
                                    

"SWEETHEART!" sigaw ni mom na prang mega phone

Shit! Ugh please lang pigilan nyo ako dahil baka maihampas ko ang lampshade na nasa gilid ng kama ko

"Sweetheart kanina pa kita ginigising dahil kanina ka parin umiiyak dyan" nag aalalang sabi ni mom

Ugh!

Hinawakan ko ang pisngi ko at basang basa nga ito

"Sino ba kasi si lucas at kanina mo pa binabanggit ang pangalan nya habang umiiyak ka?" Takang tanong ni mom bago umupo sa kama ko

"Ugh he is hot,yummy and sexy boy" natatawa kong sagot

Hanggang ngayon ay naaalala ko parin ang mga nangyari sa akin sa panahon ng español

Alam kong hindi iyon panaginip dahil hanggang ngayon ay damang dama ko parin ang sakit ng pagka wala ni lucas sa akin

"Hayynako kang bata ka! Bumangon ka na nga lang at aalis tayo" sabi ni mom bago tumayo

"MOM" tawag ko sa kanya

"Can i hug you?" nahihiya kong tanong

Matagal din magmula ng magkita kami ni mom

Lumapit sya sa akit at mabilis akong niyakap

"I miss you mom" naiiyak kong sabi habang naka yakap parin sa kanya

"Why so cheesy baby?" Natatawa nyang tanong

Naku di lang ako makapag pigil ay baka nabatukan ko na ang nanay ko tsk panira ng moment

Kumalas sya sa pag kakayakap at sinabing "mag ayos ka na at pupunta tayo sa bahay ng mga sevilla" sabi nya bago tuluyang lumabas ng kwarto

Ugh may problema pa pala ako na kakaharapin

Naalala ko nanaman ang mga nakasama ko sa panahon ng español lalo na ang bruhang chaka doll na si Ara

Hinayupak talaga ang babaeng iyon!
Promise pag nag kita kami di ako mag dadalawang isip na kalbuhin sya

"Hi po" pag bati ko sa ama ng magiging fiañce ko

Ngumiti ito ng malapad bago ako niyakap, abay tyansing ang isang itoh!

Binati ko rin ang asawa nitong kaibigan pala ni mom

Hmm nasaan yung anak nila?

"Paumanhin pare ngunit tulog pa ang aking gwapong anak" sabi ni mr. Torres habang tumatawa

Napa tawa narin si mom at dad dahil sa  biro ng lalaki

Di naman talaga nakaka tawa eh! Hayst mga baliw talaga ang umaaligid sa akin

"Nga pala amiga, halikat ililibot kita sa aming tahanan" pag yaya naman ni mrs Torres sa aking baliw na ina. Tumango si ina at sumunod sa kanyang amiga KUNO

Ugh nakakaboring naman dito!

Nag kwekwentuhan lang sila ama patungkol sa business at tungkol sa kasal na gaganapin

Hanggang ngayon ay wala parin ang lalaking ipapakasal sa akin

Ugh! Ano sya VIP? paimportante masyado!!

Lumapit sa amin ang katulong at may sinabi kila ama

"Nag aayos na daw ang aking anak binibini" sabi ni mr Torres ng maka alis ang katulong

Tsk bakit kasi pang sinauna ang pananalita ng isang ito?! Naaalala ko nanaman tuloy si lucas may labidabs

Dumating na sila mom at tita veronica habang nag tatawanan, nakwento na ata nila ang mga tanangbuhay nila sa isat isat pero wala parin ang lalaking nag aayos na DAW? hmmm anong oras ba sinabi ng maid na nag aayos sya? ONE hour ago,two hours,three hours o higit pa

"Oh nandyan na pala ang aking gwapong anak"naka ngiting sabi ni tito Fernando habang naka tingi  sa hagdan

Wow may pa hagdan pa ang punyetang lalaking to---

LUCAS?

Naka tingin lang ako sa lalaking walang emosyong nag lalakad sa hagdan

Ganyang ganyan ang mukha nya nung una kaming nag kita

Di ko namalayang humihikbi na pala ako ng tahimik,para di nila ako marinig

Parang may dumaloy na malakas na koryente sa buo kong katawan ng muling mag tama ang mata naming dalawa.

END...

different century Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon