Hawak hawak ko ang sibat na isasaksak ko sa babaerong español
Umakyat ako sa bahay nila hangang makarating ako sa tapat ng kwarto nya.binuksan ko ang pinto na di naman pala naka sara
Nakita ko si lucas na naka higa at mahimbing na natutulog
Ngumisi ako bago itinaas ang sibat na isasak sak ko sa kanya
Nagulat ako ng bigla nyang minulat ang mata nya at gulat na tumingin sa akin
"Mahal ko" mahinahon nyang pag tawag sa akin habang hinahaplos ang mukha ko
Nabitawan ko ang hawak kong sibat at napa upo nalang sa sahig
"Patayin mo na ako" sabi ni lucas na syang ikinagulat ko
Umiling ako ng ilang beses dahil hindi ko pala kayang mawala ang taong pinaka mamahal ko
"Kunin mo ang sibat at itarak sa puso ko, para di ka na mahirapan sa misyon mo" naka ngiti ngunit lumuluhang sabi nya sa akin
"A-alam mo?" Naguguluhan kong tanong
Tumango sya bago kinuha ang sibat at iniabot sa akin
"Sinabi sa akin ni Ara lahat. Kailangan mo akong patayin dahil kung hindi..." biglang nawala ang ngiti nya at napalitan ito ng kalungkutan at pighati
"I-ikaw ang mamamatay mahal ko" tuluyan ng bumuhos ang aking malulusog na luha dahil sa sinabi nya
"Hindi totoo yan mahal ko" sabi ko habang umiiling sa kanya
"Mahal kita celis,mahal na mahal kita, kaya kong ibigay ang lahat sayo maging ang buhay ko para lamang sa kaligtasan mo" sabi ni lucas habang pilit na inaabot sa akin ang sibat
"Lucas! Pakiusap wag na nating gawin toh" pag mamakaawa ko
Umiling sya at ngumiti muli ng malungkot
"Alam kong nag aalala na sayo ang mga magulang mo sa makabagong modernesasyon"
Muling bumuhos ang luha ko ng maalala kong may magulang nga pala akong nag hihintay sa akin
"Lucas! Pakiusap!" Singhal ko sa kanya ng tuluyan nyang naiabot sa akin ang sibat
Hinawakan nya ang kamay ko para hindi ko mahulog ang sibat. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko na hawak hawak nya
"PLEASE LUCAS! PLEASE!" Pag susumamo ko ng mapag tanto ang plano nya
Plano nyang kontrolin ang kamay ko gamit ang kamay nyang naka hawak sa akin na sa ganon ay mapapatay ko sya gamit ang sarili kong kamay habang kenokontrol nya ang kamay ko
Tinaas nya ang kamay ko at tinapat ang sibat na hawak hawak ko sa dibdib nya
"PLEASE LUCAS! HINDI KO KAYA!" Sigaw ko habang pilit na nilalayo ang sibat na naka tapat sa dib dib nya
"PAALAM mahal ko" bulong ni lucas bago itinarak ang sibat sa dibdib nya
Tanging hagulgul at pag sigaw lang ang ginagawa ko habang unti unting bumagsak si lucas sa sahig
Madilim ang kalangitan, payapa ang lahat habang ang dibdib ko ay wasak na wasak
Sumasabay ang malalakas na pag buhos ng ulan sa malulusog na patak ng aking luha
Humahagulgul ako habang patuloy na umaagos ang dugo ng lalaking pinaka mamahal ko
AKALA KO BA AKO ANG MAG KOKONTROL NG DEMONYONG PROPISIYA?
BAKIT NATUPAD LAHAT! BAKIT KAILANGANG MAY MAMATAY?
BINABASA MO ANG
different century
Teen FictionSa panahong mag kaiba, oras at panahon ay mag sasanib pwersa. mag tatagpo ang dalawa, masaya nung nag kasama, ngunit lulungkot ng matapos ang misyong pinag tulungan nilang dalawa. masasabik ang puso, ng muling mag tagpo ang landas nila.