Chapter Seven
"Bakit ngayon ka lang??!!" galit na tanong ng Papa ni Vench.
Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa pinto ng bahay nila nakasigaw kagad ang papa niya.
"Traffic papa." tipid na sagot niya at naglakad papasok ng bahay.
"Eh bakit ka nga nag pagabi?? San ka ba nag pupuntang bata ka? Kababae mong tao." sermon nito.
"Nagpaalam ako kay Mama,Papa. Tsaka wag na kayong magalit kasi andito naman na ako." pang aaliw pa niya.
"Naku. Matulog ka na. Kayong mga kabataan talaga nuknukan ng mga Layas. Imbes na nag-aaral ng mabuti kung anu-ano inaatupag." patuloy na satsat ng papa ni Vench.
**
"Susunduin mo ba si Vench ngayon?" tanong ni Ian.
Naglalakad si Lester at Ian papauntang parking area ng school campus.
"Oo. Pero hindi niya alam na susunduin ko siya. ayaw niya kasing magpasundo. Nahihiya daw siya sa mga kaibigan niya.Ewan ko dun. " naguguluhang sabi ni Lester.
Tinapik siya ni Ian sa balikat bago sumakay sa kotse nito.
"Sus. Ganyan talaga pag adik sa pag mamahal. Sige na. Ingat ka.Text mo na lang ako pag gusto mo ng pakilala yang labdub mo sakin." paalala nito.
"Oo na . sige ingat din." Tinanaw niya ang papalayong kotse ng kaibigan bago siya sumakay sa sasakyan niya.
"I'm at a payphone tryin' to call home all of my change I'd spent on you. Where have the times gone baby it's all wrong where are the plans we've made for two.."
"Hello?Yes Mom? Napatawag kayo?" gulat na tanong ni Lester.
Last week kasi umalis ang parents niya papuntang Canada. Dadalawin nito ang Ate niya na dun na nag stay. Nakapangasawa kasi ito ng isang business tycoon na naka base nga sa Canada ang business. Gusto man niyang sumama at bumisita sa kaisa-isang ate niya, hindi naman pwede kasi may pasok siya. Isabay pa ang photo shoot niya sa trabaho at syempre si Vench.
"Wala naman Hijo. I just wanna know if you could go here the following day. Importante lang kasi na andito ka. Hinahanap -hanap ka ng ate mo. Alam mo naman ma buntis to . Mukhang ikaw pa ata ang gustong mapaglinhan." Lester's Mom explained.
"Err. Mom. I can't .. Ang dami ko pang aasikasuhin this week at--" Naputol ang sasabihin niya. Narinig niya kasi ang buntong hininga ng Mom niya.
"Sige na nga Mom. Pero Three days lang ako dyan ha. Alam niyo naman bawal akong mag-absent sa school. Tsaka may trabaho pa rin ako. " napipilitang sabi nito.
"Okay Hijo. I'll tell that to your sister. Inll call you tomorrow morning ha. Thanks anak. " Masiglang bawi ng ina.
Napangiti si Lester mag-isa sa loob ng sasakyan."Okay Mom. I Love You."
"i Love You too Hijo."tugon ng ina nito at nagpaalam na sa kanya.
Nag drive na si Lester palabas mg school campus. Tinahak niya ang daan papunta sa school Ni Vench.
"The University of Manila. Ito na nga yun. Pss. Ayaw-ayaw pa niya mag pasundo ha. Kala naman niya di ko alam tong school niya. " Sabi ni Lester habang pinaparada sa labas ng school sa may gilid yung sasakyan niya.
Tapos kinuha niya yung Phone niya sa may mini compartment at tinawagan si Vench.
"Hello? Asan ka na Labdub? Andito sa main entrance ng school niyo sa labas. Sinundo na kita para mas mapabilis tayo sa date natin." mabilis na paliwanag niya.
Narinig niya ang malakas na pag sigaw nito sa kabilang linya.
"Haaalaaaaa!!!! Bakittttttttttt??? Eyyyyyy Kooleeeeet naman ni Labdub sabi na kasing wag di ba????? Nakoooo!! NAkakahya naman. Naglalakad na ko palabas. " satsat nito.
--
Two Months na sila ni Lester. Hayss. Until now di pa rin ako maka move on na kami na.
Sobraaaang sweet niya. Naalala ko nung first monthsary namin dinala niya ako sa EK. haha. Ohdebah? Yaman.
Tss. Iba talaga nagagawa ng may Kotse.
Seloso siya. Konting bagay nagseselos. Pero alam mo yun? Yung selos na hindi naman nakakainis. Hindi nakakasakal. Yung selos na mararamdaman mong over protective siya kasi mahal ka talaga niya.
In my 17 years of existence, I've never imagine I will Find someone like him
Wuhaha , Antaray ko sa line na yun. Ang lakas maka-Adelle.
Anyway, Ayun talaga. Hindi ko akalain na mag kaka bf ako ng kasing gwapo niya. I am just a simple girl hoping for a colorful Love story of mi own.
__
"Ahh. Mga friends, sinundo daw ako ni Labdub . Haha. Tss. Nakakahiya naman kung hindi ko man lang kayo papakilala." saad ni Vench.
"Oh May Gulay! Finally masisilayan na namin yang Labdub mo na yan. " Excited na sabi ni Jbelle.
"Tara na. Can't wait to see him."dagdag ni Alyssa.
Hinila siya nito sa may exit.
"Tange. Asa may entrance siya sa main building. Di muna kasi nagtatanong." Vench said.
Nagmamadali sila naglakad sa may tapat ng main building.
Malayo pa lang tanaw na ni Vench ang Montero Sport na black sa may gilid.
"Hansabeee? Montero sport talaga? Dyan ka lagi niya isinasakay?" tanong ni ALyssa.
"Buti hindi nangangati ang balat mo nu? Mga pang mayayaman yan e." sulsol ni Vielka.
"Grabe naman so ano wala na kong karapatan ganon?" nagtatampong tanong niya.
Pagkatapat sa may bintana kinatok niya ang windshield.
Agad namang lumabas si Lester.
Kitang-kita ni Vench kung gano nakaagaw ng pansin ang presensya ni Lester sa mga babaeng estudyante.
"Lester my friemds.." Isa-isa niyang pinakilala ang tatlong kaibigan.
"Nice meeting you all." nakangiting tugon naman nito."Would you like to join us? "tanong pa nito.
"Nako hindi na. May mga Gig din kami. "
GIG yung term nila kapag may gimik sila o lakwatsa.
"Gig? May banda kayo?"interesanteng tanong nito.
"ASUS. Wala. Gig lang tawag namin pag may lakad o gimik." Vench explained.
Tumingin siya kay Jbelle. Sinesenyasan na niya itong umalis.
--
Masyado na kasing awkward e. Sa gilid pa sila nag-uusap. Mabuti sana kung walng mga babaeng malalandi na umaaligid sa Tweety-pie ko.
--
"So pano? Mauna na kami. Nice Meeting you ulit."paalam ni Jbelle.
==============================================================
Next Chapters mga Tweet-ty Piers. HOHOHO.
Dumudugo na utak ko. Hahah. Hooyhaa!
Wuhaha.
R-V-C. :ppp
-KimEanSukJ.♥
BINABASA MO ANG
My Tweet-ty Pie (COMPLETED)
General Fiction"I want you and your beautiful soul.. " -- Lester Sabilla "Handa akong kalabanin ang sarili ko, para sayo." --Vench Pio