ika walo

8 3 0
                                    

Naka titig lang ako sa dalawang lalaking kumakain sa hapag namin.

Katabi ko si ina at si ara habang kaharap ko naman ang alkalde.napatingin ako sa lalaking katabi ng alkalde at pinag masdan ang makisig at maginuong lalaki, sya ba si don Lucas buencamino? No doubt gwapo Nga talaga sya ngunit wala kang makikita na kahit anong saya at ngiti na mababakas sa mukha nya. Tsk for sure matapobre ang isang ito tsk!

"Ahem amigo ito nga pala ang aking napaka gandang anak na si---"sabi ni itay habang tinuturo ako

Tumayo ako bago nag pakilala"maria celisa alfero" pag papakilala ko bago yumuko at bumalik sa pag kaka upo

"Iho ikay mag pakilala sa magandang dilag na nasa harapan mo" sabi ng alkalde sa anak.tumingin lang sya sa akin ng walang expression bago tumayo at nag pakilala

"Lucas buencamino binibini" sabi nya.yumuko din sya bago bumalik sa pag kaka upo

Bakit ganon?  ibang iba ang ginawa ng babaerong ito! Nag hihintay pa naman ako na kunin nya ang kamay ko at halikan ito,pero sya yumuko lang at di na ako pinansin!!
Diba ganon dapat mag pakilala?

"Sya nga pala amigo ito ang aking asawa na si doña felidad alfero at ang kaibigan ng aking anak na sin ara lañohan" pag papakilala ni ama sa mga katabi ko

"Ito nga pala si amigo Antonio" pag papakilala ni ama sa alkalde.ngumiti lang ito bago pinag patuloy ang pag kain

"Aking anak ilibot mo muna si lucas sa labas dahil bago palang sila dito sa ating bayan"sabi ni ama. Tumingin ako kay ara,yung tinging "anong gagawin ko?"

"Don Felipe sasamahan ko po sila" sabi ni ara kay ama

"Naku! Wag na, para naman makapag usap din ang dalawa.ikaw mag ligpit nalang ng mga pinag kainan" sabi nito. Sumimangot nalang ako bago lumabas ng bahay hila hila ang babaerong español

Bago kami tuluyang lumabas ay narinig ko pa si ina na tutulungan nalang daw nya si ara dahil pinipilit sya ni ama na sumama sa lakad nila ng alkalde

"Hmmm kailan kayo naparito sa aming bayan?" Awkward kong tanong habang nag lilibot kami sa aming bakuran

"Ngayon lamang" matipid nyang sagot

Tsk!.bakit ba ang sungit ng isang ito?
Nakakapag taka at na inlababo talaga si lola sa isang matapobre at boring na lalaki

Ang nakakainis pa ay nalaman ko na magkamukha pala kami ni lola lisa,che! Ayaw ko pa namang may kapareho ako

"Ahhh ok" bigla kong tinakpan ang bibig ko dahil di ko napigilang mag salita sa ingles.napahinto din sya ng marinig ang sinabi ko

"Saan mo natutunang mag salita ng ingles?" Naka kunot noo nyang tanong

"Hmmm k-kay ama, tama kay ama!"pag sisinungaling ko. Tumango nalang sya at nag simula ng mag lakad muli

Sumabay ako sa kanya bago hinawakan ang kamay nya. Ramdam kong nagulat sya sa ginawa ko maging ako ay nagulat din

Biglang uminit ang katawan ko na parang may gustong kumawala sa loob ko

"Idadala kita sa taniman ng mangga,kung saan tago at payapa"

Nanlaki ang mata ko ng masabi ko ang mga iyon. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ang nag salita. Mas lalo akong nagulat ng kusang gumalaw ang mga papa ko habang hilahila ko parin ang gwapo-- este babaerong español.

Lola lisa? Isdat you?

different century Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon