Naka dungaw ako sa harap ng bintana para mag pahangin
Naiisip ko nanaman ang panaginip ko kaning umaga kasama ang baliw na matandang kamukah--- tsk mas maganda pala ako sa kanya
Bigla nalang kasi akong nagising nung inasar ko sya na di kami mag kamukha dahil mas maganda ako. Nainis ata kaya bigla akong ginising
Pumikit ako dahil sa kapaguran ngayong araw. Taimtim akong naka pikit ng may narinig akong boses
"Nalalapit na ang pag tatapos ng iyong misyon iha"
"Nag bago ang naka sulat sa propisiya dahil ang iyong puso ay tumitibok na sa lalaking nag ngangalang lucas"
"Ikaw na mismo ang kumukontrol sa propisiyang dapat ay matagal ng nagawa"
"Ang mga ulap ay mababalutan ng dilim at ang dugo ay papatak habang ang malakas na ulan ay sasabay sa iyong luha"
"Walang digmaan ang magaganap,papayapa ang lahat ngunit ang dalawang nag mamahalan ay di nasisiyahan, dahil ang dugo ng isa ay nag kalat sa buong taniman na lagi nilang pinupuntahan"
Napa hawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng kirot habang ang boses ay unti unti ng nawala
Napadilat ako ng may maramdaman ako kamay na yumuyugyug sa akin
"Binibini"
Napa lingon ako sa lalaking naka hawak sa balikat ko
"Lucas? Pano ka nakapunta dito?" Taka kong tanong
Di nya ako sinagot. Nagulat nalang ako ng pinunasan nya ang basa kong pisngi gamit ang hinlalaki nya
Umiiyak ako?
Tumingin ako sa kanya ng malungkot habang patuloy paring umaagos ang luha ko
Hinila nya ako at ikinulong sa mga bisig nya
"Shhhh stop crying" sabi nya habang hinahagod ang likod ko
"Lucas" hagulgul ko
Humiwalay sya sa akin bago ngumiti
"Tumahan ka na binibini dahil baka di na kita mahalin dahil ang pangit mo kapag umiiyak" pang aasar nya sa akin bago pinitik ang noo ko
"Huh?"
"Sabi ko maha----"
"Binibini, lucas hinihintay na kayo nila don felipe dahil aalis na daw tayo" walang expression nya sabi
Iba na ang arang kilala ko
"Hmmm lucas tara na" nahihiya ko syang hinila para lang maiwasan ko si ara
Nakita kong ngumisi si Lucas sa akin ng hawakan ko ang kamay nya. Shettt kenekelg telege ako!
Masama bang kiligin mga depungal
"Maraming salamat sa pakikinig gabayan nawa kayo ng panginoon sa inyong pag uwi" sabi ng pari bago umalis sa simbahan
Sasabay na sana ako kila ama at ina ng may humila sa akin
"Lucas" gulat kong tawag sa lalaking nanghihila sa akin sa kung saan
"Sumama ka sa akin binibini ipapakita ko sayo ang lugar na aking paburito" naka ngiting sabi ni lucas,tumango nalang ako at nag pahila sa kanya
Shet kenekeleg nanaman ako mga dupungal
"Seryoso dito yung paburito mong lugar?" Natagawa kong tanong
"Oo binibini dahil ito ang pinaka tahimik at pinaka payapang lugar dito sa buong bayan" naka ngiti nyang sabi ugh bakit ba nakaka akit ang mga ngiti nya
"Coincidence ba kung sabihin kong ito din ang lugar na paburito ko" natatawa kong sabi habang hinahampas ang braso nya
Nanlaki ang mata ko ng hilain nya ang kamay ko na akmang uhahampas ko sa kanya.
Nakatitig lang ako sa kanya ng unti unting lumalapit ang mukha nya sa akin. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga maging ang mga titig nyang nakaka akit
napapikit nalang ako at hinahantay na mag lapat ang labi naming dalawa ng may maalala ako
Dumilat ako at nakita ko syang naka pikit. Napangisi ako ng mapansin kong napapa lunok sya ng ilang beses
Umalis ako sa kinatatayuan ko ng di nya napapansin, dahil naka pikit parin sya. Tsk adik sa halik ang isang it--
"Ahhhh!" Sigaw ko ng matapilok ako dahil sa mga batong naka angat
Nanlaki ang mata ko ng naka patong sa akin si lucas habang naka l-lapat ang la-labi sa akin
UWAAAAA!
BINABASA MO ANG
different century
Teen FictionSa panahong mag kaiba, oras at panahon ay mag sasanib pwersa. mag tatagpo ang dalawa, masaya nung nag kasama, ngunit lulungkot ng matapos ang misyong pinag tulungan nilang dalawa. masasabik ang puso, ng muling mag tagpo ang landas nila.