Tatlongput-anim.

68 7 0
                                    

Time passed and memories were still there and it won't erase lalo pa't mahirap burahin. The scars don't hurt anymore, but can't forget the way they used to. Tatlong buwan na rin ang makalipas simula ng bumalik kami ni Niko sa dati, since last May. And everything went normal. Nag-aaral akong mabuti at ganon rin sya. Masaya kami, sobra kaming masaya hindi katulad noon na panay pasakit lang ang meron.

"Ate hindi ko na nililigawan si Evelyn."

Napatingin ako kay Laurence ngayon na niyaya akong kumain kung saan.

"What? Why?"

Nag-aalalang tanong ko.

"It's just—It's just ang cold nya kasi sakin eh."

"Ano? Paanong cold? Hindi ganon si Evelyn."

"Alam ko ate, syempre ikaw ang kaibigan kaya mas lalo mong alam yon. Pero cold nga sya sakin, sa chat."

"She's not cold Laurence, ganon lang talaga si Evelyn. Kahit sa amin nila Lois ay kakarimpot syang sumagot."

"She's not like that before ate Aidan. Napagod ako sa set up naming ganon kaya tumigil muna ako, baka napapagod na rin sya sa pagiging makulit ko sakanya."

Ma-effort na tao si Laurence, pag nagmahal ang isang to, sobra talaga. Nasa lahi na yata talaga namin iyon.

"So I've decided to study na lang muna. Babalik ako sakanya pag-ready na ulit ako at ready na rin sya. Umalis ako dahil mahal ko sya at naiintindihan ko sya."

"Pero napagod ka? I get your point Laurence. Ang ayoko lang ay magsisi ka sa huli kung ganon. Suportado kita kay Evelyn, I like you for my bestfriend. But still it's your decision. Basta nandito lang ako para sainyo."

"Thanks ate."

Ngumiti lang ako sakanya.

"Napapagod na ako."

Sabi ko sabay tungo.

"Ano bang ginagawa mo?"

Tanong ni Niko na busy sa pagre-review dahil may quiz raw sila bukas. Magkasama kami at sabay na nag-aaral.

"Naghahanap ng rrl para sa research. Nakakapagod magbasa para masiguradong related sya."

Reklamo ko.

"Ilan ba hahanapin mo?"

"Five."

"Aba!"

Naramdaman kong nailapag nya ang notebook sa mesa at naramdaman kong inangat nya ulo ko.

"Madami pala hahanapin mo. Nakakailan ka na?"

Napanguso ako.

"Isa pa lang. Ang hirap-hirap kaya maghanap lalo na't iisang topic lang hahanapin mo."

Umiling-iling sya.

"Wag ka nga tamadin. Ganyan talaga pag-research, ganyan rin nangyari sakin non."

"Eh ganito rin pala nangyari sayo minamadali mo pa ko."

Natawa naman sya.

"Syempre mahirap na baka mag-deadline na yan. Edi mahuhuli kayo ng pasa."

"Eh tinatamad nga–"

Yuyuko sana ulit ako ng pigilan nya.

"Hep! Gawin mo na yan Aidan."

"Ikaw na lang kaya."

My Almost [Broken Series 1]Where stories live. Discover now