Fifth Night

256 6 1
                                    

Gusto kita,
gustong gusto

Fifth Night // Manliligaw

[Sol's POV]

Napansin ko ang sobrang paglayo ni Dos kay Luna. He knows, I'm sure he already knows. Hindi na sila nag-uusap at lalong hindi na sila nagtatawanan.

Minsan ay apir lang at 'yun na 'yon. Kaya naman I took the chance to talk to Dos again habang wala pang tao sa kwarto namin.

"Bro." I uttered, lumingon agad siya sa akin. Nagcecellphone kasi siya.

"Oh?"

Lumapit ako sa kaniya at umayos naman siya ng upo. "I'm here to apologize, you're my closest cousin ta's kung ano-anong sinasabi ko sayo."

"Tss, wala 'yon." Ngumiti siya. "I understand naman, tol."

"At salamat," Huminga ako ng malalim. "for letting her go."

Ngumisi siya at umiling. "I didn't let her go, she was free all along. Ikaw lang 'tong takot magsabi ng nararamdaman."

I nodded and smiled. He's wise and all, that's why I look up to him too. Lowkey. Kung siya yung nagustuhan ni Luna, okay lang sa'kin e. Basta alam kong 'di siya nananakit kapag seryoso siya.

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya at nagtaka naman siya. "Phone."

Ibinigay niya 'to at nagtipa na ako ng mga letra at numero dito. I entered Nyx' number and texted her a greeting.

Tumawa muna ako bago isoli sa kaniya. "Gago, bro!"

"Okay lang 'yan, you told me before na nagagandahan ka, 'di ba?" I laughed even harder.

***

Nag-ayos kami ng gamit at saktong alas sais ay umalis kami. This time, kaming dalawa lang ni Luna ang magkasama sa sasakyan at nasa likod naman ang mga kagamitan.

Pinag-usapan nila 'to, sigurado ako. They know that we're already 'on' or in that mutual understanding stage, kaya naman binalak nila 'to.

Though sure din akong nalito sila sa kung anong meron si Dos at Luna, pero siguro naman ay sinabi na ito ni Dos sa kanila.

"You tired?" I asked, glancing at her while driving.

I saw her nod. "Mhm."

"You should go sleep muna, aalis din ulit tayo mamayang 9." Ani ko.

"My head hurts." 

I realized that she might be sick. She was not feeling well kanina pa. Tiningnan ko siya at medyo namumula ang pisngi niya at halatang nilalamig. I touched her neck and she was too freaking hot. Her temperature isn't normal.

"May lagnat ka." Ani ko. "Are you okay?"

She sighed. "I'm fine."

She held my hand kahit na nasa gear lever ito. I glanced at her again and smiled. Is she really this clingy though? Gusto ko yung inaaway niya ako pero mas better na rin 'to.

Sol At Luna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon