Nanonood sila ng Ouija. Kanina pa sya tago ng tago sa likod ng malaking bucket ng popcorn na hawak nya.
“Ang bilis mong kumain ah,” puna ni Thirj sa popcorn ni Saab.
“Thirj ayo ko na. Di na ako nito makakatulog mamaya,” reklamo ni Saab habang patuloy na kumakain.
“Shhh,” sita ni Thirj.
“Thirj ang panget ng sound effects,” dagdag pa nyang reklamo. Biglang napa sigaw ang mga tao sa loob ng sinehan. Napasigaw din si Saab sabay takip sa mata, “anong nangyari?”
Natawa si Thirj, “may lumabas na –,”
“No! Wag mong ikwento. Okay na ako,”
Tamang-tama lang na binaba ni Saab ang pagkakatakip ng kamay sa mata ay may nagsigawan uli. Pati sya ay napatalon din sa pagkabigla.
“Thirj please,”
“Malapit ng matapos,”
Dali-daling binuhos ni Saab ang laman ng popcorn bucket sa bucket ni Thirj at ginawang sombrero ang walang laman na bucket nito sa kanyang ulo. Natatakpan nito pati ang kanyang buong mukaha.
Napatingin sa kanya si Thirj, “childish as always,” kumento niya dito. Hinawakan niya ang kamay ni Saab na nakapatong sa arm rest.
Sa wakas ay natapos na rin ang movie pagkatapos ng halos dalawang oras na walang tigil sa pagkaabog ng puso ni Saab.
“Bumawi ka! Manood tayo ng Dracula Untold.” Inis na sabi ni Saab kay Thirj.
“Okay. 3:40 pa yun kaya mag window shopping muna tayo,” sagot ni Thirj habang bumibili ng panibagong tickets.
Naglakad-lakad sila sa loob ng mall. Minsan tumitigil sila sa mga shops ng damit at sapatos hanggang sa napadpad sila sa loob ng department store. Nasa harap na sila ngayon ng stall ng RayBan.
“Miss dalawa nito,” sabi ni Thirj sa sales lady. Tinuro niya ang brown na wayfarers.
“Akala ko ba window shopping lang to?” tanong ni Saab.
“Couple sunnies,” sagot ni Thirj.
“So gay,” dagdag ni Saab while rolling her eyes on him.
“Are you fishing for a kiss?” he smiled biting his lower lip.
“Hell no!”
He smirked.
“You don’t kiss on first dates,”
Napatingin si Thirj kay Saab, “first date,” ulit nya.
“I mean,” nataranta si Saab. Sya lang ba ang nag-iisip ng ganito. Tama bang i-label na first date nila to? “kasi ano,” di na nya alam kung ano ang sasabihin. Hiyang-hiya sya sa binitawang mga salita. Bakit ba naman kasi naging sentimental sya bigla. Ang tanda na nya para magbilang ng mga firsts.
Hindi sya kinibo ni Thirj. Pa ngiti-ngiti lang itong naglalakad ng counter upang bayaran ang ‘couple sunnies’ daw nila. Sumusunod na lumalakad si Saab. Parang nang iinis pa yata ang pagtakaw tingin nya habang may nanunuksong mga ngiti.
“Pwede ba tigilan mo yan?” agad na sita ni Saab.
“Can’t help it,” sagot ni Thirj. Kinuha nya ang biniling wayfarers at binigay kay Saab ang isa. Hinawakan nya ang mga kamay ni Saab at iginiya palabas ng mall. Nasa labas sila malapit sa tabing dagat. Merong seawall malapit sa mall. Maraming puno na nakahilera sa kahabaan nito kaya puno ng mga taong nagliliwaliw, naglalakad, minsan nakaupo lang at nag-uusap. Meroon din nagpa-practice ng sayaw at nagbibisekleta o kaya naman skateboards. Naupo sila sa malapit sa dagat. Masarap ang simoy ng hangin doon.
BINABASA MO ANG
A Little Push And I'd Fall
General FictionHe's 30. I'm 27. We're both consenting adults who could do whatever we want in our lives. Everybody has settled down, got married, on a honeymoon, had a baby, happy family. So what? Hahabol kami sa huling byahe. Makikiuso din kami. Pero pagkatapos n...