❝ chapter VIII。❞

154 94 7
                                        

Previously on Chapter 7:

Right after the Student Council Officers left the room, agad agad nagpunta sa harapan ang class president at pinangunahan ang meeting as what a good president should be.

Napagkasunduan nila ang plano matapos magkagulo at magkasigawan.

Matapos iyon ay nagpatuloy sila at ang usapan ng class officers ay they'd make the proposal pagkauwi nila.

They had the characters and roles assigned na. Saka na daw linisin ang plano sa sunod na araw. Basta ang unang tapusin ang proposal just incase mareject.

- - -

c h a p t e r ~ e i g h t

Natapos na din ang kanilang morning class. Nag-ingay ang bell at pumatak na nga ang tanghali. Lunch break na ng mga estudyante at pati mga guro.

Isa-isang nagsilabasan ang mga estudyante, ang iba naman ay naiwan sa room at naglabas ng kani-kanilang mga baon para sa araw na iyon.

Dahil may usapang pagkikita sa lunch time sila Anastasia, Alannah, Mallori at Vivienne kay Andre, tumungo na sila sa meeting place. As planned, the rooftop.

---

ANASTACIA'S POV

Hay buhayyy~

Buntong hinga ko't pinahinga ang aking slapsoil na mukha sa aking minamahal na desk.

"Argh~ nakakapagod makipagsigawan sa klase. Yung vocal cords ko baka madamage. Pano na ang aking beautiful voice kung sakali char" mahina kong pagdadaldal sa desk.

May usapan pa nga palang meeting sa rooftop. Wala pa naman 'yun doon. Maya maya na muna umalis panigurado nagmeeting din sila.

Humarap na 'ko sa kaliwa. Naalala ko bat ko idinikit pisngi ko sa desk, marumi nga pala ang desk! Argh..

"Ano na namang nginunguso mo?", tanong ng lalaking nakatayo sa 'king gilid. Hindi ko siya nilingon at nagsalita.

"Wala", iritado kong tugon. Lumipat sya sa 'king harapan. Niyuko ko ulit ang aking mukha at muling hinarap ang desk dahil gusto ko nang manahimik siya.

"Meron ka ba ngayon kaya ka ganyan o inaatake ka na naman ng sumpong mo? Lol", tanong na naman nya.

I kept silent.

Kinalma ko ang aking sarili nang makasagot na ako ng maayos at sa gayon ay lubayan na 'ko nito.

Nang makalma ko na ang sarili at huminahon, inangat ko na ang aking ulo at saka hinarap sya.

Hindi ko namang inasahang sasalubong ang kaniyang mukha sa akin. I blinked two times at him sa gulat.

Masyadong siyang malapit.

Umupo na pala sya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko at di ko iyon namalayan! Hays

Wala akong ideya kung anong expression ko sa oras na iyon. Basta alam kong nagulat din siya doon.

Cloaks and DaggersWhere stories live. Discover now