Alam mo yung feeling na umiihip ang malamig na simoy ng hangin sa paligid mo pero may init na bumabalot sa iyo? Yung pakiramdam na mapayapa at ligtas ka kung nasaan ka man sa kasalukuyan. Hindi mo man nakikita pero nararamdaman mo. Di mo masabi kung bakit, di mo masabi kung paano naging ganoon ka kasigurado basta alam mo lang dahil naramramdaman mo. Kasabay ng pagmulat ng mga mata si Saab doon nya nakita kung gaano ka gulo ang buhay na kanyang pinasok. Ang buhay kasama si Thirj. Si Thirj na sa kasalukuyang yakap-yakap sya at natutulog ng mapayapa. Tiningnan nya ang paligid, nasa loob sila ng kanilang kwarto. She’s home. Muli nyang tiningnan ang natutulog na si Thirj. Dati ay may nakatangkas na mga unan sa pagitan nilang dalawa sa tuwing natutulog pero sa nakikita nya sa ngayon ay malaki ang pagkakaiba. Ang buhay na nakagisnan nila ay nawala. Baka makasanayan niya ang ganito. Ang paggising sa umaga sa loob ng kanilang kwarto, yakap ni Thirj. Di nya maalis ang tingin sa natutulog na asawa. Napangiwi na lamang sya kasi nakikita nyang mali. Maling-mali. Walang patutunguhan ang ganito. Muli nyang pinikit ang kanyang mga mata. Parang bula na nawala ang pangamba at pag-aalinlangan nya. Naging tama ang bawat mali na maisip nya. Natabunan ng kung anu mang pakiramdam ang kanyang alalahanin kung ano man ang mayroon sila ni Thirj. She can see how wrong it could be but she feels otherwise.
Minulat nya ang kanyang mga mata. Nakikita nya ang kanyang sarili sa pares ng mga matang kanyang na silayan. Ang mga matang linulunod sya sa kawalan sa tuwing kanyang tinititigan. Ang mga matang nangungusap sa bawat titig na sinusuyod ang bawat detalye ng kanyang mukha. Titig na titig sya dito. Naningkit ang mga matang kanyang magiliw na pinagmamasdan. He smiled.
“Mornin,” bati sa kanya.
Siniksik nya ang kanyang sarili dito ng nakapamaluktot. Gusto nya muling maramdaman ang init ng kanyang balat mula sa pagkakayakap nito. Susulitin nya kung ano man ang nasa kasalukuyan. Binigyan sya nito ng kasaguta ng mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya at hinagkan ang kanyang ulo.
“Smells good,” puna nito.
“Just hug me tight,” hiling nya.
Marahan itong tumawa at patuloy syang niyakap.
‘Wish everyday could be like this,’ bulong niya sa sarili.
“We could be like this every single day,”
Natigilan sya sa kanyang narinig. Nagtakip sya ng kanyang mukha, “did I say it out loud?”
He chuckled. She got distracted. Ang mga mumunting tawa nito ang dahilan ng bawat pagkakagulo ng kanyang kalooban. Pati na rin ang mga titig sa kanya kumukompleto sa mga araw nya. Ang mga matang gustung-gusto nyang titigan at pag-aralan. Higit sa lahat, ang pinakapaburitong titig nito, ang magiliw niyang mga mata sa na parang nagpapahayag na pag-aari sya nito. His claiming stare declaring war to whoever dares to come close. That makes her ecstatic!
“Saab,” tawag sa kanya.
Nararamdaman nya ang magagaang haplos ng kamay nito sa kanyang pisngi. Napatingin sya dito at kanyang hinarap. Nakikita nya nag pagbaybay ng mga tingin nito sa kanyang mukha pababa sa kanyang mga labi. Napasunod din sa pagbaba ng tingin ang kanyang mga mata. His lips. Mapupula at malambot tingnan. She’s right, those were definetly soft. Last night was the experience that proved how feathery it could touch her skin sending her shivers. Naramdaman nya ang unti-unting paglapit ng kanilang mukha. Dali-dali niyang tinakpan ang kanyang bibig.
He looked at her wondering, “what are you doing?” he asked.
“Can I brush my teeth first?” paalam niya habang tinatakpan pa rn ang kanyang bibig.
His expression shifted. “Cute,” sabi pa nito. “we could have spent those five wasted years doing this,”
“Pwede na ba akong mag toothbrush?” nahihiya pang tanong niya. “Coz I want to kiss you,”
BINABASA MO ANG
A Little Push And I'd Fall
Genel KurguHe's 30. I'm 27. We're both consenting adults who could do whatever we want in our lives. Everybody has settled down, got married, on a honeymoon, had a baby, happy family. So what? Hahabol kami sa huling byahe. Makikiuso din kami. Pero pagkatapos n...