"Happy birthday JanJay!"
Bati namin ng salubungin kami sa labas ng resort. Tumawa sya at inabot namin ang mga regalo namin.
"Nako salamat! Tara na. Ang dami na namin sa loob tapos hinihintay na kayo ng tropa!"
Syempre energetic ako. Masaya akong pumasok paloob at inunahan sila. And I was amazed sa ganda ng beach. Ayoko na atang magswimming sa pool, sa dagat na lang. Ang dami rin bisita, big time talaga si Jay.
"Ate ko!"
Maingay na salubong ni Laurence sakin.
"Maka-ate ko no. Kala mo'y aagawan. Hahaha."
Natawa naman sya. Tinulungan ako ng pinsan kong si Laurence sa mga dala ko.
"Si Evelyn, ate?"
Oh. I forgot, manliligaw nga pala sya ni Evelyn. Kung paano? Basta malalaman rin yon.
"Busy sa business sa shop nila eh."
Tumango-tango naman sya. Masaya yung iba na nagkakaininan at nagku-kuwentuhan.
"Tol happy kaarawan. Hahaha."
Naestatwa ako ng marinig ang pamilyar na boses.
"Ulol ka. Salamat. Hahaha."
Sabi ni Jay. I can't breathe, I feel I'm gonna explode anytime soon. Nararamdaman kong papalapit sya sa pwesto namin, ramdam kong malapit na sya. Calm down self please. Act normal.
"Niko. Late ka hahaha."
Natatawang sabi ni Laurence sa kalapit ko. Gusto ko syang hambalusin, malamang ay lalapit yon kung saan ako—Kami na ron.
"Hinatid ko pa kasi si Eula."
Napapikit ako.
"Tol walang forever sinasabi ko sayo. Hahaha."
Anong nangyari kay Stepahine? Bakit si Eula na ngayon?
"Loko! Anong walang forever, wala naman kami ni Eula ah."
At naramdaman kong napatingin sya sakin.
"Sus! Edi wala."
Narinig ko na rin binati sya nila Rica at Shin. Ako naman ay nagkukunwaring inaayos ang gamit na pamaligo. Rinig ko tawanan nilang lahat. Gusto ko rin makihalubilo pero ayoko syang makaharap.
"Aidan?"
Kalbit ni Raffy.
"Bakit?"
At humarap ako sakanya.
"Tawag ka nila. Hahaha bakit kaba mag-isa dyan?"
"Inaayos ko pangpaligo ko. Lets go na nga!"
Oh my gosh! Nanginginig tuhod ko. Malapit na ako, nakikita ko syang nakatalikod sakin. Napatingin tuloy sakin ang mga kaibigan ko.
"Ito na si Aidan oh."
Sabi ni Raffy. At parang slowmo ay unti-unting humarap si Niko. My knees are shaking and my hands too. Yung puso ko nagwawala sa kaba.
"Hi."
Pormal kong bati. Ngumiti naman sya sakin. God! I miss those smile.
"Hello. Kamusta?"
Nahihiya nyang sabi dahil napakamot pa sya ng batok.
"Long time no see, Aidan."
Dagdag pa nya.
"Good. You?"
"Better. Malapit ka ng mag-grade 12 ah. Good luck!"
I half smile. Kinakabahan ako. Ang sabi nila mahirap na raw pagtungtong ng grade 12 mas maraming gawain, mas maraming requirements, basta.
YOU ARE READING
My Almost [Broken Series 1]
JugendliteraturThere's alot of "maybes" and "what if's" running through my mind and confuses my heart-But I choose not to say it. You were MY ALMOST, and I choose not to choose you-to be completely move on from you and the memories we had. Started: September 2019 ...