Habang naglalakad papuntang school, napansin ko ang magandang panahon. Hindi gaano mainit, hindi gaano makulimlim. Mahangin today, at yun ang fav ko kaya't naisipan ko munang maglakad instead na magbike kasi nga mag fefeelingera muna ako. Kunwari, medyo malungkot ganern.
Hay, Ano nanaman kayang gagawin sa klase. Sana magandang araw ngayon.
Naisip ko habang nag-aantay na maging 'go' sign na sa tawiran. Nang makadating sa school, yes! Hindi naman ako late. Maaga pala ako. Masyadong maaga.
Wala akong magawa kaya nag ikot ikot ako, ofc. Malawak ang mga building ng school. Sabi nga nila may gwapo sa student council e, syempre upperclassmen na yun pero kung tutuusin wala pa kong nakasalubong ni isang student council dito. Hindi naman kasi ako active at baka kapag may events at umattend ako, maaaring makakita at matignan ko kung sino ang tutugma sa aking standards.
Okay, back to reality. Hindi ko namalayan kung asang part na ako ng school building. Hala ka! Isip isip pa kasi ng kung ano ano. Lesson learned! Huwag magpapakalutang sa hallway. Nakakamatay. Este nakakaligaw.
Pumasok ako sa isang room. Wala namang tao. Hah, di naman nakakatakot. Ang aga aga kaya.
Makasilip nga sa bintana para tignan aling building na ito.Konektado kasi ang bawat building dito kaya maaaring nasa ibang building na 'ko. Sa pagkakatanda ko, ang center ng school ay ang field, so kung hindi ako nagkakamali, dapat ay-
"Aaaaa!!"
Napasigaw ako sa loob loob ko sa gulat. Buong akala ko walang tao o kahit anong nilalang sa loob ng silid!
My goodness there's a possibility na nakita ako nito kanina
Earlier: Padramatic style akong pumasok ng room na walang tao. Dahan dahan akong lumapit sa bintana upang tanawin ang nasa likod ng mga kurtinang ito nang may narinig akong pumalakpak.
"Bravo, bravo, bravo, napakagaling napagaling ng entrance!", pumalakpak ang lalaki habang nakaupo sa isang upuan malapit sa mga bintana.
Nakapolo lang siya. Yung coat nasa upuan nakasabit. Ang kutis mala porselana, ang silky tignan ng kanyang itim na buhok. Ang pagkabrown ng kanyang mata ay lalo kong nakikita dahil sa sinag ng araw. Medyo singkit pero bilugan ang mga mata.
Ganun ako kabilis mangilatis ng itsura kahit nasa state of shock padin ako.
I cleared my throat and sighed
" That was not a show, tigil tigilan mo nang kakapalakpak" nakakahiya at nakakainis!He just laughed
"Sorry that was kinda entertaining", tugon niya. Umirap nalang ako."Anong meron dito? ", nanggaling ang boses mula sa pinto at agad naman namin itong nilingon.
Di ko siya kilala for sure. Hm, mapapansin ang pagka brown ng buhok kapag nasikatan ng araw at ang seryoso niyang expression. Unlike nitong nakaupo, maayos nyang suot ang kanyang uniporme.
Onting kaliwanagan naman sana sa mukha nito.
" Ay nandyan ka na pala haha. Heto, nahuli ko lang na nagdadramatic entrance", tugon ng tsonggong to sabay turo sa 'kin.
For the second time, I cleared my throat "Mailinaw ko lang ang nangyari. Una sa lahat, sisilip lang sana ako sa bintana dahil nawawala ako. Pangalawa, oo nagdramatic entrance ako at wag mo nang ipagkalat ano ba! Malay ko bang may tao dito. Pang huli sa lahat, sorry to be rude pero aling building na nga pala 'to? ", tanong ko.
I badly need to know right away
"Hindi ka naman exactly nawawala. You're just in the right place. Classroom mo 'to, remember?", sagot nung lalaking nakaupo.
What?
Nakita kong pumunta sa dingding, hindi sakin a, yung lalaking ang gloomy ng vibe. Sumandal siya don na parang detective. Anong pakulo 'to?
"Sure kang hindi mo narerecognize?", imik ni kuyang brown hair kuno with that strange vibe na parang may gusto siyang marealize ako. What is he trying to do?
Anong nangyayari? Pinagtritripan ba nila ako? There's no way this is my classroom. Hala baka napagtritripan na ko. Is this a prank? This gotta be a prank.
That guy with the gloomy vibe with brown hair just smirked. Unti-unting lumalapit..
Oh no, I know I'm exaggerating but please don't try to kill me
Hindi ko namalayan kung asan na yung isang lalaki na nakaupo kanina. Nakatutok ako masyado sa papalapit na tao sa harap ko. Halaaa asan yung kuyang nakaupo! Kuyang tumayo na yata siya ngayon. Nagawa ko pang magbiro pero I'm sure he's not on his chair anymore!
Nagpatuloy siyang lumapit. Kinailangan kong umatras kung sakali mang saksakin ako. May naramdaman ako sa likod ko. Aahhhh! May tao sa likod ko! Ayan na nga sinasabi ko e! Kuyang nakatayo na siya ngayon!!
He grabbed my arms making me unable to move and escape habang papalapit na si kuyang gloomy! Yung tipong scene na bubugbugin kana. Wala na kong takas. Nakikita ko na katapusan ko. Napapikit ako sa takot. Thoughts filled up my mind.
I think I'm about to die lolz.
*bell rings*
Napamulat ako bigla. Hindi ako nanaginip, but this bell means magsastart na ang klase. Lumuwag ang kapit sakin ni kuyang nasa likod ko kaya it's my time to run.
I don't know where I am but I just run. I need to run! Until finally familiar na ako sa nadadaanan ko. It means malapit na ako sa classroom. Kailangan ko nang bilisan!
Tumakbo at tumakbo at hiningal at tumakbo hanggang sa nakita ko na ang room namin.
I immediately opened the door but gosh I almost slammed it and yeah I just startled the whole class.Embarassing.
Nagsitahimikan sila sa loob ng room. Then I analyzed them. Hmmm, may nakatayo sa may bintana, may mga nakaupong nagdadaldalan, at may natutulog.
This only means....
WALA NGA PALA KAMING FIRST SUBJECT CLASSS!!!!
"Naku naku naku naman" , narinig ko lang may nagsabi. Nilingon ko kung sino 'yon at well, bwiset kong kaibigan, charot.
" AHAHAHA! AKALA MO NANAMAN SIGURO MAY KLASE AT LATE KA NOH?" , singit nang tawang tawang bata.
"Ayy sorry, hindi ko sinasadyang mapalakas pagbukas ko pero di ko pinagsisihang gawin yun nang makita ko mga nakakatawa niyong reaction. Para nga kayong mga timang, gulat na gulat. Pumipitik mga katawan niyo HAHAHAHA" asar ko.
Natawa nalang ako at umupo na sa minamahal kong upuan.
Their reactions were really priceless. BUT WAIT...
WHAT DID JUST HAPPENED TO ME EARLIERRR?!!
WHAT WAS THAT FOR?!!!!
This is driving me nuts! Nakakahiya lahat ng pangyayaring 'yon. Ugh, I just wanna forget what happened.
Out of frustation and embarrassment I just rest my head on my desk.
❝C L O A K S & D A G G E R S ❞
B Y S A J I D E S U G A
YOU ARE READING
Cloaks and Daggers
RandomA fictional story that will tell us about sacrifices, friendship, selflessness, the bitterness of love and slice of life. Join me as I tell you about the story of a girl together with her partners in crime, they will do anything to solve for the tru...