Chapter Twenty-Two
--
Badtrep. Hindi pa ko nakakporma sumingit na agad si Lester.
Aysh. Ang sarap pa naman kausap ni Vench.
Cute.
Cute.
Ang KYOOTTT!!
HAYAHAY.
Pano pag na-in-LOve nga ako sa kanya?
Tsh.
I hate being in-LOve.
I'd rather be addicted to Drinks than Love.
AYan prinsipyo ko sa loob ng mahabang panahon.
Yung relasyon namin ni Jessica alam kong wala lang yun.
Tsaka yung sa ibang nagdaan sa buhay ko.
Why would I try kung lahat na lang ng nakikita kong in-Love luhaan sa huli.
Miserable.
Ang paniniwala ko ang LOVE Di dapat sineseryoso.
Hanggat bata ka pa. Alam mo dapat ang reyalidad na marami kang makikilala. Makikita.
Makakasalamuha at makakarelasyon.
Sabi nga nung favorite Prof. ko.
Isang beses ka lang daw maiinLOVE Sa buong Buhay mo. Others was just an Infatuations and Crushes.
Hayy. Lemme Try this Vengelyn Pio.
--
Naputol sa pagmumuni-muni si Rio ng mag-ring ang phone niya.
Tamad na dinampot nya ito habang nakadapa sa kama niya.
"Yes?" sabi niya.
Asar na tinawagan ni Jessica si Rio.
"Yes ka dyan!! Badtrip! ALam mo ba kung ano ang nalaman ko? Ha??" sigaw n Jessica.
Inilayo ni Rio ang phone sa tenga niya.
"Bakit ba sumisigaw to?" asar na tanong niya.
Inilapit ulit ang phone at kinausap ang caller.
"Ano ? " pabalewalang tanong nito.
"Nagbalik na lahat."sigaw ulit ni Jessica.
"Nagbalik? sino?" Takang tanong ni Rio.
"NAGBALIK NA ANG ALA-ALA NI LESTER!! KAYA MALABO NA LALO NATING MAPAGHIWALAY ANG DALAWA!!! ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS AT PANAHON YUNG NASAYANG KO DITO???MAY MGA PLANO PA NAMAN AKO!! AKALA KO PA NAMAN!! WAAHHHH! MAHAL KO SIYA!!"nagwawalang sigaw ni Jessica.
--
Oh! This Stubborn Brat!
--
" Hmm. Ganon ba? Tsk! Sayang naman, cute pa naman nung si Vench." Regretful na saad ni Rio.
" Tsh!!! Pano na ako??? Pano na kami ni Lester??" Umiiyak na sabi ni Jessica.
Tuluyan na siyang nag-breakdown.
"Oy. Hala. Hsshh. Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Rio.
" Mahal ko siya .." pabulong na sabi ni Jessica.
" Jessica, come on. Be strong! Akala mo lang mahal mo siya. Marami ka pang makikilalang iba. ANo ka ba? " saad ni Rio.
"Bakit nagmahal ka na ba?" insultong tanong pa nito.
" Yes I'm not. But I know how it goes. Mabuti pa gimick tayo maya. Treat ko." pampalubag loob na sabi ni Rio.
" Ayaw." umiiling iling pa na sagot ni Jessica habang hilam sa luha ang mukha.
" Tsh. Basta. Sunduin kita sa condo mo mamaya.Sige na maliligo na ko. Bye"sabay baba ng tawag.
"Sayang naman! Hindi ko pa nasisimulan wala na agad. Hmm. Pero siguro naman we can be real friends. Besides, magaan ang loob ko sa kanya." kausap ni Rio sa sarili habang naglalakad papasok ng banyo.
"Ayyhhhssss!" inis na sabi ni Vencg at sinabunutan ang sarili.
Nakaupo siya ngayon sa swing.
Nasa Quezon City Circle sila ni Lester. Hinihintay nila ang kaibigan nitong si Ian at Sophie.
"ANO?" tanong ni Lester na nakaupo sa kabilang swing.
"Ang kulit mo naman kasi Labdub! Paulit-ulit na ako pag e-explain parang di mo naman naiintindihan." sambit ni Vench.
"E bakit nga kasi ayan at nagtext pa sayo yang Rio na yan??" galit na tanong ni Lester.
" FRIENDS NGA KAMI DI BA?? FRIENDS!! ALAM mo yun?? Masama ba namang mangamusta? Kapag ba kinamusta ako may iba na agad meaning?" nagagalit na rin na sabi ni Vench at patuloy na ginulo ang buhok.
" Wow ha. Ayos. Dalawang beses pa lang nagkikita close agad. Hanep ahh." sagot ni Lester."Tsaka bakit ba kanina ka pa sabunot ng sabunot dyan sa buhok mo. Mukha ka ng bruha dyan! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." tanong nito.
"Ano bang pakialam mo sa buhok ko ha??" singhal ni Vench."Kung alam ko lang naman na aawayin mo ako e di sana hindi na ako nagmakaawa sa mama ko na paalisin ngayon! kainis! sinabi na kasing friends lang. Masama ba? KASALANAN KO BA NA GWAPO YUN HA?? TSAKA Hindi kita maintindihan e. AS if naman nuknukan ako ng ganda para lahat ng lalaki mag kagusto sakin!"Litanya ni Vench at humarap sa ngayon ay nakatitig na si Lester.
Hindi na sumagot si Lester.
Tumayo ito at naglakad.
Sumigaw si Vench.
"HOY!! SAN KA PUPUNTA??? SIGE IWAN MO KO. TSHH."Naluluha na sa sobrang inis na saad ni Vench.
Humarap si Lester.
"Hindi kita iiwan. Arte nito. Dyan ka lang bibili ako ng softdrinks! Yung sobrang malamig para naman lumamig yang ulo mo. at ibibili na rin kita ng suklay. Tsh. " nagpatuloy sa paglalakad si Lester.
Natahimik si Vench habang pinagmamasdan maglakad si Lester.
"Seloso. " sambit niya. "Para namang ipagpapalit pa kita. Asa ka.Sayong-sayo lang ako. Sakin ka lang din." Sabay itinapat niya yung daliri niya sa bulto ni Lester na paliit ng paliit habang palayo ng palayo sa paningin niya.
Idinuyan nya mag-isa ang sarili .
Kinuha niya sa bulsa ng bag niya yung Iphone ni Lester.
"Inaamag na tong Home Screen ng Phone niya . Di pa rin napapalitan."sabi ni Vench.
Yun pa rin kasing picture nila sa park ang HS NG Phone ni Lester.
Pumunta siya sa mga images at naghanap ng maipapalit.
Ang daming picture ni Lester.
Inisa-isa niyang panuorin yung mga pictures.
Biglang nakita niya yung picture ni Letser at Nung Jessica.
"Bakit andito to?"Tiningnan niya yung date. Year 2012 pa nakasulat.
Napaisip si Vench. "2011 pa sila nagbreak ahh.."
Kung ano-ano na pumapasok sa isip ni Vench. Tinitigan niyang maigi yung picture nung dalawa.
Naka-couple shirt na red yung dalawa. Nasa likod ni Jessica at Nakayakap si Lester . Parehong nakangiti ang dalawa.
They look good together.
Walang magsasabi na hindi bagay ang dalawa.
Unti-unting nilalamon ng selos ang puso ni Vench.
"Hindi pa rin ba niya nakakalimutan si Jessica?" tanong ni Vench sa sarili.
=====================================================================
BINABASA MO ANG
My Tweet-ty Pie (COMPLETED)
Ficción General"I want you and your beautiful soul.. " -- Lester Sabilla "Handa akong kalabanin ang sarili ko, para sayo." --Vench Pio