❝ chapter IX。❞

164 80 13
                                    

Previously on Chapter 9:

"hija tell your class about your performance for next week, I hope you didn't forgot about that 'coz I'm looking forward to that"

"Sige po ma'am"

' I hope you didn't forgot about that '

' next week - next week - next week'

' I hope you didn't forgot abt that '

' I'm looking forward to that '

those words echoed in their minds

They definitely. Forgot that.

Crap!

---

c h a p t e r ~ n i n e

The girls approached their classroom at madaling inannounce naman ni Anastacia ang pinapasabi ng kanilang English teacher.

The event will be held to appreciate English itself

Ayon sa napag-usapan at napagplanuhan nila before na nakalimutan lang, it's a play.

Wala na silang oras para magpalit pa ng gagawin. Their class will be performing Romeo & Juliet, commonly performed by students.

Pero...

Dahil nga common na ito at mahilig naman tayo sa mga papulupulupot o tinatawag nating twist, syempre iibahin nila ang plot kaunti.

Muling nagpatuloy ang klase.

Sa sumunod na dalawang araw, agaran na nilang sinimulan ang ensayo. Ang masisipag na mga kaklase ay nagawa na ang script, naiprint at idinistribute sa mga cast nito.

Ang mga propsmen naman ay naunang gumawa ng mga props nang isang araw.

Paspas sa pag eensayo, pagmememorize at paggawa ng props ang bawat isa habang palapit ng palapit ang araw ng pagtatanghal.

Lumipas ang mga araw at dalawang araw nalang ang natitira.

Halos tapos na ang props, costumes at iba pa. Ang mga estudyanteng gaganap ay kinakabahan na.

Handa na nga ba sila ng tunay?

Sa saglit na paghahanda, anong klaseng performance ang masasaksihan?

Mukha naman silang handa ngunit,

Sa gabing iyon, ang isa sa mga gaganap sa play ay masama ang nararamdaman at hindi nakapasok kinabukasan. Isang araw bago ang pagtatanghal.

Hindi maaaring masayang ang pag eensayo, pagod at effort ng bawat isa. Wala silang ibang ginawa kundi ipinagdasal ang pag galing ng kalagayan ng kaklase.

Ika-anim ng umaga, Araw ng Pagtatanghal...

VIVIENNE'S POV

Kinakabahan ako.

Pano na?

Kabisado ko naman ang script pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?

Bakitttt?!

Hingang malalim, hingang malamin wag kang oa. Hingang malalim. Maaga pa naman kaya wag kang kabahan.

Cloaks and DaggersWhere stories live. Discover now