PROLOGUE

12 1 0
                                    

Pangarap... o minamahal? Alin ba dapat ang piliin?

WELNIK'S POV:

Ako si Welnik Ornea. Stage name ko ay Nikko. Oo, stage name. Isa na akong lalaking iniidolo ng marami ngayon. "Nikko" means "sunlight" in Japanese (Nihongo)

Nabibilang ako sa isang grupong tinatawag na "Quartz"! Mayroon kaming 5 myembro.

Pangatlo ako sa pinakamatanda. Ako ang nagcocompose ng mga kanta namin, at masaya ako dahil marami akong napasaya dahil dito.

Si Mark naman ang choreographer namin. Mas matanda siya sakin ng 8 months, pangalawa sa pinakamatanda. Siya din ang pinakamagaling sumayaw sa amin, base sa opinyon ko.

'Shane'. Pangalan ng leader namin. Hardworking 'tsaka sa tingin ko siya yung pinakamabait at kalmado. At siya rin ang pinakamatanda.

Ang pinakabata sa amin ay si Drake. Siya yung may pinakamatinding swag sa grupo. Minsan, tinutulungan niya rin ako magcompose.

Kevy. Siya yung bestfriend ko since bata pa kami. Mas bata siya sakin ng 2 months. Siya yung visual ng grupo. At siya rin ang gumagawa ng house chores. Kawawa nga siya minsan eh.^^V

Matagal ko nang pangarap maging idol. At ang saya ko lalo na't sila ang naging kasama ko sa grupo.

"Nikko! Laro daw tayo ng Spin The Bottle." sigaw sakin ni Shane na hindi naman kalayuan sa inuupuan ko. Kailangan ba talagang sumigaw? Ang sakit sa ears.
"Sige, game!" sabi ko sakanya.

Nilapitan na namin ang ibang members kung saan nakapalibot na sila sa bote.

"Paikutin niyo na yan!" sabi ni Kevy.
"Sino namang mag-iikot?" tanong ko sa lahat.
"Ako, ako!" malakas na sambit ni Drake na punong-puno ng enerhiya.
"Sige, ikaw! Chickboy ka rin naman eh. Marami kanang NAPAIKOT na babae." ani Shane.

Sinamaan lang ni Drake ng tingin si Shane. Pinaikot na niya ang bote at saktong ako ang tinuro. Haysss..

"NIKKO!" sumigaw sila lahat. Di naman ako bulag, nakita ko rin na ako ung tinuro no. (-_-)

"Truth or Dare?" tanong sakin ni Mark. Bakas sa mukha niya ang pagka-excited.

Ano pipiliin ko? Baka anong ipaggawa sakin ng mga mokong nato pag nag-dare ako.

"Truth nalang." sabi ko.

"Ano ang story niyo ng naging first love mo?" direktong tanong ni Mark.

Nagulat ako sa tanong niya at napalingon kay Kevy na bestfriend ko. Halatang nagulat din siya.

'*sigh.* Can't help it. I should tell them.'

"Okay.. ang first love ko..."

The Idol's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon