Dalawamput-lima.

83 9 0
                                    

"Gusto mo lakad-lakad tayo sa labas? Mukhang iniwan tayo ng mga kasama natin."

He looked at me and nodded.

"Makaka-hindi ba naman ako sayo. Hahaha."

Napataas-kilay ako.

"What did you say?"

"Ikaw yung taong napaka-hirap i-reject. Naalala mo ba noon, ilang beses kitang ni-reject kasi gusto mong magpasama sa ice cream parlor dahil lang sa kadahilanang naiinitan ka kahit malamig naman talaga yung panahon."

He's still remembered that time.

"Pero napa-oo mo pa rin ako kasi sinugod mo ko sa computer shop kahit inis na inis na ako. Tapos nagyaya ka pang maglakad-lakad, alam mo namang ayoko sa lahat naglalakad ng malayo pero napa-oo mo pa rin ako sa kakulitan mo. Pero hindi mo naman ako inuusap noon kaya mas lalo akong nainis. May nasabi ka pang halata sa mukha mo na nasasaktan ka pero binalewala ko."

Nakangiti nyang sabi pero may lungkot habang naikwe-kwento nya sakin yun at para bang nandun ulit sya sa panahon na yon.

"Kaya mo lang naman pala gusto akong makasama kasi—Malungkot ka, nasasaktan ka sa paghihiwalay ng parents mo na wala naman akong kaalam-alam noon. Kaya nauwi tayo sa away. I know this is very late, but I'm really really sorry about that Aidan."

~

"Niko!"

"Hey don't shout. What do you want?"

Napanguso ako ng sungitan nya ako.

"Where are you? Can you come with me?"

Tumahimik sya at narinig ko ang ingay sa kabilang linya. Nasa computer shop sya.

"You heard it. Busy ako ngayon Aidan I can't go with you."

Nadurog ang puso ko sa sinabi nya yon. Akala ko sa lahat ng tao ay sya ang makakasama ko ngayon, ang hindi ako iiwan buhat ng kalungkutang nararamdaman ko ng dahil isang lingo ko ng alam na wala na si mama at papa. Isang lingo ko ng hindi matanggap, kahit kay mama ay nagagalit ako dahi sya ang may kasalanan una pa lang, sya ang may kasalanan kung bakit sumuko si papa.

"Oy Niko nandyan commander mo. Hahaha."

Biro sakanya ng tropa nya.

"Sino?"

"Si Aidan duh!"

Medyo natawa ako ng halos lahat sa computer shop ay kilala pala ako kasi lahat sila sinigaw sakanya yon.

"Anong ginagawa mo rito?"

Parang tinusok ang puso ko ng sabihin nya yon. He seems not happy to see me, but I still choose to smile.

"Samahan mo ko sa ice cream parlor. Ang init kasi."

Kumunot-noo naman sya.

"What the? Seryoso Aidan taglamig ngayon tapos naiinitan ka."

Sarkastikong sabi nya.

"Nasan yung mga kaibigan mo?"

"Bawal kasi sila ngayon. Busy."

"At ako?"

"Sige na Niko samahan mo na ako. Please please."

I just want to eat ice cream not because it was hot, it can help me to less the pain in my chest. It was my comfort food.

"Aidan  busy rin ako. Ikaw na lang mag-isa."

Parang noong nakakaraan nagkaayos kami at bumalik sa normal. Bumabalik na naman si Niko sa hindi ko kilalang tao.

My Almost [Broken Series 1]Where stories live. Discover now