Apatnaput.

94 7 0
                                    

"Oh hindi ka pa uuwi?"

Tanong nila Rica sakin ng makitang hindi pa ako tumatayo sa kinauupuan ko. Ngumiti at tumango ako sakanila.

"Oo eh."

"Magkikita kayo ni Niko? Ha! Araw-araw na yan ah. Miss araw-araw ang isa't-isa. Sana all. Hahahaha."

Nangiti ako sa sinabi ni Aejay. Wala silang alam sa nangyari few weeks ago. Akala nila ayos pa ang lahat. Pasekreto akong nakikipagkita kay Niko. And he's acting like na parang walang nangyari. Bumalik muli sya sa pagiging sya sakin, sweet and caring. Kung mahal? Ay hindi ko na alam pa. Naguguluhan na rin ako eh. Araw-araw ko kasing niyaya ang mga kaibigan ko kung saan lang, para payagan ako ni kuya, at ron ko pasekretong kinikita si Niko everytime na pagsisiuwi na sila.

"Palagi kayong lumalabas ni Niko. Hindi na ba sya nadadalang sainyo?"

Tanong ni Shen Chin.

"Hindi eh. You know busy for school works."

"Matibay rin kayo ano. Magkaiba na kayo ng school, hindi pa magka-grade level. Pero nagkakaintindihan kayo. Kayo na talaga yata ang para sa isa't-isa."

Ani ni Shin. Sana nga kami na.

"Nikolai was change na eh. A change man na, hindi na boy."

Usal ni Evelyn. I smiled bitterly. Akala nila ayos na ulit, meron na namang bagong problema. How can I tell them?

"Ang tahimik ni Aidan. Ayaw na yata tayo dito hahahaha."

"Hala hindi ah. May iniisip lang hahaha."

Sabi ko sa biro ni Lois. Ayoko silang makahalata.

"Tara na nga. Baka tayo'y maabutan pa ni Niko at mailibre pa tayo."

Birong saad ni Rica. Tinanaw ko sila paalis ng tea shop na pinuntahan namin. Nakangiti at nagtatawanan. I wished I was like that again—Simula kasi ng mangyari na naman itong nangyari last few weeks, I begin to lose myself again. Ito ang pinakaiiwasan ko sa lahat ulit eh. Mukhang nangyayari na naman. I'm weak when it comes to love. Wala akong makuhang tyempo magtanong kay Niko everytime we're been together. Tumitiklop ako at parang iwas sya.

Ilang oras na rin akong naghihintay kay Niko at wala pa rin akong natatanggap na text, chat o tawag. It's been 2 hours since my friends go out. It's 6 in the evening. Kanina pa rin ako nakabantay sa labas sa pagpunta nya pero wala pa rin. I texted him so many times. Napatunganga na lang ako sa table ko. Nakaka-3 na ko ng tasa ng kape pero wala pa rin sya. Are you still going Niko? Mukhang uulan pa. Muli kong binuksan ang phone ko at tinawagan sya. Nagriring pero hindi sinasagot. Naitext ko sya, kahit chat ginawa ko. Busy ba sya sa school? Sana sinabi nya at maiintindihan ko. Nagvibrate ang phone ko at dali-daling binuksan ang message. It was Niko, telling sorry for not answering.

From:Nikolai😍😘
Sorry for not answering your phone calls and messages. But please wait for me I'll be there in a minute.

So I waited and waited until heavy rain falls. Nag-uuntian na rin ang costumers sa tea shop. I looked at wrist watch and saw it was 9:20 in the evening. Shocks! 5 hours na akong naghihintay sa taong hindi na ako sure kung dadating. Malapit na rin magsara ang tea shop, at 10 minutes na lang. Muli akong nagbigay ng mensahe, and after 3 minutes ay nakatanggap ako. Parang nagunaw ang mundo ko sa nabasa ko.

From:Nikolai😍😘
Aidan I'm really sorry for not meeting you up now. You can go home na, sorry. Pinakakaon kasi si Eula sakin ng papa nya, hindi ako maka-hindi kasi ang layo ng school nya. Alangan naman si tito pa yung kumaon eh matanda na sya. Sorry. Babawi ako next time😘

I cried, I really do cried. Tumayo ako ng may sakit na nararamdaman. Nag-aayos na ang mga stuff sa pagsasara. Paglabas ko, sobrang lakas ng ulan, mahangin. Nakikisabay sa nararamdaman ko. Si Eula na naman, si Eula na bestfriend nya. Sumigaw na ako, hindi ko na kaya eh, wala na rin naman makakarinig dahil sa lakas.

My Almost [Broken Series 1]Where stories live. Discover now