Day Four

271 7 0
                                    

As you two get closer
we get more distant
And I don't want that to occur
We wouldn't have any commitment.

Day Four // Distant

[Sol's POV]

MAAGA kaming naghanda para umalis. Everyone was already prepared, maging ang mga kagamitan at mga pagkaing kakainin namin ay nakahanda na. We didn't know na sobrang aga palang nagising nila Tita upang magprepare.

On the way there, I'm pretty sure na kami ang papagmaneho dahil kahit dalawang oras lang ay makatulog ulit sila Tito.

A Super Grandia, which kuya Jim will drive at kung nasaan ang mga matatanda. Ate Syl's Nissan Juke na ako ang magd-drive. And Dos' 2018 Wrangler kung saan ilalagay ang mga gamit namin like our bags, cameras and other gadgets.

Nang handa na ang lahat ay nagkaniya-kaniyang sakay na sila sa mga sasakyan.

Sumakay agad si Ate Syl sa harap ng sasakyan niya, si Tim at Lyn naman ay magkatabi sa likod ko- pinagigitnaan ni Pan.

Wait.. Don't tell me Luna is with Dos?

Tinanaw ko ang kotse niya at nakita ko'ng papunta pa lang sila doon, hinihila ni Dos si Luna sa palapulsuhan nito. Naglakad ako patungo sa kanila ngunit narinig ko'ng bumukas ang pinto ng Juke at hinarangan agad ako ni Ate Syl. Nasa braso ko ang kamay niya, nakaharap sa akin.

"No, Sol." Ani nito, tumingin naman ako sa kaniya ng seryoso at kinunot ang noo.

"Really though? Pipigilan mo 'ko?"

She nodded. "Drive us there na." She gave me her car keys kaya tinanggap ko ito.

Umiling ako at ngumisi na iritado. Wala akong nagawa kung hindi pumasok sa kotse, bumisina naman si Kuya Jim upang senyasan kami na aalis na sila.

I started the car and took a final glance on where Luna is, nasa loob na sila ng kotse and I didn't fucking want that to happen.

Ang epal.

Nagmaneho ako at hindi na sinubukang kausapin ang mga pinsan ko kahit maingay sila ngayon. I can see ate Syl looking at me through my peripheral view, inalis niya din agad ito.

______________________________________

[Luna's POV]

Nang makapaghanda silang lahat para sa pag-alis, inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Nasa labas na kaming lahat, bitbit ang mga gamit at kaniya-kaniyang pasok ng bags sa mga kotse.

My parents were already inside the van, as well as the others. Napatanaw ako sa isang kotse, lahat sila ay nandoon at mukhang hindi na kasya.

Malapit doon ay nakatayo si Sol, nagc-cellphone. Probably chatting with his friend, NYX? Umirap ako at nagulat na nasa tabi ko na si Dos.

"Akin na yan." He smiled at me and lended a hand. Ibinigay ko naman ang isa ko'ng backpack then he held my wrist. Ikinagulat ko ito at napatitig lamang sa paghawak niya hanggang sa makarating kami sa kotse.

Binuksan niya ang pinto at humarap sa akin. "Here."

"Thanks." Ngumiti ako sa kaniya at pumasok na sa loob.

Sol At Luna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon