Day Two

404 12 1
                                    


Why are those smiles
captivate me?
Why are those eyes
always happy?

Day Two // Let's Go

[Luna's POV]

Nagising ako ng maaga dahil medyo maingay na sa baba. 6:00am at sure akong paalis na sila Tita Hera sa amin dahil kanina ay may narinig akong gate na bumukas.

Ngayon ay may naririnig akong nagluluto. Breakfast. I sat on my bed and checked my phone. No notifications, probably because I muted almost every app on my phone.

Bumangon ako at nagtoothbrush. Naghilamos na din ako at naghanda ng susuotin para sa training mamaya. 7:30am dapat nandoon na kaming lahat.

Pagkatapos ko'ng magprepare ay bumaba na ako, natanggal ang messy bun ko kaya inulit ko 'to habang pababa ng hagdan.

Napatingin ako sa sala at nakitang malinis ito. They really left already huh? Sa sabado siguro, may manggugulo na naman?

Dumiretso na ako sa kusina at bumati kay Mommy na nagluluto at kay Daddy na nagkakape sa lamesa habang nagsusulat.

Umupo ako sa tabi ni Daddy at nakisalo sa pandesal na nasa lamesa. Mainit pa ito at sakto ay tinimplahan din ako ni Mommy ng Milo.

Na-excite naman akong inumin iyon dahil si mommy ang nagtimpla. Hindi ko alam, basta pag siya nagtimpla, the best.

"Oh, Sol!" Sambit ni Mommy kaya naman ay nagulat ako at nabuga ng bahagya ang iniinom ko. I looked at where Sol was and I swear he wanted to laugh. Nakatingin siya sa akin kaya agad akong kumuha ng tissue upang punasan ang sarili ko at ang nagawa kong kalat.

"Sorry, mainit pala." Palusot ko dahil napatingin sa akin si Daddy.

"Good morning po, Tito Din, Tita." Malaki ang ngiti nito nang bumati.

Inasikaso agad siya ni Mommy. "Kain na, habang mainit pa."

Mom served breakfast so he sat directly in front of me. Nakangiti lang siya sa akin.

I couldn't imagine how I look right now, maayos ba? Magulo ba buhok ko? May panis na laway pa ba ako or what?

-Wait, what the hell? Bakit kailangan ko'ng mag-ayos pag siya kaharap ko?

Nang hainan kami ni Mommy ay ngumiti siya dito. "Thank you po, Tita."

Tumango lang si mommy at si daddy na ang nagsalita. "Mamayang madaling araw, aalis na agad tayo. Luna, pack your things."

I just nodded, ni hindi ko nga alam kung saan pupunta or ilang weeks doon. Bahala na at makikisakay nalang ako sa kanila.

***

After breakfast ay naligo na ako nagbihis upang pumunta sa school para magtraining.

Nang magpaalam ako kay daddy ay nagtanong siya bigla. "Gagamitin mo ba yung kotse? Kailangan ko mamaya."

"Wag nalang po." Paalis na sana ako nang magsalita si Mommy.

"Edi pahatid mo nalang muna siya kay Sol." I shook my head sa sinabi ni Mommy ngunit hindi man lang niya ako pinansin. "Okay lang ba Sol?" Dagdag pa nito

Sol At Luna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon