Fourth Night

237 7 0
                                    

If there's a chance
that I'd get to know you
I would not think twice
about taking a single clue

Bonfire

[Sol's POV]

We all had fun for the rest of the day. swimming, kain, swimming, kain, videoke. Paulit-ulit lang naman ang ginawa namin ngunit masaya pa rin dahil kasama ang mga pinsan.

I got really distant from Luna dahil mukha naman silang masaya ni Dos. Lyn's always on her phone, capturing Luna's and Dos' moments. I also saw Dos' with his camera, holding Luna's hand, surrounded in sunflowers.

I bet it was a cool shot.


It was posted in his IG story captioned "hearts don't break around here."

Like damn, ano na ba'ng meron sa kanila? Nagka-aminan na ba? May something na ba?

I took a sip on my hot choco, sila Tita ay nasa loob ng room namin habang ang mga pinsan ko ay nasa bonfire kasama si Luna. Malayo ako sa kanila, mag-isang nakaharap sa dagat. Tanaw nila ako ngunit malayo at hindi marinig.

Kuya Jim went close and he sat beside me. May hawak din siyang inumin ngunit beer ito.

"Ba't ka mag-isa dito?" He asked, taking a sip on his drink.

Ngumiti lang ako ng bahagya sa kaniya habang nakatanaw sa karagatan. "Wala lang."

"Tss. Ang drama mo, bro." He laughed. "We all know your problem."

Kinuha niya ang cellphone ko at may tinipa saglit. Then ipinakita niya sa akin ito at tumambad ang litrato ni Dos na nasa IG story naman ni Luna.

You got hacked.

Ito pa ang nakasulat dito.

Damn. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa ipinakita ni Kuya Jim. "Pero paano 'to?"

Ipinakita niya naman ang convo namin ni Nyx sa Messenger. Umiling lang ako at ngumiti. "Wala naman 'yan, kuya, eh."

"Sa'yo wala kasi si Luna ang gusto mo." Ngumisi siya. "Your situation is 'Mahal mo o mahal ka,' Sol."

Pareho kaming tumawa ng bahagya. Inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko. "If I were you, choose Luna. Mahal mo? Ipakita mo, wag mobg hayaan sa iba, lalo na't sa pinsan mo pa."

Tumayo siya at pinagpag ang damit niya dahil sa mga buhangin, sabay umalis na at nagtungo kanila Ate Syl.

It's not 'Mahal mo o Mahal ka' dahil hindi naman talaga ako gusto ni Nyx. May iba siyang gusto at alam ko 'yun, we're bestfriends and that's all it is.

Hindi nagtagal ay pumunta na rin ako doon sa kanila, saktong naglalaro sila ng truth or dare habang nasa harap ng bonfire.

They spinned the bottle at kay Lyn agad ito tumapat. "Hoy!!! Grabe!!! Maduga 'yan!"

"Truth or Dare?" Tanong ni Tim.

"Truth." Umirap si Lyn at ngumuso.

"Sino favorite mong pinsan sa aming mga lalake?" Kuya Jim was the one who asked.

Inikot pa ni Lyn ang tingin niya ngunit ang sinagot niya pala ay ang wala dito. "Si Pan, duh?!"

Sol At Luna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon