❝ chapter I。❞

349 191 38
                                    

c h a p t e r ~ o n e

.
Nagising nalang ako mula sa sariling pagkakatulog dahil sa ingay na naririnig. Iminulat ko ang aking mga mata, nakikita ko at nararamdaman kong tulo laway pala ako. Inayos ko ang sarili. Pagkatapos ay naglibot ang aking paningin sa loob ng klase. Mukhang wala paring teacher ah, mahanap nga ang mga kaibigan ko.

Nakita ko ang ingay na nanggagaling sa isang sulok ng room. May kung anong nangyayari dito ah, nakapalibot sila na pawang nagriritwal. May mga card pa silang hawak.

Ah, alam ko na kung anong ginagawa nila. Hindi naman sila nangkukulam o nagsasagawa ng kung anong ritwal o kaya naman nagsusugal. Kung nag uuno ang nasa isip mo, oo tama nga. Nag uuno lang naman sila. Siyempre, makikisali ako.

"Uy sali!" , sabi ko.

"Mamaya na", sabi nila ng sabay sabay.

Okay,gusto niyo bang manggulo nalang ako?
Magandang ideya, pero mabait ako. Kakagising ko lang kaya wala ako sa mood manggulo. Naglibot na lamang ako para maghanap ng libangan. Nakita ko etong sila Xeus na nagdadrawing ng kung sino man yun.

" Sino yang dinodrawing niyo? Pwede makidrawing?" , parang bata amp.

"Ah, eh, si Nezuko akin." , sagot ni Louise.

"Ah kilala ko na yang sayo Xeus. Si Eugeo yan e", sabi ko kay Xeus.

At pagkatapos nun, nakidrawing na ko. Una, pinag isipan ko pa sino idadrawing ko. Naisipan ko na si Olivia nalang ng Asobi Asobase haha. Nakakatawa yung anime na yun.

Nang matapos na kaming makapagdrawing, syempre papasikat kami sa isa't isa hahaha, not to mention si Xeus lang talaga ang gusto magpasikat sa amin ng drawing e.

Ang ganda naman ng pagkakakulay kay Nezuko ng demon slayer. Si Eugeo naman sa Sword Art Online Alicization, syempre maganda pagkakadrawing sa espada niya. And of course, si Olivia, hahaha mukhang olivia nga. Oo na, maganda din drawing ko sige na.

Lumipas na pala ang maraming minuto at nakalimutan ko ung laro nilang uno. Pagkalingon ko sa likuran, sa may sulok, dalawa nalang naglalaban. Ano ba yan ang tagal nilang naglaro ha. Hindi parin tapos ang laban sa oras na 'to? Well, lucky me noodles, makakasali na ko sa next game. Buti nalang hindi ako nalagpasan, good thing, mabuti nalang.

Kung alam lang nila, if they know, mga 45 mins ang pagdodrawing na ginawa namin ah. So yung laro nilang yun apaka haba nun. Siguro sadyang madami o pinatagal talaga nila. Hay naku. Natapos din sila at nakasali na ko.

Mukhang pangatlo ako sa pagikot ng titira. 10 na kaming naglalaro, thanks sa mga teachers na absent, marami pa kaming time. Third grading na e kaya ganyang yang mga yan. Onti nlng lesssons kaya ays lang umabsent. Well, dahil Third quarter na, baka may culminating activity pa.

Naisip ko, mabuti bang mauno agad ako? O sa kalagitnaan na mag uno? Pag nauno agad kasi ako, maboboring na kasi madami pang naglalaro. Edi sa gitna na ako mag uuno. Ilalapag natin itong mga +4 cards sa huli na. Nang makabwelo. Kung sakaling malapagan ako ng +4 edi ilag tayo at lapagan natin ng +4 din nang maipasa sa katabi o sumunod na player.

5 nalang kami at naging 4 na lang na players. Sabi ko kalagitnaan aalis na ko at mag uuno. Mukhang hindi yata natupad. Check status, pangalawa ako sa may pinaka onting cards na hawak ranging 3 cards only - 1 green reverse,1 red na number 3 at 1 red na number 9. Dalawa ang card ng pinakakaunting card na hawak. Edi dos. Ang pinaka marami ay sampu. Malas niya, pero malay mo puros special cards. Patay tayo niyan.

Ako unang nakaalis sa aming apat. Okay, goodbye pilipens. Tapos na ko. Bahala na kayong maglaban jan. Ayun na nga at nagpatuloy silang maglaban, silang tatlo.

Cloaks and DaggersWhere stories live. Discover now