Chapter 5

0 0 0
                                    

Enrico found himself lying in the bed.

Maputing kapaligiran ang bumungad sa kanya at napalingon siya sa gawing kanan nang maramdamang may humahawak sa kanyang kamay at bahagyang pinipisil pa iyon.Napangiti siya ng makita ang ina.
Mababakas sa magandang mukha nito ang matinding pag-aalala.

"Am I already in heaven?",malat ang boses na tanong niya.

Naningkit ang mga mata ng kanyang ina dahil sa kanyang tinuran. Hinampas nito ang kanyang braso,kung saan siya nadaplisan ng bala.

Maayos naman ang simula ng umaga niya pero paglabas niya ng sasakyan pagdating niya sa PAO ay tinambangan siya. Sunud-sunod siyang pinaulanan ng bala ng baril kaya huli na ng makabalik siya sa loob ng sasakyan dahil tinamaan na siya. Kitang-kita niya ang pag-agos ng dugo mula sa braso papuntang pulsuhan. Aminin man niya o hindi, blood is his weakness. So, in the end, he fainted kaya heto nagising siyang nasa hospital.

Napaungol siya sa sakit, "Aray!! Ma,naman..!"

"Tse! Alam mo ba ang ginagawa mo, Enrico Mikiaus?? Pinag-aalala mo lang naman ako!! Tapos ngayon tatanungin mo kung nasa langit ka na huh??",litanya ng kanyang inang si Melissa.

"I'm sorry Ma..akala ko kasi nasa langit na ako at anghel ang nasa harapan ko ngayon..",he smiled sweetly at his mother sabay kindat dito.

"Hmp!! Mana ka talaga sa tatay mo..".

"Syempre..pareho kaming guwapo..."

"Bolero hindi guwapo",singhal nito sabay irap.

"Hey! Did I missed something here?",bungad ng kanyang ama na tuloy-tuloy na pumasok sa kuwarto at mabilis pa sa alas-kuwatrong nahalikan na ang kanyang ina.

"Ewww...gross",kunwa'y komento niya.

"Benedict!!!",namumulang saway ni Melissa sa kabiyak.

"What? I missed you mahal",pakli nito.

"Get a room guys..huwag ninyong dumihan ang inosente kong pag-ii----aray!!aray!!",naudlot niyang panunudyo sa mga ito at napadaing dahil sa pagkurot ng ina sa kanyang braso."Ma,grabe na kayo..double-triple murder na iyan. Hindi na kayo naawa sa akin",madramang saad niya.

"Eh ikaw? Di ka ba naawa sa akin?? Ilang beses pa ba kita makikitang nandito sa ospital??  Di ba sabi ko pwede ka namang magturo na lang sa mga law school? You almost spent a decade of devotion for your advocacy against abusement and cyberbully? Hindi ka pa ba titigil?",mahabang litanya nito.

Enrico groaned out of frustration,"Ma,you know me, teaching is too boring for me. Tsaka mas maganda na dito..mas marami akong matutulungan."

Melissa sighed while his father holding her hand.
"Tingnan mo Benedict,matigas na ang ulo niyan. Kausapin mo nga nang maayos iyang anak mo".

His father just chuckled kaya halos lumukot ang magandang mukha ng kanyang ina."Mahal, imposible yang makakausap ko nang maayos ang ating anak. Hindi mo basta-basta mapapasunod iyan.Parang ligaw na damo iyan, putulin mo man ang puno,tutubo at tutubo pa din."

Napanganga siya sa matalinghagang sinasabi ng ama,"Wow Pa, very wise..medyo unfair lang sa ligaw na damo kasi pakiramdam ko masamang damo iyon."

"Kaya nga nagmana ka sa akin. Basta isa kang damo, matigas na damo,"he grinned at his son.

Her mother glared at them. Sabay pa silang napalunok mag-ama, halatang kinabahan sa talim ng sulyap ng ina.

Padabog itong tumayo at binawi ang kamay mula sa ama.

"Magsama kayong mag-ama!!!",singhal nito. Padabog na lumabas ng kuwarto at napangiwi sila.

"Son,I think we made her mad. Lagot tayo nito!",palatak ng ama na napahilot pa sa noo.

Natawa naman siya."Ikaw lang ang lagot Pa, siguradong outside de kulambo ka at sa library ka na naman matutulog."

"Fuck! Patay ako nito,"nanlumong saad nito. Daig pa ang natalo sa isang kaso. Napahilamos pa ang mukha.
Problemado.
Hindi niya tuloy maiwasang matawa ulit pero seryoso na ang kanyang ama ng tingnan siya nito.
Mukhang malaki talaga ang problema.
Well, knowing his father, di nakakatulog nang wala sa tabi ang ina niya kaya siguradong mangangalumata na naman ito kinabukasan dahil sa puyat.
Minsan di niya talaga maintindihan ang ganung klase ng pagmamahal. Parang masyadong mahiwaga para sa kanya.

Kailangan nito ang tulong niya.

"Bring her flowers. That's her weakness",suhestiyon niya.

Tumikhim ito," I'll do it. Anyway, para sa katahimikan at kapanatagan ng kalooban ng iyong ina, I asked Hades about your safety and he recommend that you should have bodyguards.."

Akmang tututol siya ay inunahan na siya nito."...and please don't go against with this. Do this for your mother. Son, this is a serious matter now. We're talking about your life."

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ng ama."Okay pero pwedeng isa lang? Hindi kasi ako komportable na maraming nagbabantay sa akin Pa. Haist! This is awkward".
Ewan nga ba at ayaw niya talagang may sumusubaybay sa bawat kilos niya. Nakakailang!

"Of course. Don't worry also, nakita mo na siya minsan at niligtas ka na niya dati."

Nangunot ang noo ni Enrico."Niligtas na niya ako dati??".

Tumango ang ama."Yeah at nandito siya para magpakilala. Actually, siya ang nagdala sa iyo dito kaninang na-ambush ka. Wait lang, I will call her."

Lumabas ito sandali.

Bumangon siya at sumandal sa headboard ng hospital bed. Napangiwi siyang muli dahil sa kirot dulot ng sugat.

Natigilan siya sa huling sinabi ng ama.'I will call her?'.

Her?
Her..?!!!

Babae?!!

Tila nakakaramdam na siya ng pagdududa na kilala niya iyong magiging bodyguard niya.

At sa pagbukas muli ng pinto ay pumasok ang kanyang ama at nasa likod nito ang babae.
Hindi nga siyang nagkamali.
Umangat ang sulok ng labi niya nang makita ang kanyang bodyguard..that woman who looks beautiful in white,saved him at the bar that night..

"Hi!",bati niya dito pero seryoso ang mukha ng babae."Well, it's nice to see you again."

Tumikhim naman ang kanyang ama para patigilin siya sa kalokohan niya dahil alam nito na di na naman siya makakausap nang maayos.
He lifted his seating position para makaupo nang komportable.
Sumeryoso na ang mukha niya.

"Son,I want you to meet Genesis Villegas, your bodyguard."

~itutuloy...♥♥♥

Enrico:"Beautiful In White"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon