Chapter 10

0 0 0
                                    

Genesis silently admired how Enrico handles different cases seriously from family affair,annulment and now,anti-drug. Sa loob ng ilang araw nilang magkasama ay nakikita niya ang pagiging seryoso nito at ang pagiging professionalism at kung gaano nito kamahal ang trabaho.

Nakatingin lamang siya dito habang nagsasalita ito sa unahan.
"That's all,your honor. Thank you,"sabi ni Enrico at umupo na sa inupuan nito kanina.

Lumipas ang maraming diskusiyon hanggang tinapos na iyon ng judge.

At tumayo ang babaeng nasa unahan na nakaupo kanina habang nagtatype.

"To the person accused,please rise."

Tumayo ang taong nakasuot ng kulay kahel na damit kasama ang bantay nito na dalawang pulis.

Walang emosyong makikita sa anyo ng suspek at di iyon maganda para kay Gen.
Mukhang may binabalak ito.

Hindi na siya nagulat nang sa isang iglap lang ay nahila na siya ng suspek sabay tutok sa kanya ng ballpen na nasa lamesa kanina. Hindi iyon inaasahan ng mga bantay nito at nagkagulo na ang mga taong nandoon.

"Huwag kayong lalapit!!!",sigaw nito."Sasaksakin ko ang babaeng ito..!!",banta pa nito.

Nakita niya na nagulat si Enrico at tila natulala pa ito. Akmang lalapit ito nang matauhan pero umiling siya at tiningnan ito nang may kahulugan. Tila nakalimutan nito na isa siyang pulis. Tumigil man ito sa paglapit ay nasa mukha nito ang pagkabahala.

Humakbang ang suspek paatras palabas ng courtroom pero bago pa ito makahakbang muli ay buong lakas niyang tinulak ang kamay nitong may hawak ng ballpen dahilan para mabitawan nito iyon sabay siko niya dito sa tiyan at panga.
Marami siyang narinig na napasinghap lalo na nang humarap siya sa suspek at binigyan niya ng uppercut sabay tuhod sa bayag nito.
Napaluhod ito at napaubo habang namimilipit sa sakit at hawak ang pundilyo.
Nabasag ata.

Dinaluhan agad ito ng dalawang pulis kanina.
Ipinagpag niya ang damit at inayos ang nagusot na palda.

"Are you okay?",tanong agad ni Enrico.

"I'm fine",tugon niya at binalingan ang mga pulis na hawak-hawak ang suspek.
Nakilala siya ng isa sa mga pulis pero matalim niya itong sinulyapan kaya natahimik ito. Si SPO1 Masangcay.

Pero ang di niya inaasahan ay ang pagyakap sa kanya ni Enrico.
Natigagal siya at tila nagulantang ang puso niya nang bumilis ang tibok nun. Ang init ng yakap nito na gumapang ang tila bolta-boltaheng kuryente sa kanyang katawan. Hindi agad siya nakakilos hanggang sa kumalas ito and her eyes met his.
Sabay pa silang natauhan nang may tumikhim at napalingon siya.

"Ahh...tayo na lang po ang nandito",imporma ni Troy na nanunudyo ang tingin.

Agad siyang humakbang para lumayo kay Enrico habang maayos namang napatayo nang tuwid ang binata."Are you okay?",tanong nito habang nakatingin sa leeg niya.
Napalunok siya dahil may iba siyang naramdaman sa klase ng titig nito sa kanyang leeg.
Naipilig nito ang ulo at pilit na iniwas ang tingin sa kanya.

"Let's go!!",yaya nito at nagpatiuna na sa paglakad. Sumunod naman si Troy.
"Miss Gen?",untag ni Liz sa kanya. Napatingin siya dito at ngumiti ito."Tara na po."

Napakurap-kurap siya." Ahh..o-okay.."

"Ang galing nyo po Miss Gen!!,"manghang puri ni Liz sa kanya habang palabas ng gusali."Siguro po nag-aral kayo ng martial arts."

"H-huh?? Ahh..oo. For self-defense."

"Woah..really?".

Tumango siya at tila nakumbinsi naman ito sa dahilan niya.

Malalim na ang gabi nang makatapos sila.
Unti-unti na ding nagpaalam ang mga kasama nila hanggang sa sila nalang dalawa ang natira.

Sinulyapan niya ito na matamang nagbabasa pa ng ilang papeles. Tila naramdaman nito iyon kaya nagtaas ito ng tingin kaya agad niyang binawi ang pagsulyap dito at kunwa'y ibinaling ang atensiyon sa pag-aayos ng bag.
Natigilan siya ng tumunog ang kanyang cellphone.
Telephone number iyon ng bahay nila.
"Hello",bungad niya ng sinagot ang tawag.

"Ah...Ma'am Genesis...",atubiling tugon ng matandang tinig na tila nababalisa at kinakabahan.

Agad siyang naalarma."Manang Irma,may problema po ba diyan?".

"Ah..ehh..k-kuwan...ano...".

Kinabahan siya sa paputol-putol nitong pagsasalita."Manang pakiayos po yung sinasabi nyo. May nangyari bang di maganda diyan?".

"B-basta..umuwi ka na agad",at naputol na ang kabilang linya.

"M-Manang..?? Manang..?!",tawag niya pero wala ng sumasagot.

"What happened?",tanong ni Enrico na nakalapit na pala sa kanya."Sinong tumawag?".

"Iyong kasambahay namin. Kailangan ko ng umuwi",nanginginig na tugon niya sa tanong ng kaharap.

Napatayo siya at hinagilap muli ang bag.

"Hey,wait!",tawag nito habang mabilis siyang naglalakad palabas ng opisina.

Naabutan siya ni Enrico sa parking lot at hinawakan ang braso niya kaya napatigil siya sa paglalakad at nilingon ang binata.

"I'll come with you",tila pinal na pahayag nito as if he won't take no for an answer and she has no time to argue with him kaya napatianod siya nang hilahin siya nito papunta sa kotse nitong nakapark sa di kalayuan.

"Relax okay?",wika nito sa kanya at pinasibad na ang kotse.

Hindi na umimik si Gen dahil nag-aalala siya sa maaaring nagyayari ngayon sa bahay nila.
She tried to call back at their house' telephone number pero walang sumasagot.
Naikuyom niya ang kamao dahil sa kung anu-anong naiisip niya sa mga sandaling iyon. Baka hindi niya matanggap.

Napahugot siya nang malalim na hininga at napatingin sa labas.

Nanatiling tahimik naman si Enrico bagay na ikinapanatag niya dahil di siya ginugulo nito ngayon. Maaaring nirerespeto nito ang pagiging tahimik niya ngayon. Medyo mabilis na din ang pagmamaneho nito sa sasakyan.

Pagdating nila sa bahay ay tahimik ang paligid at walang ilaw sa loob ng bahay. Tanging ilaw lamang sa poste at mula sa swimming area ang kanilang gabay papasok ng bahay.

"Wait,"pigil ni Enrico." We should be extra careful."

"Alam ko,"angil niya at kinuha ang baril sa bag.

"Oh shit!",bulalas nito habang ikinasa niya ang baril.

"I'm a police remember",sarkastikong saad niya.

"And you are off-duty",paalala nito.

"This is emergency",sagot niya at umirap dito."Let's go".

"Sabay tayo",pabulong na sabi nito.

Hindi na siya umimik ulit at itinuloy ang pagpasok sa loob ng bahay. Pinihit niya ang doorknob at madilim sa loob.

At ganun na lamang ang paglaki ng mga mata niya nang lumiwanag ang pagliwanag ng paligid sabay pagsabog ng confetti.

"Happy birthday!!!!",sabay-sabay ng bati sa kanya ng mga taong nandoon.

Holy crap!
Agad niyang itinago sa likuran ang baril.

"Ohh--ohh...",ang tanging naisambit ng lalaking nasa tabi niya habang nakatingala sa mga confetti na nagliliparan.

"Keep this",pasimple niyang sabi kay Enrico tungkol sa baril na itinago niya sa likuran.

"Wait..",tila may kinuha pa ito sa bulsa ng pantalon bago kinuha ang kanyang service gun.
Pasimple nitong isinilid sa bag niyang nakabukas pa.

Agad siyang nilapitan ng ina at niyakap.
"Happy birthday, Gen!!",bati nito sa kanya."We surprised you!!".

"Y-yeah..I'm really surprised..",halos pabulong niyang wika at sinulyapan ang kasambahay na nakangiwi at napatangin sa taas..

Like...crap!! It's really surprise prank...

She should fire that old-kunsitidor maid right away.

~itutuloy...♥

Enrico:"Beautiful In White"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon