Korree wakes up, and she finds herself sitting on a chair, arms and feet tied, and a sticky, black tape covering her mouth.
She squirms.
Nasan ba siya ngayon? Nilipot niya ang paningin niya, at nakakita ng mga nagsisilakihang mga lalaki na para bang nagbabantay sa kanya.
Walang artificial lights, ang ilaw lang na sumisinag ay galing sa araw na tumagos sa mga maliliit na butas ng malaking lugar.
Pilit niyang inalala ang mga huling sandali bago siya nawalan ng malay.
May lagnat siya... at nang tanghali, ay inalagaan siya ni Dave, at tinakpan ang hininga niya.
Speaking of the devil, Dave comes out from a shaded part.
Kalmado itong naglakad papunta kay Korree. Pulang mga mata... na nagpapahiwatig ng sakit, pagdurusa, at kagustuhang maghiganti. "Gising ka na?"
Korree only glares at him for she can't actually talk with the tape on her mouth.
"Right. Di ka nga pala nakakapagsalita." Itinaas niya ang braso niya para tingnan ang kanyang relo, "It's 2:43. Halos tatlong oras kana natulog, Korree." His lips form a straight line, but a blank expression.
Inalis niya ang tingin niya kay Korree, at binaling sa ibang direksyon, "The guys aren't here, yet. Should I give them a call?" Kinuha niya ang kanyang cellphone, at may pinindot sa screen.
Nilagay niya malapit sa tenga niya ang device, "Hello." Bakas sa boses nito ang pagkainip. "Welnik, ang tagal niyo naman. Sige. Another hint. Naiinip na ko dito eh... Nasa isang abandoned na bulwagan." Hindi nakapagsalita ang taong nasa kabilang linya, kasi hinang-up na ni Dave.
Gumalaw galaw naman si Korree sa upuan niya, at parang may pilit na sinasabi kaya't napalingon si Dave dito. "May sasabihin ka, Star Princess?" Nilapitan niya ito at tinanggal ang tape na nasa bibig niya.
"Ano bang nangyari sayo Dave?! Hindi ikaw ang Dave na kilala ko!"
Itinaas ni Dave ang paningin niya na para bang nag-iisip siya, "Wala naman. Ganto na ko dati palang. At hindi mo naman ako kilala eh." Ipinantay niya ang paningin niya kay Korree, "This is the real me, Korree. So if you want to know me, put the Dave in front of you in your memory." Sabi nito at bumalik sa pagtayo.
"But there's no need to do that, actually. Your life's ending, for your information."
Korree's eyes widen with this statement. "Why Dave? Why do you want to kill me?! May kasalanan ba ako sayo?"
With this, parang may sumiklab na apoy sa puso ni Dave. Hindi lang man ba niya naalala ang mga masasama niyang ginawa?
"OO KORREE! BECAUSE OF YOU, AND OUR FUCKING CLASSMATES IN KINDERGARTEN, CALLIE GOT SCARED OF ME!" He growls.
Korree is confused. Kindergarten? Hell. She doesn't even remember that they were classmates- wait, Dave.
Dave is the one who locked her in the closet.
So siya nga yun..
Pero ang pinagtataka niya, bakit galit na galit si Dave sakanya? Diba dapat si Korree ang nagagalit kasi siya yung nagkaphobia dahil dun?
"What the hell are you talking about, Dave? Wala akong ginawa kay Callie."
Korree now remembers. Callie is the adorable girl in class. Nakipag-usap siya kay Callie noon, because she finds her cute. And nothing more.
"Yeah, whatever. You just spread some rumors saying that I kill people in that age, just because of these fucking eyes. And funny, I turned into a killer, killing people mercilessly." He lets out a dry laugh.
Naalala nga ni Korree na may narinig siyang mga usap-usapan galing sa mga kaklase niya. Pero hindi naman siya ang nagkalat nun.
"Oh right. Thank you for the scar." Sabi ni Dave at tinanggal ang kanyang scarf. On his neck, a scar is planted.
Korree furrows her eyebrows, "That wasn't there when you revealed that one time."
"Oh, yeah? Hindi mo ba alam na may makeup na ngayon? Cosmetics?" Dave pauses for a bit. "Oo nga pala. Matagal ko na tong iniisip. That time, nung nilock kita... bakit hindi ka nagsumbong?"
Korree purses her lips. "Alam kong di mo paniniwalaan ang rason ko. But Dave, it's because," tiningnan niya si Dave sa mata. "I thought you were still a good guy, and that you could change."
Dave is a bit taken aback.
At bigla naman silang may narinig na malakas na 'BANG' at lumiwanag ang nasa pintuan. Napalingon silang lahat dito.
Nakita nila si Welnik, Kevy, Sheilah, Andrea, at isang babae na may pulang buhok- si Callie.
Napalaki ang mga mata ni Dave, at tumibok ng malakas ang puso niya, na para bang nabuhay ulit siya. Wala siyang masabi, at bigla nalang may tumulong luha galing sa mga mata niya. "Callie." He whispers.
Si Callie lamang ang nakikita niya ngayon, hingal na hingal. Lumaki na siya, at hindi na yung maliit na Callie sa kinder. But she is still as beautiful as before- no, she's actually gotten prettier.
"Korree!" Sigaw ni Welnik, at nilapitan naman sila ng mga lalaki, mga kasapi sa gang ng Addart. Bubugbugin na sana sila, nang biglang sumigaw si Dave.
"NO! Don't hurt them." Utos nito at napalingon si Mord at ang iba pa sa kanya.
Nilapitan niyang dahan dahan si Callie. Na parang silang dalawa lang sa mundo, nakatingin sa isa't isa na puno ng pagnanais at pagmamahal.
"Callie." Sabi ulit ni Dave at niyakap ang dalaga. Bahagya naring napaluha si Callie, at niyakap siya pabalik, "I missed you, Dave."
Tumingin lang silang lahat sa dalawa, mga puso ay natutunaw. Tunay na pagmamahal ang nakikita nila ngayon, kahit hindi na nakita ng dalawa ang isa't isa, yun parin ang laman ng mga puso nila.
Tinanggal na ni Welnik ang mga nakatali kay Korree.
Kumalas sa pagkayakap si Dave at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Callie, bakas sa mukha ang kaba "H-hindi ka ba natatakot sakin, Callie?"
"Ba't naman ako matatakot sayo? Dave, pasensya na't lumayo ako ng walang paalam ha. Dad forced me to go abroad to study. Gusto niya kong ilayo sayo, dahil narinig niya ang mga usap-usapan tungkol sayo. But, I wanted to see you. And he finally let me. So please, stop taking people's lives."
"I will stop, Callie.. just for you, I promise. Titigil na ako." Sabi ni Dave.
"Ibig sabihin ba nun, hindi na ikaw ang lider namin?" Nagsalita si Mord. Nakakatakot ang mga mata niya, at ang lalim ng kanyang boses. "Pero gusto ko pang pumatay eh."
Mabilisan niyang kinuha ang isang metal at ipinukpok ito sa ulo ni Korree, dahilan ng pagkawala ng malay nito at babagsak na sana sa sahig, pero sinalo ni Welnik.
Parang tumigil ang mundo ni Welnik, hawak hawak niya ang isang Korree na may dugo mula sa ulo, walang malay. Niyugyog niya si Korree, habang pumapatak ang kanyang mga luha, "Korree!"
"KORREE!"
Agad namang kinuha ni Andrea, na walang may alam na meron pala siya, ang kanyang baril, at pinaputok ito. Tinamaan si Mord at bumagsak sa sahig.
Dali-dali nilang pinuntahan si Korree, habang nanatili lamang sa kanyang mga paa si Andrea. Nakapaligid ang magkakaibigan kay Korree, nag-aalala sa kalagayan niya. Wala siyang malay.
Napalingon na lang si Dave sa direksyon ni Andrea.
His eyes widen in horror.
The gun is now pointed to their direction as Andrea wears a nasty smile on her face.
BINABASA MO ANG
The Idol's Love Story
RomanceSi Welnik, isang lalaking nangarap na maging Idol. Kahit na maraming nakakapansin sa hindi gaanong mataas niyang height, hindi parin siya sumusuko at patuloy na lumalaban para sa kanyang pangarap. Pero pano naman kaya ang kanyang love story?