Chapter 2

0 0 0
                                    

"GET in," utos ni Genesis sa lalaking iniligtas niya.

Matagal na niya itong binabantayan at sinusubaybayan nang palihim.
Utos iyon ng nakatataas, he is her mission. To secure his security.
He's Enrico Mikiaus Rosales, a prosecutor at sa dami nang mga nakabangga nitong mga malalaking personalidad na may kaso at ito mismo ang humahawak ay palagi itong nakakatanggap ng mga death treat mula sa mga taong halang ang bituka.
Kilala daw kasi ito pagdating sa trial court,wala itong sinasanto maski sino basta may pananagutan sa batas. Palaging nananalo sa mga kaso at ang maysala ay siguradong manghihimas na ng rehas.
Anak din ito ng isang former judge ng RTC or Regional Trial Court kaya lalong nalagay ang buhay nito sa kapahamakan.
At siya ang inatasang maging tagapagbantay nito.
Sa madaling salita,bodyguard siya nito.

Buwisit lang!
Nagtraining siya sa America for almost six months tapos bodyguard lang ang bagsak niya! Aargh!!

"After you," imbes na sumunod ito ay iminuwestra pa nito ng kamay ang nakabukas na pinto ng sasakyan at bahagya pang yumuko.

Naitirik niya ang mga mata sa sobrang inis.
Nangigigil na hinawakan niya ang braso nito at iginaya papasok.

"Get in and I will drive," may diin niyang sabi. "Never try my patience, sir."

"Alright! Alright!! Relax. Masyadong mainit ang ulo mo", nakangisi pa rin ito habang nakaupo sa passenger seat.

Langya abah!! Ito lang ang taong nasa panganib na ang buhay ay nagawa pa ding ngumisi.

Agad niyang binuhay ang makina nito.
" What is the password? ",anang tinig na ikinagulantang niya.
Wait! What?!..

Napalingon siya sa katabi. Umangat ang isang kilay niya dahil nakatitig lang ito sa kanya.

" Oh! I love you,Caroline,"namumungay ang mga matang tugon nito.
Namula siya sa sinabi nito.

"Password accepted", anang tinig na nakapagpagising sa kanyang diwa.
'Who's Caroline?'.
Ay!,pakialam ba niya!!
Tumikhim siya at umupo na nang maayos.

Natawa ito," You're blushing! That's the password only."

Hindi na siya sumagot at itinuon ang atensiyon sa pagmamaneho.

Genesis Villegas is a sergeant officer of Philippines National Police. An adopted daughter of Maggie Guzon,a former beauty queen and Nielson Villegas, a businessman,former Regional Director ng PDEA sa NCR.
Her real parents died when she was 5 years old, her mom is an actress and her Dad is a well-known judge. She witnessed how they died,it's an ambush, pinaulanan ng bala ang sasakyan nila at siya lang ang nakaligtas. Dahil sa nangyari,nagkaroon siya ng trauma at di siya nakapagsalita,tulala sa loob ng halos isang taon until a couple pay a visit at napukaw ang atensiyon sa kanya ng mag-asawa at inampon siya ng mga ito. Isa pang dahilan ay di na nagkaroon ng anak ang mga ito. Ipinacheck up siya ng mga ito sa ibang bansa, then she undergo counselling and therapy. Luckily, she managed to speak and to be back to normal again. Maybe because of the love and patience of her poster parents, she finally recovered.

Genesis is a well-trained sa mga bakbakan at giyera.
Kasabayan niya sina Craig at Greyson na nagtraining sa America. They treat her like younger sister dahil mas matanda ang mga ito sa kanya but when it comes to mission,there is no special treatment.

Maya-maya'y may naramdaman siyang tila may bumato sa sasakyan.
Shit! Nasundan sila.
May kasama pang iba yung limang pinatulog niya sa bar??!..

"Don't worry, it's bulletproof car," wika ng binata habang prenteng nakaupo pagkatapos ikabit ang seatbelt.

Umikot ang eyeballs niya. Syempre bulletproof, kung hindi eh di sana may nakatanim ng bala sa ulo nito.

Tsk!!!

"Who are you and how did you find me??", usisang tanong nito na nakangisi ulit. " And what's with that dress?".

Naningkit ang mga mata niya at matalim ang tingin na binalingan niya ito.
Mahaba naman pasensiya niya pero dito sa lalaking ito,mabilis mabali ang pisi niya. Naiinis siya sa pagngisi-ngisi nito.

Oo na, nakakainis naman kasi at bakit ngayon pa nanganib ang buhay nito. Hindi man lang siya nakapagpalit ng damit. Katatapos lang kasi ng kasal ni Craig at isa siya sa mga Bride's maid.
Kaya heto siya nakadress pa..

Grrr!!!

"Hold yourself,"bilin niya dito at bago pa ito makapagreak ay inapakan na niya ang silinyador ng sasakyan.

" Whoa!!Whoa!! Calm down woman!! Take it slow,shit!!",natatarantang sigaw nito. Hindi ito magkandaugaga kung saan kakapit.
Napailing na lamang siya.

She pressed the button hiding in her ear.

Mukhang di sila tatantanan ng mga kalaban ng binata.

"911", she whispered.

" Hey,gorgeous, turn left,"anang tinig sa kabilang linya.

Pinihit niya ang manibela pakaliwa..

"Whew!!", bulalas ng katabi niya," Okay, I'll never gonna asked you again! Just slow down".

Hindi niya ito pinansin.

"Next?".

" Straight ahead then turn right,dumiretso ka sa may eskinita. Pagdating sa dulo,national road na."

"Thanks, tracker."

"Whatever."
Then, line ended.

"Wait,where are we going?", usisa ng binata sa kanya.
Tsk! Akala niya di na ito ulit magtatanong.

"Chasing death. So shut up and hold on tightly," seryosong tugon niya dito.

Sunud-sunod na malulutong na mura ang pinakawalan nito habang humaharurot ang sasakyan.

Nagmenor siya pagdating sa national road at sinilip ang rearview mirror.

Wala nang nakasunod.
Ibinaling niya ang tingin sa katabi at muntik na siyang matawa sa hitsura nito.
Mukhang natatae na manganganak ang pagkakakunot noo nito at sunud-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan nito.

"That's so amazing!!", bulalas nito na ikinagulat niya.
Akala niya natakot ito kanina pero mukhang nag-enjoy pa ang loko.

Nakakaloka!! Hindi niya akalaing may crazy side pala ang prosecutor na ito.

"So,saan ko po kayo ihahatid sir?".

" BGC, my apartment. Hindi muna ako uuwi sa amin at baka mag-alala sina Mom and Dad or masundan tayo ng mga kriminal doon,manganib pa buhay nila."

Tumango siya.

"Baka puwede ko ng malaman ang sagot sa mga tanong ko kanina?", pangungulit nito.

Hindi na siya nakasagot dahil itinigil na niya sa gilid ang sasakyan sa harap mismo ng condo nito.

"Maybe we meet again some other time," tanging nasabi niya. "Bye,goodnight.".

Agad siyang lumabas ng sasakyan nito at iniwan itong nakatulala habang sinusundan na lamang siya nito ng tingin..

~itutuloy...

Enrico:"Beautiful In White"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon