CHAPTER 6: ZOO

7 2 0
                                    

9:04 p.m.

Nagbabalak na kaming matulog at pinapasok ko na yung mga classmates kong nasa labas, na nagnanais ng signal para sa ML nila't kung ano-ano pa. "Guys, pumasok na kayo. Matutulog na tayo, kasi isasara ko na tong pinto."

Napalingon naman sila sakin, "Okay po, Pres." Tumayo na sila  bitbit ang cellphones nila at pumasok na sa loob, kaya't isinara ko na ang pinto.

Umupo ako sa bed sheet, tabi ni Kevy at sumandal sa bubong sabay kuha ng cellphone ko. "Di ka pa ba matutulog?" Tanong ko kay Kevy sabay scroll sa newsfeed ko sa facebook.

Umiling naman siya at sumagot. "Maya na, tapusin ko muna tong candy crush.. level 231 na ko eh." Napalingon ako sa sinabi niya at itinaas ang kilay ko. "Seriously, bro? Ba't di ko alam na nagca-candy crush ka?"

Tiningnan niya ako. "Bakit? Kailangan mo bang malaman lahat ng kilos ko? Ano ka stalker?" Sambit nito sabay smirk at bumalik sa paglalaro.

"Course not. Sino ba namang gustong mag-stalk sayo?" Tumawa ako at hinampas siya sa braso niya. "Ouch ha.. ang sakit nun." Patawa niyang sambit. "Ang gwapo ko kaya." He added.

Napa-irap ako at bumalik sa pagfa-facebook. "Ew, too much self confidence. Narcissist ka bhoi?" I chuckled. At tumawa nalang rin si Kev.

Habang nagscroll ako sa newsfeed ko, may nakita akong post ng Leyvan HS SSG

Leyvan HS SSG:

Attention to all students from Leyvan High School. Tomorrow, we will have a trip to a nearby zoo. Please be ready on 7:00 a.m. and assemble at the gym.

                           -Principal

O..kay.. I should tell the class para makapagready sila bukas ng umaga. Shinare ko muna yung post.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa harap kung saan merong table. "Guys guys guys." Sambit ko sabay clap three times para maibaling ang atensyon nila sakin.

Napalingon silang lahat. "I've just read a post. Bukas daw, pupunta tayo sa zoo. And kailangan nating maready on 7:00 a.m. and proceed immediately sa gym." I smiled. "I shared the post, and you can check it out."

Tumango tango sila "yes, pres!" Sambit nila at bumalik sa mga undone businesses nila. Bumalik ako sa higaan at humiga, tinakpan ang katawan ko ng kumot.

Nagset ako ng alarm 4:00 a.m. para makagising ako ng maaga. Magpeprepare pa kasi kami ng makakain eh.

---

6:48 a.m.

Nasa labas na kaming lahat, prepared at ready na para sa trip sa zoo. Merong nagdala ng camera, at isa na rito si Andrea.

Pagpunta namin sa gym, merong mga kaunting bilin lang and speech para ma-encourage daw kami na mag-enjoy sa zoo.

Pagkatapos, sumakay na kami sa bus by section at sa wakas, nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Nabalitaan ko na hiniram ito ng school ng isang araw sa pamamagitan ng pagbayad ng napakalaking halaga. So, kami lang talagang nandito.

Nagsalita si Kevy na nasa gilid ko, amazed. "Wowww. Nandito na yung classmates natin. Mga hayop~" agad ko naman siyang binatukan sa ulo. Ket maliit ako, naaabot ko parin yun. "Ambad mo."

Hinaplos haplos ni Kevy yung ulo niya at ngumiti na parang tanga. "Lol. Biro lang naman yun eh."

Napailing ako at napahalf-grin dahil kay Kevy.

Nagulat ako nang biglang may sumigaw sa likod ko, na papalapit. "Wilkins!" Ang boses na to-

Lumingon ako sa likod ko at nakita si Star Princess, Cheetah, Korree Bailey. Ang lawak ng ngiti. Sa bilis ng pagtakbo niya, madali lang siyang nakarating sa harap ko. "Hello, Wilkins."

"WELNIK!" agad kong pag-correct sa kaniya.

"Ows. Sorry for that." Sabi niya sabay lagay ng kamay niya sa bibig. Napatingin naman kaming dalawa ni Korree sa gilid ko, kung saan naroroon si Kevy na para bang papatay na kung makatingin kay Korree. Right. Ayaw niya nga pala kay Korree.

Tumingin si Korree sakin, na parang nanghihingi ng tulong. Kinausap ko siya sa pamamagitan ng mata ko. 'Mag-sorry ka.' Mabuti namang tao si Kevy, atsaka forgiving. She bites her lower lip and mustered courage to apologize to my friend.

She suddenly bowed 90° and said, "Sorry." Di parin siya tumatayo at mukhang nagulat si Kevy dito. Ang daming taong nakatingin.

"A-ah. Pwedeng tumayo ka muna?" Tumayo naman si Korree dahil sa suhestiyon ni Kevy. Kitang-kita sa mata ni Korree na determinado siyang makuha ang forgiveness ni Kevy at diretso lang siyang nakatitig dito.

Kevy did a facepalm. "Okay, fine." Napabuntong hininga si Kevy at ngumiti. Lumiwanag din ang awra ni Korree. "I forgive you." Nagsingiti-an na kaming tatlo dahil sa sinambit ni Kevy.

Click. Flash.

Napalingon kaming tatlo kung saan nagmula yung flash. At sa di kalayuan, nakita namin si Andrea na may bitbit na DSLR camera. She looked flustered kasi di niya siguro namalayan na naka-auto yung camera niya.

"S-sorry!" She hid her camera on her back and looked down. Korree's look changed from surprised to smiley. Na para bang nakukyutan. Lumapit siya kay Andrea. "Nope, it's okay."

Kinuha ni Korree ang isang kamay ni Andrea, looking so friendly. "Ano pala pangalan mo?" Tanong ni Korree at sumagot naman si Andrea sa kanya. "A-Andrea."

"Ang cute mo!" sambit ni Korree at biglang niyakap ang nagpapanic na si Andrea. "Th-thank you, pero d-di ako makahinga." Natauhan naman si Korree dahil dito at kumalas sa yakap. "Sorryyyyy.. I can't handle cuteness!" Pinisil naman niya yung magkabilang pisngi ni Andrea.

Napabuntong hininga ako. Kawawa naman si Andrea.

Sa di kalayuan, nabaling ng atensyon ko ang isang agila. "Guys, look! May eagle!" Tinuro ko ito at pinaalam sa kanila. Agad naman silang sumunod at namangha rin tulad ko.

I stared at the eagle. It is dark brown with a golden sheen on the back of the head and the  back.

Napatingin ako sa papel na nasa harapan ko. 'Golden Eagle'. "Golden Eagle pala yung tawag sa kanya guys." Tumango silang tatlo titig na titig parin sa agila.

Habang abala si Andrea sa pagkuha ng pictures, at silang Kev at Korree ay nakatingin parin sa golden eagle, nabigla ako kasi may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Welnik Ornea!"

Napalingon kaming apat sa nagsalita.

"I need to talk to you." Galit na tugon ni

SSG PIO?

The Idol's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon