Push 27

190 2 0
                                    

Nagising si Saab sa ingay na nanggagaling sa closet pero hindi nya iyon pinanasin dahil antok pa s’ya. Kakapagod ng mga pinanggagawa niya kagabi. Patuloy pa rin ang ingay na naririnig nya hanggang sa may humila sa kanyang kumot.

Napamulat sya, “hey!” sigaw niya. Pagkatingin n'ya sa paanan ng kanyang higaan ay nakatayo doon ang isang matangkad na pigura. Naka yellow polo shirt ito at hawak ang kumot niya. Ang taong ilang araw na rin nyang iniiwasan. Napalipat ang tingin niya sa gilid ng nakatayo. Nakangiting bibit ang kanyang mga damit.

“Mommy! We’re going to Baguio!” anunsyo ng anak.

“I want to sleep,” sagot ni Saab.

“Bangon,” utos ni Thirj.

“No. Madilim pa kaya,”

“Mommyyyyy!” tawag ni Reese sa kanya habang inilalagay ng anak ang mga damit nya sa maleta.

Tiningnan nya si Thirj, “bakit anak ko ang nag-iimpake?”

“Na dapat ikaw ang nag-iimpake,”

“Ayo kong sumama,”

“Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo,”

“Ayo kong sumama sa ayaw at sa gusto mo,”

“Fine,” tanging na isagot ni Thirj at patuloy sa pag-iimpake.

Bumalik na lang sa pagkakatulog si Saab. Ayaw niyang makita si Thirj. Kung anu-ano ang pumapasok sa kanayang isipan sa tuwing nakikita nya ito. Kahit ang mismong presensya nito ay nawawalan sya ng huwisyo. Nararamdaman nyang may mali sa kanya. Di naman sya ganito dati. Walang epekto si Thirj sa kanya noon pero bakit ngayon? Kahit katiting lang na alaala ang sumagid sa utak nya ay gumugulo agad ang takbo ng utak nya. Nagtataka din sya dahil kahit mga pakikitungo nito sa kanaya ay napupuna nya ang pagkakaiba sa dating Thirj na nakilala nya. Naging malisyosa na nga ba sya? O masyado lang syang mapagpalagay na may mga oras na iba ang turing sa kanya ng asawa. Hindi na ito tama. Kelangan na nyang dumistansya. Siguro marahil masyado na silang nagiging malapit kaya di na niya klarong nakikita kung ano sila para sa isa’t-isa. Matagal ng may nakaguhit na haka-hakang linya sa pagitan nilang dalawa at ito’y sinelyohan ng kanilang kasal pero bakit parang ang linyang ito pa ang umiengganyo sa kanya para tawirin ang hangganang nakapagitan sa kanila.

Naaalala naman niya ang nagyari sa kanila nang nagraang gabi. He’s too insane to tease her. He left her hangin din naman pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon on the same night. Mixed signals. Yun ‘yon. Hindi nya nauunawaan. Nahihirapan syang unawain. Palaging palaisapan sa kanya ang mga bagay-bagay sa pagintan nila ni Thirj. Gulo talaga ang pinasok nya at ngayon ang tangin kailangan nya ay ang umiwas. Baka doon nya makikita ang kasagutan sa magulong isip nya.

“We’re here!” sigaw ni Reese.

Naalimpungatan si Saab. Nagtaka sya sa kanyang paligid. Nasa loob sya ng sasakyan.

“Mommy we’re here!” paulit-ulit nyang kinakanata-kanta.

Tumingin sya sa labas. Pine trees. Napabalikwas sya sa kinauupuan. Seat belt. Naka seat belt sya. Bumukas ang pintuan sa likod at nakita niya si Thirj na kinuha ang anak nila sa back seat at ibinaba. Pinatayo nya ito sa gilid ng sasakyan habang isa-sang binababa ang mga maleta. Nasa harap sila ngayon ng isang hotel. Familiar.

“Ma-nor,” sabi pa ni Reese habang tinituro ang naka emboss na pangalan sa labas ng building. “Daddy! Did I read it right?”

“Yes, kiddo. You got it right,” sagot ni Thirj habang hila-hila ang dalawang maleta habang si Reese naman ay nakahawak sa laylayan ng kanyang damit papasok ng hotel.

A Little Push And I'd FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon