Day Seven

219 8 1
                                    

I don't want you to go
I'll never move on
I want you to stay,
not be kept away.

Day Seven // Bravest

[Luna's POV]

It's 9:00am at nagising akong walang gana. This is it, this is the day that he'll leave.

Gusto ko'ng pumikit at sa pagpikit ko ay sana bumalik ako sa unang araw. Unang araw na dumating siya dito, ayokong matapos, kahit paulit-ulit basta nandon siya, okay lang.

Nag-ayos ako ng sarili ko, I tied my hair into a messy bun at naghilamos. After that, bumaba ako.

I saw my parents along with Sol and Tito Ares eating breakfast. Nagkatinginan kami ni Sol ngunit agad akong umiwas.

I kissed my parents' cheeks and then greeted them goodmorning. There's a vacant seat beside him but I chose to sit across him.

Hindi niya pa din tinatanggal ang pagkakatingin niya sa akin hanggang sa pag-upo ko.

"Goodmorning po, Tito." Nagmano ako kay Tito Ares at ngumiti lang siya sa akin.

"Goodmorning din, Luna." Tumango ito. "Ilang taon ka na, 'nak?"

Siya ang nagsimula ng usapan. "18 po, Tito."

"Ah," Tumango lang muna ito.

Nagsalo salo kami sa breakfast nang bigla ulit siyang magsalita. "Pwede na 'no, Din?"

Nasamid si Sol sa iniinom niya at muntikan naman akong mabilaukan dahil saktong nakain ako ng pancake. Yumuko si Sol at hinawakan ang noo nito.

"Pwede saan, Ares?" Tanong ni Daddy, ngumisi naman 'tong si Tito Ares.

"Sol's twenty—"

Pinutol agad siya ni Daddy. "You know they're too young for relationships."

"Alright," Tumango-tango siya at tumingin kay Sol. "I'm just saying, pangarap din natin 'yon sa kanila at they're not too young, they're both in legal age."

Tumahimik si Daddy at napalingon naman ako kay Sol, saktong nakatingin din siya sa akin.

Bakit nila 'to pinaguusapan sa harap namin? We're their subject, pero parang wala kami sa harap nila.

"Luna should prioritize her studies first before anything else. Ganon din dapat si Sol." Tumingin si Daddy kay Sol dahilan para mapayuko ito.

"You'll never know unless you ask them, Din—"

Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Sol. "Alright, Dad. That's enough—"

Ani Sol ngunit naputol siya nang dumating si Tita Hera na buhat si Pan. "Sol."

Lahat kami ay nakatingin sa kaniya at ipinagtaka niya naman iyon. She saved us though, kung hindi, kami pa rin ni Sol ang center of attraction.

They baby-talked Pan and played with him. Parang lahat sila naging bata dahil sa pagkakausap kay Pan.

Nagkatinginan kami ni Sol at parehong tumawa ng bahagya. He winked at me then I just rolled my eyes— smiling like an idiot.

Sol At Luna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon