CHAPTER 15: Birthday

4 1 0
                                    


"

Happy Birthday To You
Happy Birthday To You
Happy Birthday, Happy Birthday
Happy Birthday To You"

"Andrea, magwish kana!"

Ipinikit ni Andrea ang kanyang mga mata, at tahimik naman ang paligid. Ilang segundo ang nakalipas, ay ibinukas niya ang kanyang mga mata, at inihip ang kandila ng cake na nasa harapan niya, na may napakalawak na ngiti.

Nagsihiyawan naman ang mga tao sa paligid. "Yehh, matanda na si Andrea!" sigaw ni Kevy, na walang hiya kahit na napakaraming mga tao ang nasa area. Natawa na lang ang mga bisita dahil dito, at agad naman siyang pinatahimik ng mga kaibigan niya.

Simple lamang ang handaan pero syempre hindi mawawala ang malakas na music, mga ilaw, mga pagkain, at mga nagtatawanang mga bisita.

Lumapit si Andrea sa table kung saan naroroon ang mga kaibigan niya.

"Happy Birthday, drea!!" mahigpit na niyakap ni Korree si Andrea, pagkatayo niya mula sa upuan niya. "Again, Korree. Hin..di ako maka..hinga." Andrea says as she clutches Korree's shirt. "Oh, and again. I'm sorry." she playfully apologizes.

Kinuha niya ang regalo na nakapatong sa lamesa, "Syempre, gift!" maligayang sambit nito at ibinigay ang regalo.

"Happy Birthday, Andrea." Says the rest of her friends and took out their own gifts too, making Andrea more happier.

"Aww, nag-effort pa talaga kayo." nato-touch niyang sabi sabay hawak sa dibdib niya. "Answeet niyo naman," ngumisi siya at tinanggap ang mga regalo.

"Dre, ilang taon ka na?" tanong ni Sheilah.

"18."

"Eh? Kaedad mo lang sina Dave at Korree? Pero ba't tayo magkaklase?" gulat at litong tanong ni Kevy.

Andrea stiffens. "Uh. I kinda.. Don't wanna talk about it now. Sorry."

"Sige, kain muna kayo dyan. I-eentertain ko lang ang mga bisita, tas balik ako dito." Nagpaalam na si Andrea at iniwan muna saglit ang mga kaibigan niya at ang mga regalo.

"I guess Andrea has her story too." ani Dave.
---

"Hay, sa wakas. No more people to entertain." Andrea stretches her arms.

Alas siyete na ng gabi, at napagdesisyunan na ng magkakaibigan na mag-overnight. Sa kasalukuyan ay nakaupo sa sahig at naka-paligid sa iisang lamesa, habang kumakain ng hotdog na may marshmallow sa dulo ng stick.

Lumapit si Andrea sa mga kaibigan niya, bitbit ang mga regalo na natanggap niya kanina. "It's time to open gifts!" Napangiti na lamang ang mga kaibigan ni Andrea dahil sa kakulitan at pagka-excited nito.

Kumuha siya ng isa, "Okay, eto. Kanino to?" tanong ni Andrea at itinaas ang isang regalong nakabalot na box. Itinaas naman ni Welnik ang kanyang kamay, "Mine." he simply said.

Binuksan ito ni Andrea at bumungad sa kanya ang isang doll na halos kamukha niya, "wahhhh.. ang cuteee!" she looks at it in astonishment with animated shining eyes. "Thank you, Niks!"

Sumunod naman ang kay Kevy, na ang laman ay isang kulay green na dress, naka off-shoulders na ang haba ay hanggang tuhod. Agad naman itong isinukat ni Andrea, kase nagustuhan niya ito.

"Woah..." everyone said in amusement.

"I think you look good in every dress, Andrea." wide-eyed Korree said. At umagree naman ang lahat.

Next up is Sheilah's. Isa itong headband na may bunny-ears. The group of friends glances at Sheilah because of this. "Bakit?" bakas sa boses niya ang pagkainis. They all smile teasingly.

The Idol's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon