Weekend and Thirj left for the convention. Days passed. She’s fine living with her child. Kaya nya naman pala maging ina.
Six days after Thirj left, masugid nya pa ring binabantayan ang anak nya.
It’s Friday afternoon. Nasa park silang mag-ina. She’s reading a cookbook habang si Reese naman ay abala sa pagkukulay ng coloring book nito.
“Reese, tingnan mo ‘tong cheesecake,” sabay pakita ng larawan sa anak. “Looks yummy! I want to eat one,” saka ito sumimangot.
“I want that!” maliksing sagot ng bata. “Mommy, will Dad be home tomorrow?” dagdag nito sa malungkot na tinig.
“Yeah. Kaya kain na lang muna tayo ng cheesecake,” natatakam na ito. She’s a sweet-tooth. “Let’s go!”
Pagpasok nila ng coffee shop, pumili na agad sya ng cake. Si Reese naman ay tinuro ang strawberry shortcake. Parang makaedad lang sila kung makapagbitbit ng inorder na pagkain.
Nakatingin sya sa malayo habang walang tigil na dumadaldal si Reese. Patuloy pa rin niyang kinukunan ito ng litrato. Maya-maya lang ay nakatigil ang tingin nito sa isang café. Maraming silya sa labas para sa mga gustong kumain habang malayang tumitingin sa tanawin sa labas. Naisip nyang doon sila magmemeryenda pag-uwi ni Thirj. Napatunganga siya. Dali-daling binuhat ni Saab si Reese.
“Mom, where are we going?” she asked.
“Uwi muna tayo, baby. Mom is not feeling well,”
“Okay,” maunawaing saagot nito sa ina.
Pagdating nila ng bahay. Iniwan niya kay Yaya Marginita ang anak saka tumuloy sa kwarto. Ang sama ng pakiramdam niya. Di sya mapakali. Hanggang sa nakatulog sya sa couch.
Walang tigil ang tunog ng kanyang phone. She picked it up, “Hello,”
“See me on Café de Ross,” walang imik syang nagpalit ng damit. Ito na ang pinakakinatatakutan niya. Kailangan niyang harapin ito ng wala si Thirj.
She went to Café de Ross, nag-ayos lang siya ng konti. Mas pinili niyang suotin ang kulay peach nitong dress na napapalamutian ng pink petals prints, tube-top with thin straps saka sinuotan niya ito ng manipis na cream na cardigan at flats. She met there an old couple. Mala Kastila ang hitsura. Masyadong nakakatakot para sa kanya ang expresyon ng kailang mukha kahit magaganda ang bawat ditalye ng kanilang mukha. Kinawayan itong maupo kasama ng mag-asawa. Naupo siya at magalang ng bumati.
“Pinaglalaruan nyo lang ba ang kasagraduhan ng kasal, hija?” tanong ng matandang babae.
“Po?” nabilang wika nito.
“Alam ba ng mga magulang mo ito?” tanong uli ng matandang babae. “Wag mong bibigyan ng kahihiyan ang pamilya ko,”
Sumasakit pa lalo ang ulo ni Saab sa mga nangyayari.
“Layuan mo ang anak ko. Annul the marriage and take the kid with you. I want you out of my son’s life,” wika ng matandang babae.
BINABASA MO ANG
A Little Push And I'd Fall
Ficção GeralHe's 30. I'm 27. We're both consenting adults who could do whatever we want in our lives. Everybody has settled down, got married, on a honeymoon, had a baby, happy family. So what? Hahabol kami sa huling byahe. Makikiuso din kami. Pero pagkatapos n...