Chapter 9

0 0 0
                                    

Enrico got distracted by his bodyguard's transformation from her uniform to casual wear. Pasulyap-sulyap pa siya dito habang ito ay nakatingin lamang sa daan.

Nagmamadali na kasi kanina ang kanyang ama kaya sinabihan lang siya nito na may bago nga siyang assistant pero di na nito nasabi sa kanya kung sino.
Now,he's really shocked when he found who is it.

Hanggang sa dumating sila sa Makati Regional Trial Court ay di pa din ito naimik.
Dapat na ba siyang masanay sa pagiging tahimik nito?

Tumikhim muna siya,"Have you eaten breakfast?".

Natigilan ito at medyo nagulat sa tanong niya bago ito sumagot."Y-Yes.."

"Okay.Good. Mapapalaban tayo mamaya. We need to win this case."

Tumango ito bago lumabas ng sasakyan kasabay niya.

Malapit na sila sa daang pahagdan nang matapilok ito dahil sa taas ng takong ng sapatos nito. Agad niyang nasalo nang pabagsak na ito at kinabig palapit sa kanya..

"Hey..hey..careful..",sabi niya pa habang tinulak siya..
Binitawan naman niya ito,"You can wear one-inch heels or even flat shoes or whatever you are comfortable ."

Namumula na naman ang mukha nito habang nakasimangot ito at nauna sa kanya. Napatanga tuloy si Enrico. She is his bodyguard for Christ's sake pero iniwan siya nito. Napakamot tuloy siya ng ulo pero natigilan siya nang huminto ito at binalikan siya.

"You!!",diin nitong sambit,"Will you please at least be aware? Baka mamaya nakabulagta ka na lang diyan dahil tinamaan ka na ng baril. Bilisan mo kaya!!".

Natigagal si Enrico. What the hell??? Ito kaya ang nang-iwan sa kanya.
Hinila na siya nito paakyat ng hagdan. Napatingin na lamang siya sa kamay nitong nakahawak sa kanya. Parang gusto niyang mapangiti pero sinulyapan siya nito nang matalim kaya pumormal siya.
Binitiwan agad siya nito pagkarating nila sa main entrance ng building.

Hanggang sa nakapasok na sila sa loob ng court room.
Agad na umupo si Enrico sa tabi ng defendant.
"Hello Attorney. Good morning po."

He seriously nodded at him."Let's end this Mr.Lazaro."

"I want to, Attorney."

Dumating na ang judge na may hawak ng kaso kaya naudlot ang sana'y sasabihin niya.
Sinimulan na ang hearing session nang may napansin siya.

"Where is your wife,Sir??".

Napabuntong-hininga si Mr. Lazaro."H-Hindi ko na siya makakasama, Attorney. Itinago na siya ng kanyang magulang."

Nangunot ang noo niya.
"Attorney...please.. tulungan mo ako..kailangan ako ng mag-ina ko. Kailangan ko sila..",pakiusap nito sa kanya. Napatingin tuloy siya dito at makikita sa mga mata nito ang matinding kalungkutan at pangungulila.

Tumango siya."We need to win this case para sa iyo mapunta ang guardianship ng iyong asawa."

Tipid itong ngumiti."Sana nga po Attorney. Miss na miss ko na si Teresa."

Tumayo na siya at kinuha ang kanyang huling baraha para sa kaso.
Inilabas niya ang laptop at iminuwestra sa mga kaharap. He insert the USB at ipinakita ang laman ng file.

"Judge,this is my last evidence. May record ng CCTV kung saan makikita ang puwersahang pagkuha sa babae at ang audio kung saan nag-usap ang mag-asawa.."

"Hindi namin siya puwersahang kinuha dahil kusa siyang sumama!!!",giit ng ina ng babae na itinatago ang pamumutla ng mukha at nananatiling di matitinag. No wonder kung kanino nagmana ang anak."Menor de edad pa ang anak ko!!".

'Alam ko. Paulit-ulit!!',ngitngit ng isip niya.

Hindi niya na pinansin ang pagsisintemyento nito dahil nasasagad na ang pasensiya niya. Agad niyang pinindot ang play button para umandar iyon.

Kitang-kita na hinihila ang buntis na babae at sapilitan itong pinasakay ng mga lalaki habang si Mr.Lazaro ay wala.
Dinig na dinig doon ang pagsigaw ng babae at pagmamakaawa habang tumatangis.
Napabuntong-hininga ang kanyang katabi,"Hindi ko dapat siya iniwan,isinama ko na lang dapat siya..isinama ko na lang....",punung-puno ng pagsisising bulong ni Mr.Lazaro habang napapikit sa napanood na eksena.

The next he played is the audio-taped record."Mahal,nasaan ka na?? Umuwi ka muna please...nandito sila...kukunin nila -----ay!!!",kasunod na narinig ay malakas ng tunog na tila may sapilitang binuksan pagkatapos ay sumigaw na ang babae bago nawala ang audio.

Hindi na nakaimik sina Mr and Mrs. Gonzales. Nakayuko na ang mga ito.

Nagpatuloy si Enrico,"That traumatic experience can affect her child's development o kaya ay baka magkaroon siya ng bleeding at mauwi sa miscarraige na sana ay di mangyari."

Nanatiling tahimik ang mag-asawa pati na ang abogado ng mga ito.
Napailing ang judge, "Now, Mr and Mrs. Gonzales, where is your daughter now?".

Wala ng nagawa ang mga ito kundi ang sabihin ang kinaroroonan ng anak.
Iniwan agad sila ni Mr.Lazaro para kunin ang asawa nito. Napahilot siya sa sentido habang umiiyak ang ina ng babae.
"Rod,ang anak natin...bata pa siya..",napapahikbing saad ng ginang.
"Love, I told you this is not going to work. Hindi ka kasi nakikinig sa akin. I know she's too young but we have nothing to do with this...mahal nila ang isa't isa...",pagpapaliwanag ng asawa nito habang pinapakalma ito.

Then,the judge adjourned the session and the case is closed by agreeing of parents to let the couple live together freely.

Napangiti siya nang lihim ng may maalala at napailing na lamang.
Well,they deserved to be happy.

Pagkagaling sa trial court ay pumunta na sila sa office niya sa PAO. Ipinakilala niya si Gen sa mga kasamahan.

"Miss Gen, sigurado ka bang kaya mo dito?",pag-aalinlangang tanong ni Mel, the typewriter.

Tumango ang dalaga,"Oo naman."

Napangiti siya na tila proud siya sa sinagot nito. His smile suddenly fade when she glared at him.
Suplada talaga.

Tumikhim siya," We have one more hearing session to attend. Be ready because this is not a simple case."

"Boss attorney, kailan ba hindi tayo naging handa?",patanong na tugon ni Troy, isa rin sa mga nagsusuri ng mga file cases.

Pasimple niyang nilingon ang dalaga ng ilapag naman ni Liz ang mga file na nasa folder sa mesa na nasa harap nito. Nalukot ang mukha ni Gen at tumingin sa kanya.
"We have more than 100 complainants daily. We need to study their complains tapos analyze them."

Napahagod ito ng buhok gamit ang daliri nito na parang model sa isang shampoo commercial.'You look prettier with that long hair',gusto niyang sabihin.

"What?!",apelang tanong ni Gen.

"H-huh??",tila natauhan siya. Did he actually said that thought in his mind?.

"You said earlier about my hair??".

Shit!! Nasabi ko nga??!!'.

"Oh right!! It's beautiful! I mean pretty...ah..beautiful??.",tila lutang niyang sabi.

Nagsalubong ang mga kilay nito at napakunot ang noo.

Ngumiti na lamang siya dito at pasimpleng bumalik sa upuan.
Inabala ang sarili sa harap ng computer at tiningnan ang mga files na isinubmit through online..

~itutuloy....

Enrico:"Beautiful In White"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon