CHAPTER 8: Cheetah

10 2 0
                                    

Bumalik silang lahat sa zoo at nag roam around ulit. And in no time, napadpad sila kung saan naroroon ang mga Korree- este cheetah.

"Wow, ang cute." sambit ni Andrea na napakalawak ng ngiti at may kumikislap na mga mata. Parang batang binilhan ng ice cream. Kinuha niya agad ang camera na nakasabit sa leeg niya at nagsimula nang kumuha ng letrato.

"Tss." napatawa nalang si Kevy dahil dito at nagpatuloy sa panonood ng mga cheetah habang nakapamulsa.

Si Korree naman, tahimik lang. Natatakot baka pag umimik siya, makukuha niya ang atensyon ng mga kasama niya at sasabihan siyang cheetah. At bigla namang may tumapik sa likod niya. Argh, eto na nga.

Paglingon niya, nakita niya ang walang iba kundi si dakilang Welnik na nakangiti, mischievously. "Must be nice seeing your relatives."  Itinaas pa niya ang isa niyang kilay. Pumwesto siya sa tabi ni Korree.

Korree rolls her eyes, as she says "Shut up." Napalingon naman siya sa kaliwa. Isang store na may mga nakasabit na mga remembrances sa zoo.

"Hoy Korree, nakikinig ka ba? Sorry na nga eh." alalang paghihingi ng patawad ni Welnik dahil sa pambubully niya kanina. Ganun lang talaga siya, nagsosorry pagkatapos niyang awayin ang isang tao.

Napansin naman ni Korree ang pag-aalala ni Welnik at napagdesisyunang paglaruan niya ito, saglit lang naman eh.

Napangiti si Korree ngunit pinalitan niya ito agad ng galit. Di niya tiningnan ang lalaking nasa tabi niya at nanood lang sa mga cheetah na nasa harapan.

"Korree..." niyugyog ni Welnik ang balikat ni Korree, pero di pa rin niya ito pinapansin.

"Fine," Welnik snaps. "Kung di mo ko papansinin, edi wag!" Agad itong tumalikod at pumunta sa direksyon nina Kevy, Andrea, at Sheilah. Habang naglalakad, napasmirk si Welnik. Ano kayang magiging reaksiyon ni Korree? Tinetestingan lang.

Syempre, nagulat si Korree sa inasal ni Welnik. Who would expect that the situation would turn upside-down? Na imbes na si Welnik ang magsorry, nabaling kay Korree. She was in desbelief, "Ha! Kung magiging ganun siya, bahala siya." Ganun si Korree na mataas ang pride. Pero...

"May problema ka ba, Korree?" says Sheilah na nasa tabi na niya ngayon instead kay Welnik. Bumalik sa katotohanan si Korree at napatingin kay Sheilah. "Wala naman." sabi niya at ngumiti.

Ngumiti si Korree kay Sheilah. And just like that, Sheilah's heart is beating like crazy. Ang babaeng gusto niya, ay ngumiti sa kanya, ah heaven! Napa-blush ang blondie at ngumiti pabalik kay Korree.

---

Lumarga na ang bus, pauwi na sila sa school magkatabi sina Welnik, Andrea, at Kevy dahil magkaklase sila, sa likuran banda. Si Kevy sa kanan, Welnik sa gitna, at si Andrea sa kaliwa.

"Nakakapagod no?" tanong ni Kevy sa dalawa niyang kaibigan saka nagkibit-balikat at pumwesto para maging komportable.

"You said it." Welnik leans back and hangs his head facing upward. Lumingon naman silang dalawa kay Andrea, para sumagot din.

"Worth it naman kasi marami akong pictures na nakuha." sabi niya at pinakita ang mga kuha niya sa dalawang lalaki. At ngumiti ang dalawa, "Sana all worth it" and went back to their businesses. Unti-unti namang nawawala ang pagkamahiyain ni Andrea as time passes by. And it is a good thing.

Ilang minuto ang nakalipas, at napansin ni Welnik na inaantok na si Andrea at napapikit na talaga, pero mukhang hindi siya komportable. 'Dahil yan sa kapipicture mo.' Napangiti ang binata at pinahiga ito sa balikat niya.

It's comfortable for Andrea now, though she doesn't know that she's sleeping on Welnik's shoulder. If she knew, then she would have panicked by now.

The Idol's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon